CHAPTER 23

2K 67 10
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝟐𝟑


SHE can feel her heart beating so fast. She's in dazed. She's in awe. Hindi niya alam kung bakit hindi niya man lang maigalaw ang kanyang mga paa sa paghakbang patungo sa kanyang amang nakaluhod sa kanilang harapan ng bagong kakilala niyang si Tita Sylvia.

"P-patawad. Patawarin niyo po ako. Napakalaki po ng kasalanang nagawa ko sa inyo ng anak ko- ng... anak niyo..." Pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay napahagulhol ang kanyang ama habang nakayukong nakaluhod pa rin sa harapan nila.

Napatutop siya ng kanyang bibig habang wala pa ring salitang namutawi mula sa bibig niya. Hanggang sa bigla niya na lang naramdaman ang panghihina kaya nawalan siya ng balanse, at kung wala siguro ang kanyang asawa na kaagad na umalalay sa kanya ay siguradong sa lupa ang bagsak niya.

Lumipas pa ang ilang mga segundong tanging ang mga huni ng ibon at pag-iyak ng kanyang ama ang kanilang maririnig.

"I-its impossible to happen. Hope is dead already. After she got abducted by those evil men, the authorities did their best to rescued her but, sad to say... they wasn't been successful to save her- alive. Those monsters burned my daughter! I had the DNA and it matched to my daughter! So how could you say that your daughter is my daughter?!" Poot at galit ang makikita sa magagandang pares ng mga mata ng ginang habang binibitawan nito ang mga salitang iyon.

Napayakap na lang siya sa kanyang asawa dahil parang biglang sumikip ang kanyang dibdib. She cannot take those words. It's like someone is stabbing her heart because of that. Masyadong masaklap ang pinagdaanan ng ginang at kitang-kita niya iyon sa mukha nito.

Slowly, his father managed to stand up, and meet her gaze.

"Hindi ko naman inaasahan na mangyayari ang mga bagay na 'to. Na makikita ko pa kayong muli. Pero, inihanda ko na ang aking sarili sa kung anuman ang pwedeng mangyari. P-pinalaki, inalagaan, at minahal ko si Sana. Itinurin ko siyang parang isang tunay kong anak. No'ng una dahil sa malaki ang kasalanan ko sa kanya, pero kalaunan naging bukal sa loob ko ang pagiging ama. Ipinangako ko sa sarli kong gagawin ko ang lahat upang maprotektahan siya at malayo ko siya sa mga taong pu-pwedeng manakit sa kanya," anito.

"Wait— are you one of them? Isa ka ba sa mga dumukot sa anak ko?!"

Umiling-iling ang kanyang ama, "hindi po. Naging utusan lang po nila ako sa pagbabantay sa anak niyo habang isinasagawa nila ang kanilang mga plano. Ang alam ko ay may pinuno sila. Pero ni anino nito ay hindi ko pa nakita. 'Di sinasadyang narinig ko minsan sa usapan nila na ipinapasunog ng amo nila ang bata. Nagimbal ako ng marinig ko iyon kaya naman hindi na ako nakapag-isip pa at itinakas ko ang iyong anak nang makahanap ako ng tiyempo upang maka-eskapo."

"What the—" Konstantin can't even continue on what to say and combed his hair with his hand exasperatedly.

Habang ang ginang naman ay napaupo sa upuang bato na malapit dito. Nakikita niyang halo-halo ang emosyon nito. "K-kung sinasabi mong hindi ang nasunog na batang iyon ang anak ko, p-paano mo mapapatunayan ang dna test results?"

Instead of answering the woman. Her father went inside their house, and when he went back, he's holding something in his close hand.

He then went to Sylvia's side, took her hands and give her whatever was the thing her father was holding.

As soon as the woman look at her hands, she then sobbed.

"Oh heavens..." she keep on sobbing and sobbing.

Konstantin then went to her side and gave her aunt a tight hug.

"Tita..." Iyon lang ang namutawi sa bibig nito.

𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon