DALI-DALI SIYANG tumayo mula sa pagkakadagan kay Maximo. The only thing in her mind right now is to get vanish from his sight. Nakakahiya! Pero naiinis siya dahil hindi niya inaasahang sa amo pa niya matitikman ang kanyang unang halik. Urg!
Dahan-dahan namang tumayo si Maximo na animo'y may iniindang sakit dahil nakahawak ito sa balakang nito. At nang magtama ang paningin nila ay inirapan siya nito.
Seryoso? Siya pa ang may ganang mang-irap?
"Ikaw na babaeta ka! Isa kang scammer. Scammer!" Masungit na anito sa kanya.
Her brows furrowed, "Si— este Ma'am, ano po'ng sinasabi niyo? Hindi po ako scammer."
"Scammer ka. Sa payat mong 'yan, heavygat ka pala—ouch! Ang likod at balakang ko."
Nakita pa niya ang pagngiwi ng kanyang amo. Kinagat niya ang ibabang labi dahil sa takot, kaba, at pag-aalala sa idinadaing nito.
"S-sorry po. Nabigla po ako sa inyo eh." Paghingi niya ng paumanhin habang nakatitig dito. "Huwag niyo po akong tatanggalin sa trabaho..."
Alam niyang maluha-luha na siya. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang mahinang pagtawa ng amo sa kanyang harapan kaya kumunot ang noo niya.
"Why would I do that? Tss. Silly girl." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ito sa kanya, pero bago ito lumabas ng pintuan ay humarap muna ito patungo sa direksyon niya. "And stop biting your lips. Hindi bagay."
Tuluyan na itong lumabas ng walk-in closet, at naiwan siyang nakanguso na lang. Ang ewan lang!
"Hindi raw bagay pero natikman niya na naman," bulong niya sa sarili.
Ipinagpatuloy niya na lang ang pag-aayos ng mga gamit sa walk-in closet, at nang matapos siya ay lumabas na siya ng silid upang maghanda at magluto ng pananghalian. Nadaanan niya pa ang amo niyang nakahiga sa mahabang sofa, nakaharap sa malambot na sandalan at mukhang natutulog.
Dire-diretso na siyang pumunta ng kusina at naghanap ng pu-pwedeng lutuin. Mabuti nga at hindi na siya mangangapa sa paggamit ng de-kuryenteng kalan dahil kahit naman nakatira sila sa bukid ay mayroon sila niyon. Bumili ang kanyang ama nang magsimula na siyang matutong magluto. Pero kahit gano'n pa man ay sa kalan na gamit ang panggatong pa rin siya nagluluto. For her, the cooked foods on the firewoods are more tastier and delish than in an electric stove or in a gas stove.
Napansin niya ring umuulan na sa labas nang nadako ang paningin niya kanina sa bintana kaya imbes na mag-gigisa siya ng gulay at mag-a-adobo ng manok, ay nagluto na lang siya ng tinolang manok. Sana lang ay magustuhan ng kanyang gwapo— este magandang amo na bipolar ang niluluto niya.
Nang matapos siya sa paghahanda ay tinungo niya na ang sala kung saan naroon si Maximo, ngunit nang makarating siya roon ay wala na ito sa pwesto nito.
Akmang kakatok na siya sa silid nito ay saka naman iyon bumukas. She doesn't know why she felt her heart raise and it's beating so fast and loud. Maximo looks so fresh wearing a plain white t-shirt paired with a black jogger pants. And yes, he shouts with a big impact of gorgeousness and charisma. Kung sana ay hindi lang siya bakla—
Napakurap-kurap siya at napailing-iling dahil sa bagay na 'yon.
"K-kakain na."
Nakatitig lamang ito sa kanya ng ilang segundo. Maya-maya ay tumango na rin ito sa kanya, "halika na. Sumabay ka sa akin. I don't want to eat alone," anito.
Tumango na lang siya at magkapanabay nilang tinahak ang daan patungo sa kusina kung saan naroon ang black marble island counter.
Nang makaupo ito ay nilagyan niya na ng kanin ang plato nito at nang akmang lalagyan niya na ng ulam iyon ay pinigilan siya nito. "Ako na. Kumain kana, okay?" nakangiti nitong turan sa kanya.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomanceSana is happy with the simple life she's living in. She has a father who is very loving to her, and a boyfriend who treats her so dearly. Too much respect was shown to her by her boyfriend and in their two years of being in a relationship, he never...