02 : Snobber
"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Riza nung makita niya ako sa labas ng gate ng Roundell.
"Hinihintay ka," sagot ko pero hindi naman ako nakatingin sa kanya. Pinag-krus ni Riza ang dalawa niyang braso.
"Maniwala, scam ka din eh," saad ni Riza bago tumayo sa tabi ko.
"Oh anong ginagawa niyo diyan?" tanong naman ni Denise nung papasok na sana siya sa gate.
"Hinihintay ka," sagot naman ni Riza.
"Oh bakit hindi pa kayo pumasok? Tara na," napabusangot ako bago kinuha ang ID ko sa bulsa ko. Hindi naman talaga sila yung hinihintay ko eh!
"Pabusa-busangot ka pa diyan, alam kong hinihintay mo yung gitarista na yun," ngumisi si Denise.
"Buti alam mo," inirapan ko si Denise kaya inirapan niya din ako pabalik.
"Ayun na crush mo papalapit na,"
"Ay weh?" agad akong tumingin sa direksyon kung saan nakatingin si Riza, parang gumanda ang araw ko nung makita ko siya na naglalakad habang bitbit ang gitara sa likod niya.
"Paano niyan guys? Sabay na ako sa kanya,"
"Jusko po," saad ni Riza bago hinila si Denise papasok ng Unibersidad. Hinintay ko naman si Markhus na mapalapit sa akin.
Sasabay ako sa kanya na pumasok sa room!
"Good morning Mark---" naiwan sa ere ang kamay ko nung nilagpasan niya lang ako. Nilagpasan niya lang ako na para bang isa akong kaluluwa.
"Ay, ang galing, expert sa pang-i-isnab," saad ko bago hinabol si Markhus.
"Siguro pang-i-isnab talaga ang talent mo," panunuya ko sa kanya nung naabutan ko siya kaya ngayon ay naglalakad na ako sa tabi niya. Ang bango niya!
Hindi niya ako pinansin kaya napanguso ako.
"Ang daya, hindi mo ba ako nakikilala?" dahil sa tanong kong iyon, nakuha ko ang atensyon niya.
"Ako lang naman yung future mo, sinasabi ko lang sayo kase baka hindi ka updated," ngumisi ako nung makita ko ang reaksyon niya na bahagyang nagulat sa sinabi ko.
"Oh diba! May reaksyon ka na din!" ngumiti ako ng maluwang, agad naman niyang blinangko ang ekspresyon niya.
"Alam mo Markhus, may kapangalan ka," nilingon ko siya bago pinagsalikop ang kamay ko sa likod ko.
"Kapangalan mo yung future jowa ko, yieee!" bahagya kong tinusok ang tagiliran niya. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya sa ginawa ko.
"Ngiti ka na, wala ka bang kiliti?" tanong ko sa kanya, nasa hallway na kami papunta sa room namin pero hindi pa din siya nagsasalita. Hindi pa din niya ako kinakausap!
Bakit hindi nalang siya makisabay sa trip ko? Hindi naman ako seryoso kapag nilalandi siya eh!
"Uy, kapag hindi mo ako kinausap, ililibre mo ako ng..." nag-isip muna ako kung anong ililibre niya sa akin kapag hindi niya ginawa ang gusto ko.
"Strawberry milk! Atsaka ng chocolate milk!" sagot ko pero hindi pa din niya ako kinausap hanggang sa makapasok kami sa loob ng room.
"Uy, si Mark may kasabay pumasok," biro sa kanya ng mga kaibigan niya. Napangiti ako nung marinig ko na binibiro nila siya dahil sa akin.
"Ibang klase, sana lahat may tapang na kausapin yung crush niya," parinig nung isa kong kaklase na nasa likod ko nakaupo. Nilingon ko tuloy siya.
"Tol, basic lang yan kung ako ang magtuturo sayo kung paano kausapin ang crush mo," kinindatan ko ang kaklase ko na sa pagkakaalala ko, Devin ang pangalan niya.
"So Devin Lavato---"
"Demi yun hindi Devin," saad ni Devin kaya tumango ako.
"Una sa lahat, dapat gwapo ang appearance mo tapos malakas ang dating,"
"Tapos?"
"Tatagan mo ang loob mo, yung kasing tatag ng garter ng panty ko kapag nakikita ko si Markhus," napaubo si Devin, natawa naman ako sa reaksyon niya.
"Sana ayos ka lang, Kylie," saad ni Devin bago tumawa.
"Call me Master Kylie! Mula ngayon master mo na ako,"
"Okay?"
"Bakit parang napipilitan ka lang? Tawagin mo kong master Kylie!"
"Master Kylie,"
"Parang mga tanga," umiling si Denise sa amin bago humarap kay Riza para makipag-usap.
"Hayaan mo siya, ganyan lang talaga yan. Walang magawa sa buhay," saad ko bago tumayo at hinarap ang upuan ko kay Devin.
"May kakilala ka bang matchmaker dito o ano?" tumango si Devin sa tanong ko.
"Meron, nasa fourth year siya,"
"Weh?! Sino?"
"Pre, sino kase yung matchmaker dun sa fourth year?" hinarap ni Devin iyong katabi niya.
"Yung jowa ni Javier?" tanong nung katabi ni Devin.
"Oo,"
"Si Zaniella,"
"Zaniella? Saan room niya?" tumayo ako sa kinauupuan ko habang napatingin naman sa akin si Devin.
"Anong gagawin mo?"
"Papatulong lang ako sa kanya para mapansin ako ni Markhus," tiningnan ko si Markhus na nilalabas ang gitara niya. Nakapabilog ang mga upuan nilang magkakaibigan at mukhang magkakantahan sila.
"Si Markhus? Gusto mo pala siya,"
"Slight lang, atsaka hindi naman ako seryoso eh," ngumisi ako bago bumalik sa pagkakaupo.
"Kailan ka pa nagseryoso?" biglang tanong ni Denise kaya nabaling sa kanya ang atensyon namin ni Devin.
And I'd give up forever to touch you,
Cause I know that you feel me somehow,
You're the closest to heaven that I'll ever be,
And I don't want to go home right nowNgayon naman ay napunta na ang atensyon ko sa mga boys at the back.
Si Markhus ang naggigitara habang ang mga kasama niya naman ay kumakanta.
"Galing niya noh?" wala sa sariling tanong ko kay Devin.
"Simula first year, palagi niya nalang dala ang gitara na yan," napunta ang atensyon ko kay Devin dahil sa sinabi niya.
"Talaga?" tumango si Devin.
"Bakit Kylie? May gusto ka ba kay Mark?" biglang tanong nung katabi ni Devin.
"Oo, bakit?"
"Madaming nagkakagusto diyan eh," napabusangot ako, dahil totoo nga ang sinasabi ni Jacod, ang katabi ni Devin.
"Sino nga pala si Anna?"
"Nagkakagusto kay Mark yun, dati pa. Simula nung first year pa kami," hinanap ng mata ko si Anna, napansin kong pinapanood niya sila Markhus mula sa pwesto niya.
"Ilang beses na niyang iniyakan si Mark eh," natatawang sabi ni Devin.
Basta ako, kahit kailan hindi ako iiyak ng dahil lang sa isang lalaki.
"Ikaw Kylie? Anong nagustuhan mo kay Mark?" tanong ni Jacod.
"Pogi daw," panunuya ni Devin sa akin.
"Pogi nga! Snobber naman!" pagpaparinig ko siniguro kong naririnig ni Markhus ang sinabi ko, nag-apir naman kaming dalawa ni Devin habang tumatawa. Doon ko naman naramdaman ang titig ni Markhus sa akin.
YOU ARE READING
Touch Your Heart (CRS #6)
Teen FictionCollege Romance Series #6 Kylie Samaniego, a girl who doesn't like to get serious. She's not used to being serious when it comes to things, especially to boys. But when she meet Mark Valeria, the guy who got her heart. She finally realized that it's...