03

265 14 28
                                    

03 : Tsundere

"Nagsimula na, pero wala na akong balak na tapusin!!" pagkanta ko habang naglalakad ako sa may sidewalk.

"Di ibig sabihin pag di tinapos ako'y hihinto na rin!!" mas binilisan ko na ang lakad ko dahil medyo late akong nagising kaya sigurado akong mas naunang pumasok si Denise at Riza kaysa sa akin.

"Good morning sir! Kapag may nakita kayong lalaking may dalang gitara, sabihin niyo sa kanya na pinapasabi ng isang dyosa na makikita ko na naman ang mukha niya kaya magiging mas maganda pa sa buwan yung umaga ko," saad ko sa guard habang pinapakita ko sa kanya ang ID ko.

"Kanina pa siya pumasok hija, baka bukas ko na masabi sa kanya iyon," tumango ako bago masayang naglakad papunta sa room namin.

Agad kong binuksan ang pinto ng room namin bago dumiretso sa pwesto ko. Wala sila Denise pero nakita ko na ang mga bag nila

Uupo na sana ako pero nakita ko ang isang strawberry milk at chocolate milk sa ibabaw ng sobrang linis kong desk.

"Wow, mas lalong gumanda ang umaga ko," saad ko bago tinanggal ang airpods ko at inilagay sa bag ko.

"Mga maharrrr!!" sigaw ko pagkapasok nilang dalawa sa room. Pumunta yata sila sa canteen.

"Ano na naman?" tanong ni Denise bago umupo sa pwesto niya. Ngumiti ako ng maluwang sa kanila bago pinakita sa kanila ang strawberry milk at chocolate milk na binigay nila.

"Mahal na mahal ko kayo, salamat sa pa-gatas niyo feel ko mame-memorize ko lahat ng formula sa math," niyakap ko ang chocolate at strawberry milk bago ngumiti sa kanila na halos mawala na ang mata ko.

Nagkatinginan naman si Denise at Riza.

"Girl, kanina pa yan nandyan sa desk mo karating namin. Kaya impossibleng kami ang nagbigay niyan," sagot ni Denise kaya nawala ang ngiti ko.

"Eh kayo lang naman ang nagbibigay sa akin ng ganito dahil kayo lang ang may alam na mahilig ako sa ganito," saad ko sa kanila.

"Baka may secret admirer ka!" saad naman ni Riza, bago impit na tumili.

"Ano yun? Parang Wattpad lang?" tanong ni Denise bago umiling-iling.

"Baka pinadala lang ni kuya Kyden," saad ko bago ngumuso.

I have older brothers named Kyden and Kyler. Mas matanda si kuya Kyden ng tatlong taon sa akin tapos si kuya Kyler naman ay mas matanda sa akin ng isang taon kaya nasa fourth year na siya sa College.

"Yung gwapo mong kuya?" tanong ni Riza kaya ngumisi ako kay Riza.

"Sila gwapo? Duh, ako lang ang may pinagpalang mukha sa aming magkakapatid," umirap ako bago pinatong sa desk ko ang dalawang gatas na natanggap ko.

Napaangat ako ng tingin kay Markhus nung pumasok siya sa room namin habang may hawak-hawak na panyo at tumbler.

"Lagyan niyo ng lason para mapunta na sa impyerno si Ver," rinig kong sabi niya sa kaibigan niya.

"Swerteng kumag yun, pwedeng hindi pa pumasok ng one week dahil lang sa atleta siya,"

Biglang may sumagi sa isip ko dahilan para mapangiti ako.

Kahapon sinabi ko kay Markhus na ililibre niya ako ng strawberry milk at chocolate milk kapag hindi niya ako kinausap.

Napangiti ako bago siya pinanood na umupo sa pwesto niya, umalis naman ang iba niyang kaibigan para siguro kumuha ng tubig para dun sa isa pa yatang kaibigan niya na Ver ang pangalan.

"I think kilala ko na kung sino ang nagbigay," saad ko kila Denise, nagtataka naman silang tumingin sa akin.

"Sino?"

"The one who got my heart," hindi makapaniwalang tumawa si Riza ng bahagya.

"Seryoso ka?" tanong ni Riza, syempre umiling ako.

"Kailan pa ako nagseryoso?" I asked to them while smirking.

"Tingnan ko lang kapag nagseryoso ka na tapos di ka sineryoso. Magiging seryoso din ang sakit na mararamdaman mo," saad ni Riza bago kumindat sa akin.

"As if namang magseseryoso ako, I told y'all I'm going to be a rich, hot, mysterious and single tita," kumindat ako sa kanila bago tumayo sa kinauupuan ko at lumapit kay Markhus.

"Hi, Markhus," sa malambing na boses na tawag ko sa kanya pero hindi man lang siya nag-angat ng tingin sa akin! Dahilan para mainis ako at padabog na inilagay ang isa kong kamay sa desk niya at dumukwang para maging magkapantay ang aming mga mukha.

"Gusto mong Markhuskhusin ko ang mata mo para makita mo ang ganda ko?" tanong ko sa kanya, napangiti ako nung matagumpay kong nakuha ang atensyon niya.

Markhuskhusin ampupu.

"What do you want?" inis na tanong niya kaya napanguso ako.

"Kiss,"

"What?!" natawa ako dahil sa reaksyon niya sa sinabi ko pero siya ay parang tangang nakabusangot.

"Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?" tanong ko sa kanya bago ngumisi ng nakakaloko.

"Alam mo ba Markhus my babes, may kamukha ka," humagikhik ako habang si Markhus naman ay nakabusangot pa din.

"Kamukha mo yung anak natin, yieee!" nilagay ko pa ang buhok ko sa likod ng tenga ko habang nakangiti.

"Para kang tanga," saad niya kaya nawala tuloy ang ngiti ko at napalitan na din ng simangot.

"Bwisit ka! Ikaw na nga yung gusto..." nakangusong saad ko bago pinagkrus ang mga braso ko.

"Anyways, ikaw ba ang nagbigay ng chocolate milk at strawberry milk?" tanong ko sa kanya bago ibinalik ang matamis kong ngiti.

"No." sagot niya.

"Weh? Sinunod mo lang yung sinabi ko kahapon eh," saad ko sa kanya bago siya nginitian ng nakakaloko.

"Hell no, why would I spend my money for you?" kunot noong tanong niya.

"Tsundere ka boi?"

"What the hell is that?" nagkasalubong ang makakapal niyang kilay kaya mas lalo siyang gumagwapo.

"Search mo, kase hindi na ako pwedeng gumamit ng Google dahil nga simula ng nakilala kita, the search is over," blankong ekspresyon lang ang ibinigay sa akin.

"Mark!" napalingon ako sa tumawag sa kanya.

"Kainis, panira ampupu," wala sa sariling bulalas ko habang papalapit sa amin si Anna at nakangiti pa talaga ng maluwang.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now