16 : Under the rain
"Yes, tama kayo ng narinig. Magkakaroon kayo ng project,"
"Ah ganun..." rinig sa buong classroom ang sinabi ni Vergel kaya napatingin kami sa kanya. Maging ang adviser namin.
"May sinasabi ka, Vergel Perez?" pinandilatan ng mata ni ma'am si Vergel.
"Wala man, ma'am!" sagot ni Vergel.
Napailing nalang ako, at pumangalumbaba.
"Kung si Markhus ka-partner ko baka ganahan ako," wala sa sariling bulalas ko kaya ngayon naman ay nasa akin na ang atensyon ng mga kaklase ko. Tumikhim naman ng malakas si Anna kaya sa kanya na napunta ang atensyon ng mga kaklase namin.
"Excuse me, makinig muna kayo sa akin. Bale research ang inyong gagawin," I heard my classmates groans so I can't help but groan with them too.
"Sige para ganahan kayo, kayo na mismo ang pipili ng ka-partner niyo," agad akong tumayo at lumapit kay Markhus.
"Markhus---"
"Ma'am! Partner ko na po si Markhus!" nanlaki ang mata ko matapos marinig ang sinabi ni Anna.
"What?!"
"Girl, chill," saad ni Riza bago ako hinila pabalik sa pwesto ko.
"Ano? Ikaw ka-partner ko?"
"Natural, dating gawi," saad niya bago ako pinaupo sa pwesto ko.
"Sa library kayo mag-research ng topic na ibibigay ko sa inyo, by next week you can report it with your powerpoint,"
"Talagang magka-partner pa sila ha," pinagkrus ko ang mga braso ko.
"Galingan natin para mas mataas ang makuha natin," nilingon ko si Riza dahil sa sinabi niya.
Kagaya ng sinabi ni ma'am, pinapunta niya kaming magkakaklase sa library.
Syempre pumuwesto ako sa lamesa na katabi lang ng kila Markhus.
"Markhus, sayang hindi tayo magka-partner," saad ko sa kanya.
"Baka wala akong magawa kapag kapartner kita," napabusangot ako bago umayos ng upo.
Nabaling ang atensyon ko kay Anna na papalapit sa lamesa nila ni Markhus.
"Andito na naman ang kapatid ni Elsa," tumikhim si Anna bago padabog na pinatong ang mga libro sa lamesa dahilan para mapunta ang tingin sa kanya ni Markhus.
"Can you please calm down? Library ito tapos padabog mong ipapatong ang libro mo?" kita sa mukha ni Anna ang hiya sa mukha niya dahil sa sinabi ni Markhus sa kanya.
"Ano ka? Papansin?" tanong ni Riza bago umupo sa upuan sa harapan ko.
"Ooops," saad ko bago ngumisi kay Anna na naiinis na naman.
"Anyways focus na tayo, guys," saad ko sa kanila bago kumuha ng isang libro at binasa iyon.
Nung napansin kong naka-pokus na sila sa mga binabasa nila, kumuha ako ng isang papel at nagsulat doon bago binigay kay Markhus na naka headset habang nagbabasa at nagta-take notes.
I need to tell yah something
Hindi ako lumingon sa kanya at hinintay ko na lang na basahin niya ang nasa papel.
What
Basa ko sa sulat niya kaya agad akong nagsulat doon.
Date hihihiih
Katapos nun ay hindi na nagsulat pabalik sa akin si Markhus.
"Hays! Sakit ng likod ko, beke nemen pahilot," saad ko bago nag-unat.
"Akin na, baliin ko likod mo," agad akong napangiwi kay Riza habang inaayos niya na ang mga libro na kinuha niya.
"Markhus, tara na," saad ni Anna. Tiningnan ko naman si Markhus na nag-aayos ng gamit niya bago tumayo.
"Mauna ka na, may gagawin pa ako," agad na lumungkot ang ekspresyon ni Anna bago tumango.
"Alis na ako," paalam ni Riza kaya kumaway ako sa kanya.
"Ako na magbabalik ng mga toh," tumango si Riza bago ako nginitian. Agad kong kinuha ang mga libro at binalik sa mga book shelves.
"Ay pusang kinalbo!" napahawak ako sa dibdib ko nung muntikan na akong mabangga kay Markhus na nagbabalik din ng mga libro.
"Umalis na si Anna?"
"Oo," tumango ako bago siya nilagpasan.
"Akala ko ba mag-date ulit tayo?" natigil ako sa paglalakad dahil sa tanong ni Markhus.
"Payag ka? Akala ko hindi ka payag eh," tumikhim lang siya kaya napangisi ako.
"May dala kang payong?" tanong ko kay Markhus pagkasara niya ng pintuan ng library.
"Wala," sagot niya.
"Umuulan pa naman," saad ko bago tumingala sa langit.
In my peripheral view, I saw him looking at me without any expression. And that's an enough reason to make my heart beats faster. Taeng toh, hulog na ako sa kanya.
Yeah, I admit. I fall for him. Kaya ngayon, dapat hindi na ako paligoy-ligoy pa, dahil walang hiya naman ako...
"Markhus, tara ligo tayo sa ulan," saad ko, hindi pa siya nakakapagsalita ay hinila ko na siya sa gitna ng ulan.
"Na-miss kong maligo sa ulan," saad ko bago ngumiti.
"This is my first time..."
"Weh? Seryoso? Dapat pala memorable ang first time mong pagligo sa ulan," saad ko sa kanya bago hinawakan ang dalawang kamay niya.
"What do you think you're doing?" tanong niya at magkasalubong pa ang mga kilay niya.
"Isasayaw kita sa gitna ng ulan," sagot bago siya nginitian. Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko dahil hindi man siya kumibo at parang naging estatwa pa.
"Uy, naestatwa ka na," saad ko bago tumawa at pinagsalikop ang mga daliri namin.
"Tignan mo pati mga kamay natin, fit na fit sa isa't-isa," ngumisi ako bago tiningnan ang reaksyon niya. Nakatingin lang siya sa mga kamay namin.
"Uy, nawalan ka na ba ng boses?" tanong ko bago ginalaw galaw ang kamay niya.
"What are you doing to me...?"
"Bakit? Wala naman ha? Sinasayaw lang kita kahit para kang estatwa na hindi ako sinasabayan," saad ko bago ngumiwi.
"Atsaka simula ngayon, gagawa na tayong dalawa ng memories natin," saad ko bago Siya biglang niyakap.
"Markhus, the moon is beautiful, isn't it?" tumingala ako sa kanya habang yakap-yakap pa din siya.
We're under the rain with the beautiful moon above us.
"I can die happy," sagot niya bago tumingin pababa sa akin.
From that very moment, I can't describe how happy I am.
So this is how it felt...
YOU ARE READING
Touch Your Heart (CRS #6)
Teen FictionCollege Romance Series #6 Kylie Samaniego, a girl who doesn't like to get serious. She's not used to being serious when it comes to things, especially to boys. But when she meet Mark Valeria, the guy who got her heart. She finally realized that it's...