AN OLD lady opened the back door for her. Ang sabi ng tricycle driver na siyang naghatid sa kanya ay hindi talaga nagpapapasok ng mga maids o ibang trabahante ng mansiyon ang mga Monteverde sa harapan ng mansiyon ng mga ito. Nagtataka man ay hindi na lamang siya kumibo. Sa isip niya ay gano'n siguro ang kalakalan ng mga mayayaman.
"Ikaw si Sana 'di ba?" Tanong sa kanya ng matanda nang makapasok na siya.
"Opo," tipid niyang sagot.
Napansin niyang matiim na siyang tinititigan ng babae kaya ay medyo na naasiwa siya.
Tumikhim ito. "Bueno, ako si Manang Celia, ang mayordoma sa mansiyong ito. Halika at sasamahan kita sa magiging kwarto mo." Saka nagpatiuna na ito sa paglalakad sa isang pasilyo at siya nama'y tahimik lang na nakasunod dito.
Until they reached the maid's quarter area. Mayroong apat na silid doon at nang ituro sa kanya ni Manang Celia ang magiging silid niya ay hindi na niya naisipan pa'ng kumatok at marahan siyang pumasok sa silid na iyon. Sinabi ni Manang Celia sa kanya na may isang katulong siyang kasama at kaagad nitong ibinigay ang tatlong pares ng maid's uniform niya, at umalis na rin ito.
"Wow!" she was amazed that the maid's room are clean and wide.
It has a peach painted walls and their are two single beds that has soft mattress on it. Inilapag niya ang kanyang backpack sa ibabaw ng kama. Napako ang kanyang paningin sa katulong na mahimbing na natutulog sa kama nito.
Parang pamilyar siya. Anang isipan niya.
Unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan nito at sakto namang tumihaya ito nang paghiga kung kaya't nasilayan niya ang maganda at maamong mukha nito. She then realized who she was and it made her almost shout in joy, but she resist not to.
Omg! Si Miss Maria nga ito!
Hindi niya mapigilang pagmasdan ang magandang mukha ng kanyang paboritong manunulat. She really can't believe that she's here right lying in bed. Pero anong ginagawa niya rito? Takang tanong niya sa kanyang isipan.
Naalimpungatan ang dalaga at nang magmulat ito ng mga mata ay gulat itong napatingin sa kanya na parang isa siyang multo sa paningin nito.
"S-sino ka?" gulat na tanong nito sa kanya.
She smiled at her, "ako si Sana."
Kumunot naman ang noo ng babae sa kanya. It's like she doesn't believe in her name. Kasalanan talaga 'to ni Paps. Hmmp.
"Paki-ulit nga ulit ng pangalan mo," pahabol pa nito.
Now she can't help but to rolled her eyes. Hindi na naman bago sa kanya iyon eh. Pero ano naman ang magagawa niya? Her father gave her that name. Sana Hope na lang 'di ba? O 'di kaya ay Faith?
"Sana. Sana. Sana. Di ba maikli at madali lang pong banggitin Miss Maria?" She chirped.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Maria. "Huwag mo akong tawaging Miss Maria. Parehas lang tayong katulong Sana."
Napangisi lang siya sa tinuran nito. "Ay hindi po kayo katulong di ba? Kilala ko po kayo. Isa kang romance novel author. Lahat nga po ng libro niyo kahit may kamahalan po nabili ko na po saka nakita ko na po kayo sa Cebu City, may book signing po kayo. Pumunta nga po ako e kaso, umalis na kayo agad.. Naglakad lang po kasi ako 'non." malungkot na aniya. Pero maya-maya'y bumalik na naman ang kanyang sigla. "Pero ngayon po, ang saya-saya ko po! Nakita ko na po—"
Nabigla siya nang tinakpan nito ang kanyang bibig. "Sshhh," saway nito sa kanya. "Huwag kang maingay. Okay?" Tumango-tango naman siya kaya't tinanggal na nito ang kamay na nakatakip sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomantizmSana is happy with the simple life she's living in. She has a father who is very loving to her, and a boyfriend who treats her so dearly. Too much respect was shown to her by her boyfriend and in their two years of being in a relationship, he never...