"DAMN IT!" hindi niya mapigilang mura dahil kanina pa siya naiipit sa trapiko. Looks like he made a bad decision in going to San Sebastian at this kind of hours. "Kainis! Hagardo Versosa na ang beauty ko dahil sa traffic na 'to! Shit lang," patuloy pa rin niyang mura dahil iritang-irita talaga siya.
Mabuti na lang at napakiusapan niya si Sana na 'wag magbabanggit kay Maria ng tungkol sa gagawin niya. Bigla tuloy napahigpit ang kapit niya sa manibela ng kanyang kotse nang sumagi sa isipan niya ang lalaking nakabuntis sa kanyang kaibigan. Sisiguradohin niyang makakatikim ito ng suntok galing sa kanya.
Ang gago lang ni Damian dahil nagawa nitong saktan ng gano'n ang kaibigan niya.
"Finally!" bulalas niya nang makalabas na rin siya sa trapiko, at ngayon nga'y tinatahak na niya ang daan patungo sa San Sebastian.
Madilim na nang makarating siya sa hacienda Monteverde. "Hmmp!" Di niya mapigilang mapairap nang mabasa niya ang apelyidong iyon. Ang apelyidong matagal niya nang ibinaon sa hukay.
That's his surname, but he loathed it many years ago. He used her mother's surname instead, which was Guiller.
When Maria told him about Joy's plan for her to apply as a maid in the Monteverde mansion, he refused to that. But all he can do is support his best friend's decision.
Hindi niya alam kung kaano-ano niya ang mga Monteverde. Pero may hinuha siyang kadugo niya ang mga ito— o iyon ang akala niya.
Sa wakas ay nakarating din siya sa Hacienda Monteverde, at mabuti na lang na walang masyadong bantay kaya malayang nakapasok ang kotse niya sa malawak na bakuran ng mga ito.
Hindi na niya pinansin ang kagandahan ng lugar na iyon dahil isang tao lang ang pakay niya. Ang walang hiyang gagong nakabuntis kay Maria.
"Naku, naku, naku! Gigil mo ako, Damian!" naiinis na aniya.
Pinindot niya ang door bell button at naghintay na pagbuksan siya ng kung sinumang nilalang sa loob ng mansiyon. Kaagad naman iyong bumukas at bumungad sa kanya ang isang katulong na puno ng kolorete sa mukha. Ew, hindi man lang marunong maglagay ng make-up ang bruhang 'to. Nagmamaganda eh hindi naman maganda.
"Sino ka?" tanong nito, pero hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na sagutin iyon. Basta-basta na lamang siyang pumasok sa loob ng mansiyon na iyon. Pero bago pa man siya makahakbang muli ay humarang na sa kanya ang payasong katulong.
"Bawal po'ng pumasok dito, lalo na't hindi kita kilala." maarteng turan nito.
Tinaasan niya naman ito ng kilay, "bruhang 'to."
Nagpumilit na naman siyang makapasok ngunit mahirap matibag ang babaeng pumipigil sa kanya. Leche 'to! Kakainis!
"Sabing papasukin niyo ako eh!" Natigil ang mga tao sa loob nang sumigaw siya. Good job self!
"P-pero hindi nga pwede Sir! Magagalit si Don Fabian." matiim na kontra nito sa kanya.
"Bruha! Sasabunutan kita kapag hinarangan mo ako!"
The maid looks so shocked when she heard him say those words. At hindi na siya nito napigilan pa nang marahas niyang hinaklit ang braso nitong pumipigil sa kanya.
Mabilis siyang nakalapit kay Damian at malakas niya itong sinuntok sa mukha. "Gago ka!"
Sapo-sapo naman nito ang parte ng mukha kung saan tumama ang suntok niya, at nanlilisik ang mga berdeng mata nitong nakatingin sa kanya, "What the fuck! Who are you?!"
"Maximo!"
Nagawi ang tingin niya sa babaeng sumigaw ng pangalan niya, at oo, talagang nagulat siya nang makita ang kanyang ina na di niya namalayang malapit lang pala sa kanya.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceSana is happy with the simple life she's living in. She has a father who is very loving to her, and a boyfriend who treats her so dearly. Too much respect was shown to her by her boyfriend and in their two years of being in a relationship, he never...