01

430 16 35
                                    

Yung timeline po dito ay 2022 kaya po ang mga dating first year noong 2020 ay third year na. Enjoy reading!
_______________
__________
_____
__

01 : The Handsome Guitarist

"Hi! Diba ikaw yung nagbigay sa akin neto?" inaangat ko ang panyo na binigay sa akin netong gwapong lalaki na nasa harapan ko. Hindi niya ako sinagot, tiningnan niya lang yung panyo niya.

Nilabhan ko na to at pinabango, wala na sana akong balak isauli sa kanya kaso hindi ko naman akalain na kaklase ko pala siya.

Winagayway ko yung panyo pero nakatingin lang siya sa akin.

"Alam mo hindi na ako gagamit ng Google," ngumisi ako sa kanya.

"Kase nung nakita na kita, the search is over,"

"Corny amputa," rinig kong bulong ni Denise sa likuran ko kaya agad akong lumingon sa kanya.

"Gaga, tumigil ka nga---" walang sabi-sabi biglang kinuha nung gwapong kaklase ko yung panyo niya sa kamay ko bago tumalikod sa akin para bumalik sa mga kaibigan niya.

"Tangina?" nakangangang saad ko.

"Hindi ka papansinin nun," saad ni Denise habang nag-ca-calligraphy.

"Paano mo nalaman?"

"Halata naman," nagkibit balikat lang si Denise kaya napanguso ako bago lumingon sa direksyon nung gwapo naming kaklase.

Biglang nag-notif yung phone ko na may nag-text kaya agad kong nilabas sa bulsa ko ang phone ko para tingnan kung sino ang nag-text.

Mamayang 7 stream daw, buong team.

Napabuntong hininga nalang ako matapos kong basahin ang text nung captain namin sa Team Target.

Nakakapagod din na itago ang sarili ko sa mga fans ng Team Target, dahil gustong gusto na talaga nilang makilala ang nag-iisang babae sa team. Dalawang taon na din simula nung nasali ako sa Team Target.

Naglalaro lang ako ng LOL no'n tapos biglang nag-chat sa akin si Ythan, sa Messenger, gusto akong isali sa team nila. Sa mga oras na iyon, hindi pa sila pro-gamer pero habang tumatagal nakikilala na ang Team Target.

Pito kaming mga members ng Team Target, sumasali na ang team namin sa mga Tournament pero hindi ako sumasama o nakikipaglaban.

Yung ibang ka-team ko kase ay nakapagtapos na ng pag-aaral at nag-po-pokus nalang sa pagiging pro-gamer tapos ako halos kasisimula ko palang ng College, siguro kapag kaya ko na, edi pwede na akong makipaglaban sa mga Tournament.

Buti nalang at suportado sa akin sila mama kaso medyo strict nga lang sila.

"May stream kami mamayang alas-siyete, nood ka," bulong ko kay Denise.

"Chat mo nalang ako para hindi ko makalimutan," saad ni Denise kaya ngumisi ako bago tumango.

"Ikaw din Riza babes, manood ka din," napatingin sa akin si Riza na nakaupo sa tabi ni Denise.

"Ng ano?"

"Stream namin," bulong ko, tumango naman si Riza bago inabala ang sarili sa pag-gu-guhit ng kung ano.

"Good morning class! I'm your new adviser, I'm Ms. Jane Silverio, I'm a MAPEH teacher, nice to meet you all," napaupo ako ng maayos nung dumating na yung bago naming adviser.

"Maari niyo bang ipakilala isa-isa ang inyong mga sarili?" napangiwi ako sa gustong mangyari ni ma'am Jane.

"Ano ba yan, akala ko sa Grade 7 lang may ganyan, pati College pala," bulong ko kay Denise.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now