IT WAS a very lovely day for the people in hacienda Monteverde. Kasabay ng kasal ng kanyang kaibigan na si Maria na magaganap sa araw na iyon ay ang pagdiriwang sa muling pagbabalik ng reyna ng hacienda. Si Doña Mercedes.
"Wow! Napakaganda mo talaga Miss Maria!" papuri niya rito.
She was really amazed at her right now. Napakaganda nito sa wedding gown nito, at talaga namang bagay na bagay iyon sa dalaga na sa ilang sandali lamang ay magiging isang Mrs. Monteverde na.
"Thank you, Sana. But it's not only me who's more beautiful right now. You too. You're beautiful also... Bagay na bagay sa'yo ang suot mo ngayon. At, siguradong mas hahanga sa'yo si Max!" she exclaimed to her.
Napailing-iling na lang siya sa sinabi nito, kapagkuwan ay napatingin siyang muli sa kanyang suot na long dress sa harap ng malaking salamin.
It's simple but gorgeous. It's a chiffon dress featuring a high neckline with cold-shoulder styling and off-the-shoulder flutter sleeves in french lilac. Her hairstyle is in an updo messy bun with curly strands at each side of her face, and she's wearing a floral tiara that truly enhanced her beauty especially her fair skin. Pakiramdam niya, isa siyang diwata ng mga oras na 'yon.
"Salamat mis—"
Maria rolled her eyes, "Sana? I told you to stop calling me Miss? Okay? Call me by my name, Maria. O 'di kaya, sister-in-law tutal baka kayo na ang sumunod ni Max na magpakasal." Napahagikhik pa ito habang sinasabi ang mga bagay na 'yon sa kanya.
She sighed, "hindi naman kami. Walang kami. Kaya impossible iyang sinasabi mo."
Maria smirked at her, "who knows? We'll never know what the future brings, right? Ako nga, hindi ko naman inaasahan na mangyayari 'to eh. Na ikakasal ako sa lalaking hindi ko type noon." Tumawa pa ito habang nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng salamin. "You know what, you can't really realize nor predict that you're in love if you can't feel it. Ako, I have my ideal man of course, but when Damian came, he became my ideal man, though, he's not perfect."
Ngumiti siya rito, "wala naman talagang perpekto sa mundo. Sabi nga ni Paps, kapag mahal mo raw ang isang tao, makagagawa ka raw ng mga kamalian sa buhay. Mga maling desisyon. Ang kailangan lang eh, tanggap ka ng taong mahal mo, kasi nga hindi ka perpekto. Pero kung hindi ka naman niya tanggap eh 'wag na raw ipagpilitan kasi nakakasakal din ang pag-ibig. Sabi pa nga niya, kung kailangang lumaban, eh lumaban ka. Pero... kung kailangang magparaya... Magparaya ka. Kasi, ang pag-ibig, hindi raw madamot."
Maluha-luhang napatingin sa kanya si Maria, "ang lalim bes. Muntik na akong malunod."
Hindi niya mapigilang tumawa dahil sa tinugon nito sa mga bagay na sinabi niya tungkol sa pag-ibig. Nahawa rin ito kaya parehas na silang nagtawanan habang may mumunting luha na mababanaag sa kanilang mga mata.
"Ang swerte ni Damian sa'yo Mrs. Monteverde," panunukso niya rito.
Napangisi naman si Maria sa tinuran niya, "nah, mas maswerte si Max sa'yo, soon to be Mrs Monteverde."
She can't help but blushed and pout at Maria, "oy... Hindi kaya..."
Maria just chuckled at her and said, "arat na."
Muli ay nagkatawanan na naman sila habang binabaybay ang daan patungo sa harden ng mga Monteverde kung saan idaraos ang kasal.
Hindi naman malayo ang harden kaya nakarating agad silang dalawa ni Maria roon. Magkasunod silang maglalakad ngunit mas mauuna siya ng ilang minuto rito dahil kailangan munang isarado ang bridal entrance door para rito. Iyon ang narinig niyang sinabi ng wedding coordinator nila Maria at Damian.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceSana is happy with the simple life she's living in. She has a father who is very loving to her, and a boyfriend who treats her so dearly. Too much respect was shown to her by her boyfriend and in their two years of being in a relationship, he never...