• I dedicate this chapter to one of my innocent friend and co-writer, exjhayy ! I'm glad we've met here in Wattpad hon. HAHAHA! O 'di ba ang sweet ko sa endearment? Char. Love yah!😘
• I also dedicate this chapter to my ate julyabenes38 ! Thank you ate sa pagiging very supportive mo sa mga stories ko. Love yah!😘
• And to colesjpl , MariaKristineGonzale, and mherapotz ! Love yah!😘
Enjoy reading!💕
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
CHAPTER 8
GUSTO NIYANG saksakin si Maximo ng mga sandaling iyon. Seryoso? Siya? Girlfriend nito? Hindi naman ulo ang ginamit nito sa pagsuntok kay Damian kundi ang kamao nitong namamaga na ng mga oras na 'yon. Tila yata naalog ang utak nito. Paano niya kaya ito mapapatinong muli?
"Hindi. Ayoko." Nakahalukipkip niyang turan dito.
Pagkatapos nilang maghapunan ay hinila muna siya saglit ni Maximo sa kusina habang masayang nagkakape naman ang lola't lolo nito sa may sala.
He looked at her with his puppy eyes. "Sana please... please... Napasubo na ako eh. I don't know what to do anymore. Paniguradong nasabi na nila kay Mama ang tungkol sa atin."
"At ano naman ngayon kung nasabi na nila sa Mama mo? Anong connect non?"
Napahilamos ito ng mukha kapagkuwa'y, "I don't want her to be sad... As much as possible, I want her to be happy."
Napakunot-noo siya dahil sa sinabi nito. "Pero nagsisinungaling ka sir. Hindi mabuti iyang ginagawa mo. At isa pa, walang sekreto o pagsisinungaling na hindi nabubulgar." Hindi ito umimik kaya'y napahugot siya ng isang malalim na hininga. "O sige, ipagpalagay na natin na papayag akong magpanggap ng girlfriend mo. Pero paano kung dumating ang araw na malaman ng ina mo na hindi pala 'yon totoo? Na hindi pala talaga tayo magkasintahan? Mas masasaktan siya sa katotohanang... kasinungalingan lang pala ito. Tayo. Masama ang magsinungaling, Sir-"
"-Max." Putol nito sa kanya.
"Huh?" nalilito siyang bigla rito.
Matiim itong tumitig sa kanya. "From now on, you will call me, Max or Maximo. Cut the Sir or Ma'am. I want you to call me by my name."
Napaka-bipolar talaga nito! Akala ko ba bakla 'to? "At bakit 'yon ang itatawag ko sa iyo, ha?"
He shrugged, "uhm, because you're my girlfriend? Hmm?"
She scoffed, "pumayag na ba ako?"
Naningkit ang mga mata ni Maximo habang matiim na nakatitig sa kanya, "you have no choice, Sana. Besides, I'll double your salary, hmm?"
Napatda siya sa sinabi nito, at parang naririnig niya ang mga nagliliparang ibon na humuhuni ng tagumpay. Kapag mangyaring pumayag siya sa gusto nito, may posibilidad na hindi pa matatapos ang tatlong buwan na palugit sa kanila, ay maisasalba na niya ang kanilang lupain. Pero-
"Hindi pa rin. Masamang magsinungaling s-sir," pinal na wika niya.
"Sana, masamang magsinungaling kung masama rin ang iyong pakay, 'di ba? But in my case, I want my grand parents and my mother to be so... very happy. I already made a promise to that. Please... help me with this."
Nababanaag niya ang pagmamakaawa sa klase nang pagsasalita nito ng mga sandaling 'yon. At heto siya, tinitimbang ang lahat. Oh Paps... Sana kasama kita ngayon.
BINABASA MO ANG
𝐻𝑀𝑆2: ℳ𝒶𝓍𝒾𝓂ℴ ℳℴ𝓃𝓉ℯ𝓋ℯ𝓇𝒹ℯ♡
RomantizmSana is happy with the simple life she's living in. She has a father who is very loving to her, and a boyfriend who treats her so dearly. Too much respect was shown to her by her boyfriend and in their two years of being in a relationship, he never...