28

236 15 31
                                    

28 : Concert

"Pakabait ka dun ha?" paalala ni gagong Sandrex bago pi-nat ang ulo ko na parang bata.

"Ikaw din ha? Pakabait ka habang wala ako dito," sarkastiko kong sabi sa kanya bago ngumiti ng pilit.

"Gege," saad niya bago umalis sa harapan ko.

Ngayon na ang araw ng concert ni Markhus dito sa New York. Ang alam ko dalawang araw siya dito sa New York.

"Text ka lang kapag pasundo ka na," saad ni Sebastian habang nakahiga sa sofa at nakapantulog pa.

"Sinong susundo sakin?" tanong ko bago umupo sa sofa.

"Kung sino matatalo mamaya sa bato-bato pick," saad ni Ythan bago inabot sa akin ang isang kulay itim na mask.

"Suotin mo yan atsaka magdala ka ng alcohol, kung sino-sino niyan ang makakasalamuha mo," tumango ako kay Ythan bago sinuot ang face mask.

"Baka mamaya hindi na yan magpasundo sa atin, sasama na siya dun kay Markhus na yun," nakangising saad ni Aeron na kakapasok lang sa kwarto nila Sebastian at Ythan.

"Bat binigyan mo ng ideya?!" tanong ni Jerick.

"Wow thanks sa idea, Aeron," kinindatan ko si Aeron na nagkibit balikat lang bago umupo sa tiyan ni Sebastian.

"Tangina mong gago ka! Feel mo magaan ka lang?!" singhal ni Sebastian bago tinulak patayo si Aeron.

"Harsh, rude," bulong ni Aeron bago umayos ng tayo.

"Alis na ako," tumayo na ako sa kinauupuan ko.

"Ge, ingat," kumaway ako sa mga kasama ko bago binuksan ang pinto at lumabas na. Maaga akong umalis para makagala muna ako bago pumunta sa kung saan magaganap ang concert.

Matagal na din simula nung huli akong lumabas ng mag-isa kaya masaya ako ngayon.

Sa tatlong taon na wala si Markhus, wala akong nilandi. Pramis.

Naaalala ko pa din ang tanong na itatanong ko ulit sa kanya kapag nagkita ulit kami. Kumusta na kaya iyong si Anna na karibal ko dati?

Siguro naging reyna na siya at pinalitan na si Elsa. Charot.

"How much is this?" tanong ko sa nagtitinda ng merch ni Markhus.

"10 dollars," kumuha ako ng pera bago inabot sa akin ang napili kong banner.

Ganito pala pakiramdam ng nasa isang concert.

"Markhus! Markhus! Markhus!"

Sigaw ng mga fans niya kahit hindi pa naman nagsisimula ang concert. Minsan ay nakikisigaw din ako pero kailangan kong ikalma ang sarili ko baka kase hindi na ako makasigaw kapag nasa stage na siya.

"He's so talented! Like I've been his fan ever since he debuted," saad ng isang babae sa tabi ko. Nakatayo kami at nasa VIP pa.

Ipinalibot ko ang aking tingin sa buong arena na iyon, ang dami ngang tao. Sigurado akong hindi niya ako mapapansin.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa harapan ko nung biglang nag-iba ang kulay ng mga ilaw sa paligid ng stage kasabay ng sigawan ng mga babae.

Naramdaman kong unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko.

Nakikilala niya na ang amo niya.

Nanlaki ang mata ko nung nakita ko na siya sa stage, kasabay nun ay ang ngiti na matagal ko ng hindi nakikita sa personal.

After three years, ngayon ko lang ulit ito naramdaman. Halos mabingi na ako sa sigawan nung nasa stage na si Markhus.

Damn, his hair, his clothes, his everything.

It's making me crazy!

Naramdaman ko lahat ng pamilyar na mga pakiramdam na nararamdaman ko tuwing kasama ko siya.

Napahawak ako sa dibdib ko nung muntikan ng magtama ang mga mata namin.

Hindi niya ako makikilala, dahil naka-mask naman ako eh.

Hindi ko namalayang napapaluha na ako dahil sa sobrang saya ko para sa kanya.

Natupad niya na ang pangarap niya na parang nung kahapon lang ay pinag-uusapan pa namin.

In-enjoy ko ang buong oras na pag-pe-perform niya. He's really talented.

Bakit nga ba ako pinatulan ng perpektong lalaking toh?

Kung ikukumpara ako sa kanya, para lang akong isang kamoteng kahoy sa tabi niya.

Hindi ko namalayan na halos dalawang oras na ang concert at napabusangot nalang ako noong malamang malapit na siyang magpaalam.

"I know I'm new in this industry but I will do my best to make you all proud of me," naghiyawan ang mga tao sa paligid. Proud na ako sa kanya simula nung sinabi niya sa akin ang pangarap niya.

And damn, he has more fans now than Team Target.

Napangiti ako bago siya pinagmasdan na nasa taas ng stage. Hindi ko alam kung mapapansin niya ba ako pero ang importante ay nakita ko na siya matapos ang ilang taon.

"For my last song, I'll play guitar," biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko ang pamilyar na gitara. Ang gitarang binigay ko sa kanya noon.

"Oh my gosh, he looks so handsome!" saad ng foreigner sa tabi ko.

Kung alam lang nila, na ang gitara na hawak niya ay galing sa akin. Tiningnan ko ang pirma sa gitara at napangiti ako nung makitang nandoon pa din ang pirma ko.

Walang makakaalam na pirma iyon ni Chiller na kilala nila. Dahil ginamit ko ang totoo kong pangalan.

"Ever since I'm young, I dreamt about being a singer. There's was a time where no one believes that my dreams will come true but there's someone who believes in me, and I'm grateful for that," napahawak ako sa dibdib ko matapos niyang bitawan ang mga salitang iyon.

"I'm thankful for that person who made you who you are right now!" sigaw ng isang babae kaya napangiti si Markhus.

"You know? I thought only a few of people will come to my concert here in New York," saad niya.

Tch! Bakit mo naman iisipin iyon?! Sa sobrang talented mo kahit mga tao sa ibang bansa ay hahangaan ka!

Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya binaba ko muna ang mask ko bago binuksan ang bottled water na binili ko.

"I miss you," nanlaki ang mata ko matapos marinig ang salitang iyon.

Napansin niya ba na nandito ako?

Nakita niya na ba ako?

Nag-angat ako ng tingin sa stage at laking gulat ko noong nakita ko siyang nakatingin sa aking mga mata.

There... I saw my favorite view, again.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now