CHAPTER 3

2K 83 31
                                    

NARAMDAMAN NIYA ang may kalakasang sampal sa kanyang kanang pisngi, kaya nalipat ang tingin niya kay Maria na ngayon ay nakatawa na, at alam niyang siya ang pinagtatawanan nito kaya't napasimangot siya.

"Bakit mo ako sinampal?!" Bahagyang sigaw niya rito.

Naku kung hindi niya lang ito matalik na kaibigan ay baka nasampal niya rin ito. Pero pasalamat talaga ang babae dahil kaya niyang magtimpi sa lagay na 'yon.

Maria looked at him flatly, "pa'no kasi mukha kang tanga. Natitibo kana ba gurl?" natatawang tanong nito. Sasagot pa sana siya nang magsalita ito ulit. "Papasukin mo nga muna kami bhe. Nakakapagod kaya ang mag-byahe."

Hindi na siya umimik pa at hinayaang makapasok ang dalawang babae sa loob ng kanyang unit.

Pagkapasok ng mga ito ay isinara niya na ang pintuan at ni-lock iyon, saka siya sumunod sa dalawa na printi nang nakaupo sa mahabang sofa. He sat on the couch accross to them. And oh, he's now starting to hate his self for staring at the woman beside her bestfriend. Naku, naku, naku. Umayos ka bakla!

Tumikhim siya. "Anyare bhe? Bakit parang natalo ka ng isang milyon sa ayos mo?"

Nakatitig lamang sa kanya ang kanyang kaibigan, pero maya-maya lamang ay bigla itong napatayo at tinungo ang direksyon niya. Maria embraced him immediately and she sob in his arms.

"S-si D-damian bhe. S-si D-damian..." Tanging pangalan lamang nito ang siyang laging binabanggit, at talagang naiinis siya sa lalaking 'yon.

Sa simula pa lang ay hindi na siya sang-ayon sa kasunduan nito at ng pinsan nito na si Joy, ngunit dahil nga sa utang na loob raw nito ay wala itong pagkakataon na humindi sa gusto ng pinsan.

Ng medyo kumalma na ito ay saka pa lamang nito isiniwalat sa kanya ang lahat nang naranasan nito sa hacienda Monteverde. At talaga namang uminit ang ulo niya, hindi lang kay Damian kundi pati na rin sa pinsan nitong mas saltik yata sa pag-iisip.

Mga pashneya!

Sa isipan niya ay unti-unti niya nang sinusunog ang dalawang taksil kay Maria. Hinding-hindi siya makakapayag na hindi masabunutan ang bruhitang si Joy. Humanda ka Joy ka! Gagawin kitang isang dishwashing liquid kapag nakita kita.

"Stop crying. That man doesn't deserve your tears bhe. Hayaan mo at may karma rin sa mga taong gano'n." Pang-aalo niya sa dalaga.

"P-pero bhe, mahal na mahal ko si Damian. Tangina lang bhe! I gave him my vir-"

"Hep! Please lang bhe, that's too much information. Yuck!" Pagpigil pa niya sa dalaga.

Hindi napigilan ni Maria ang hindi mapatawa sa tinuran niya, at gano'n din ang dalagang kasama nito, kaya napatingin siya sa maputing babae. At napansin niyang, hindi lang pala kutis ang maputi rito. Maputi rin ang ngipin nito. Maputi rin kaya ang singit nito? Hindi niya mapigilang tanong sa kanyang isipan.

"Hoy bhe, naaning kana naman. Tumatahimik ka yata bigla ngayon? Hmm..." Turan ni Maria sa kanya, kapagkuwan ay tumingin ito sa gawi ng babaeng nilunok yata ang isang bote ng gluta at pagkatapos ay sa kanya na naman ulit. "Ah, by the way, I want you to meet Sana. Katulad ko ay naging katulong din siya sa mansiyon." Nakangiting nilingon muli nito ang babae. "Sana, this is Maximo, my bestfriend since I can't remember," sabay tawa pa nito.

Kumunot ang noo niya hindi dahil sa pagtawa ni Maria, kundi dahil sa pangalang binanggit nito sa kanya.

"Sana? Sana talaga ang pangalan mo?" He can't help but asked.

Pinamulahan naman ng mukha ang dalaga. "O-opo."

"Well, your name is beautiful. Akala ko nga snow white ang pangalan mo eh," hirit niya.

𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon