24

244 12 21
                                    

24 : Sunset

"You look like a banana," natatawang saad ko pagkalapit sa akin ni Markhus sa Starbucks sa mall.

"And you look like a ketchup," natawa ako sa sinabi ni Markhus bago umupo sa harapan ko. I'm wearing a plain color red hoodie while he's wearing a plain color yellow hoodie.

"It should be a mustard and ketchup," saad ko bago tumawa.

Biyernes ngayon, meaning tomorrow is the day Markhus will go to company to become a trainee.

"Ngayon ang huling araw ng pagiging normal mo," saad ko sa kanya dahilan para mapabusangot siya.

"Yeah, and we'll do whatever we want today," saad niya bago tumayo.

"Let's go to an arcade," yaya ni Markhus kaya tumayo na ako bago kumapit sa braso niya.

"Let's go!"

"Panalo!" napasigaw ako sa tuwa noong nanalo ako sa car racing kalaban ang isang bata.

"Galing," saad nung mga ibang bata nanonood sa amin.

"Gamer eh," saad ni Markhus bago nginitian ang mga bata.

We played so many games. Ang mga ticket na nakuha namin ay pinamigay lang namin.

"Tara kain tayo Mcdo," yaya ko sa kanya.

"Ano gusto mo?" tanong niya pagkarating namin sa Mcdo. Napangiti ako bago pinagsalikop ang mga kamay ko.

"BTS meal, gusto ko," kumunot ang noo niya.

"Ha? Diba kiddie meal yun?" tanong niya kaya napangiwi ako.

"Basta sabihin mo lang na BTS meal tas magtanong ka din kung may photocard," kinindatan ko si Markhus bago niya ako iniwan para mag-order ng pagkain namin.

Napatingin ako sa mga babaeng maingay, sinasabi yata nila ang mga pangalan ng member ng BTS eh. Infairness maganda ang kulay ng cup ng BTS meal. Purple pa naman, at favorite color ko pa.

"Eto na BTS meal mo, naubusan na daw ng photocard, anong klaseng photocard ba yun? Yung picture ba yun nung clown sa McDonalds? Bakit gusto mo ng photocard niya?" hindi ako nakapagsalita sa mga tanong niya.

"Sabagay, you're a clown too---" agad ko siyang tinapunan ng isang fries at sakto pang tumama sa noo niya kaya napatawa ako.

"Clown clown ka diyan, ikaw din clown ka!" nagkibit balikat lang siya bago binuksan ang nuggets niya.

"BTS meal din pala kinuha mo eh,"

"Nuggets lang talaga kakainin natin? Tapos etong dalawang sauce na may Cajun pa na hindi ko alam,"

"Aba ewan ko kung anong Cajun yan, ang importante makakain tayo," nagsimula na akong sumubo ng nuggets habang nilalagyan din ito ng sauce.

"Punta tayo sa potato corner, bili tayo nung malaking bowl ng fries tapos two flavors," tumango si Markhus habang umiinom na.

"Katapos niyan punta tayo ng Amusement park,"

"If that's what you want then sure," napangiti ako bago kumain.

"And by the way, why those girls so noisy are they in a concert or what?" kunot noong tanong ni Markhus.

"Fans ng BTS yan," saad ko bago nagkibit balikat.

"Anyways let's just eat," saad niya kaya tumango na ako. Katapos nun ay pumunta kami sa potato corner at inubos ang dalawang malalaking bowl ng fries.

"Let's go," hinila ako papasok ni Markhus ng amusement park. Malapit ng mag-alas-tres pero hindi pa kami kumakain ng kanin pero ayos lang dahil nakadami kami ng fries.

"Marunong ka mangabayo?" napaubo si Markhus sa tanong ko habang naglalakad kami.

"Oo," sagot niya.

"Kung ganun sakay tayo sa carousel," yaya ko sa kanya bago siya hinila sa may carousel.

"What the fuck?" singhal niya at hinayaan akong hilahin siya.

"Bakit ka nakatayo diyan?! Maghanap ka din ng kabayo mo," inirapan lang ako ni Markhus. Paano ba naman size nakasakay ako sa isang kabayo sa carousel tapos etong si Markhus naman ay nakasandal sa kabayo na sinasakyan ko.

"Wag mo sabihing etong kabayo ko ang gusto mo," pinandilatan ko siya ng mata pero hindi man lang siya naapektuhan niyon.

"Dito lang ako para kapag nahulog ka sasaluhin kita," saad niya p, napangisi naman ako.

"Matagal mo na akong sinalo nung nahulog ako sayo," napangisi ako bago tinusok ang tagiliran niya.

"Tsk! Hindi kita sinalo," saad niya kaya napabusangot ako.

"Ano palang nangyari sayo at hindi mo ako nasalo?!" tanong ko bago nagsimulang umandar ang carousel.

"Nahulog din, in fact I'm the one who fell first," saad niya bago umangat ang gilid ng labi niya.

"Do you want to ride the ferris wheel?" pinandilatan ko ng mata si Markhus bago nagkibit balikat.

"Hindi ko sure, tignan mo ang bagal umandar," saad ko bago kami tumingin sa ferris wheel.

"Ang alam ko may sampung ikot ang ferries wheel bago magsakay ng bagong tao, and according to my calculations, malapit ng mag sunset at nakasakay na tayo at saktong nasa tuktok na tayo kapag tuluyan ng nagset ang sun," saad ni Markhus habang nakatingin sa relo niya.

"Wow, you and your calculations," napapalakpak ako bago siya nag-bow at nagkunwaring kumaway kaway sa mga fans niya.

"Tsk! Tara na nga," hinila ko na siya at pumila na kami sa pilahan ng mga gustong sumakay sa ferris wheel. Nung malapit na kami, kumuha na siya ng ticket para sa ferris wheel.

Just like he said. It's sunset already when we reached the top. Pareho na kaming nakatayo at nakasilip sa bintana ng sinasakyan namin.

"The sunset is beautiful, isn't it?" I asked him while we're both looking at the sunset in front of us.

"But your eyes are more beautiful than the sunset," seryosong saad niya. I admit his eyes are my favorite view too.

"When you arrived there, please take care of yourself."

"I will,"

"Kumain ka ng maayos ha? Huwag mong papagurin ang sarili mo," tumango siya kaya napangiti ako.

"Hindi mo pa naman tuluyang naaabot ang pangarap mo pero gusto ko ng sabihin sa iyon toh," humarap ako sa kanya bago hinawakan ang malalambot niyang pisngi sa palad ko.

"I'm so so so proud of you, my Markhus Raniel," saad ko bago hinalikan ang noo niya.

Please be happy and safe for me.

Until we meet again.

Markhus Raniel...

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now