SANA never imagined Maximo being so erotically romantic to her. Pero ng gabing 'yon ay ramdam na ramdam niya ang pagiging romantiko nito. Ang mga haplos nito na nagdulot ng ibayong init sa kanyang buong pagkatao. Ibang-iba ang binata no'ng gabing 'yon. At hindi niya maipagkaila na gustong-gusto niya ang mga ginawa nito sa kanya.
"Earth to Sana? Hello?"
Nabalik ang diwa niya nang magsalitang muli si Maria. Kasalukuyan silang nag-uusap at gusto sana nitong puntahan niya ito sa apartment nito, at do'n siya mag-palipas ng buong gabi.
"S-sige. Tutal, wala naman dito ang amo ko. Ewan ko ba, at mag-dadalawang linggo ng hindi umuuwi," she sighed.
"Hayaan mo na. Uuwi rin ang baklang 'yon. Baka busy lang masyado kasi may trabaho siya at syempre, inaalagaan niya rin si Tita Mercedes na nasa ospital pa rin," malumanay na turan nito sa kanya.
Nalaman niya mula kay Maria na nasa ospital ang ina ni Maximo dahil hanggang ngayon ay comatose pa rin ito. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng awa para sa kanyang amo. But she washed it away because she knows that Maximo don't need nor want it. Alam niyang sa kabila ng babakla-bakla nitong awrahan ay matapang pa rin nitong hinaharap ang kung anumang pagsubok nito sa buhay. At dahil doon ay mas lalong nadaragdagan ang kanyang paghanga rito. Sshhh! Tumigil ka Sana.
"Kita-kits mamaya!" Maria muttered then bid her goodbye.
Pagkatapos ng pag-uusap nilang 'yon ay humilata na siya sa malapad na kama. Nababagot na siya sa pananatili roon at gusto niyang mamasyal man lang. Wala na naman siyang gagawin, at tinatamad din siyang kumain.
Sumagi na naman sa kanyang isipan ang gabing inalay niya kay Maximo ang lahat-lahat sa kanya. At kung pa'no nito sinamba ang kanyang katawan ng walang habas.
She sighed again, "hays... Panaginip nga naman."
She thought that it really happened— not until she woke up that morning, feeling so wet down there. Nasabunutan niya tuloy ang sariling buhok dahil sa hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Is it disappointment, that it was just a dream? Or, a relief that it was just a dream, perhaps?Gano'n na ba siya ka-hooked sa binatang bakla na aabot sa puntong mapapanaginipan niya na ito? Na parang walang pag-aalinlangan niyang inalay ang buong pagkatao rito? Oo, at humahanga siya kay Maximo. Oo, at kapag naiisip niya ito ay parang may kung anong humahalukay sa kanyang sikmura na hindi niya mawari. Oo, at kapag nakahiga siya sa malapad na kama nito ay hinihiling niyang naroon lang ito, at katabi niyang natutulog.
Naiinis siya sa kanyang sarili at hinahayaan niyang malayang makapasok ang binatang bakla ng bukal sa kanyang puso. Teka— sinabi ko ba'ng puso? Puso agad? Agad-agad? Kastigo niya sa kanyang sarili.
For her, there's no such thing as love at first sight. Pa'no naman kasi matitiyak ng isang tao na mahal niya kaagad ang taong kakikilala pa lang niya 'di ba? Muli, ay nasabunutan niya na naman ang kanyang sarili. Maling-mali na naliligalig siya nang dahil lamang kay Maximo. Sa isa na namang lalaki nga, pero lalaki rin ang hanap.
MAXIMO SMILED as he saw his mother combing her beautiful wavy long hair. Katatapos lamang nitong maligo at magbihis, at ngayon nga'y sinusuklay na nito ang mahaba nitong buhok.
"You're still the most beautiful woman I've ever seen in my whole life, Mama..." madamdaming aniya sa ina.
His mother softly smiled at him, then chuckled afterwards, "pa'no mo kasi makikita ang ibang magagandang babae kung sa akin ka lang nakatingin anak? Maghanap kana kasi ng babaeng maihaharap mo sa altar, at makakasama habang buhay. Aba'y hindi kana bumabata anak."
He crinkled his pointed nose, "nah, wala pa sa isip ko 'yan. Mas gusto kong mag-focus sa business ko at syempre, sa nanay kong saksakan ng ganda at kaseksihan!"
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceSana is happy with the simple life she's living in. She has a father who is very loving to her, and a boyfriend who treats her so dearly. Too much respect was shown to her by her boyfriend and in their two years of being in a relationship, he never...