14

231 8 23
                                    

14 : Number one

"Laki ng ngiti mo ah," nakangising saad ni Riza pagkaupo ko sa tabi niya.

"Mag-iipon na ako simula ngayon," saad ko bago pumangalumbaba.

"Himala, sa anong dahilan?"

"Para sa future lang, baka kase magkaroon ng first concert si Markhus edi ako ang unang bibili ng VIP ticket," napapalakpak si Riza.

"Ibang klase," saad ni Riza bago umiling-iling.

"Tara canteen," yaya ko sa kanya kaso umiling siya.

"Nakakatamad maglakad, kaw nalang," tumango ako bago lumabas ng room. Wala pa naman si Markhus kaya gala muna ako.

"Oy, hanggang ngayon di ka pa din ina-accept?"

"Hinde eh," sagot ni Vergel sa katabi niyang lalaki nung napadaan ako sa harapan nila.

"Kylie," tawag ni Vergel kaya kumunot ang noo ko bago siya nilingon.

"What?!"

"Ay, galet ka?"

"Hinde!"

"Galet na galet gusto manaket," napangiwi ako kay Vergel.

"Gege batiin mo na si Markhus babes ko,"

"What the...? Ako lang ang pwedeng magtawag sa kanya ng babes! Wala kang originality," inirapan ko si Vergel bago pumunta sa pwesto ni Markhus.

"Good morning!"

"Morning," sagot niya kaya mas good pa sa good ang morning ko! Wushu!

"Ano ulam niyo---" napatigil ako sa pagsasalita ko nung biglang tumunog ang cellphone ko.

May tumatawag na naman sa akin.

"Excuse me," paalam ko kay Markhus bago pumunta sa pwesto ko.

[Tagal mong sumagot, ano ka? Special?]

"Gagong Sandrex, himala napatawag ka," saad ko.

[Kaw daw makakalaban namin sa Sabado,]

"Tatalunin ko kayo,"

[Asa ka,]

"Bakit ka napatawag?"

[Bili ka chicken wings bago ka dumating dito,]

Hindi pa ako nakakasagot pero agad niya na akong binabaan ng tawag! Gago talaga yun!

Itatago ko na sana ang cellphone ko pero tumunog na naman dahil may tumatawag na naman.

"Ano?!"

[Chill ka lang, pangalan mo chiller pero hindi ka chill, scam ka noh,] napangiwi ako sa sinabi ni Sebastian.

"Bakit ba tumatawag kayo saken?!"

[Maaga kaming pinatawag ni Ythan, sinabi sa amin na ikaw daw makakalaban namin para sa practice,]

"Excited ba kayo---"

[Wag mo din daw kalimutan yung pizza, sabi ni Sandrex,]

"Mga hinayupak," agad ko siyang pinatayan ng tawag.

"Ano girl? Mga ka-team mo?" tanong ni Riza kaya tumango ako.

"Rinig ko may tournament na naman, hindi ka pa din makikipaglaban?" umiling ako.

Nung uwian na, pinauna ko ulit si Riza.

Balak kong guluhin ulit si Markhus, hehe.

"Hi! Markhus!" bati ko sa kanya pagkalapit ko sa kanila Nina Vergel.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now