17

230 12 36
                                    

17 : Gamer and Singer

"Kylie!"

"Ay! Ano?!" gulat na tanong ko kay Riza dahil ang lakas ng pagkakatawag niya sa napakagandang pangalan ko.

"Kanina ka pa tulala habang nakangiti, para kang tanga,"

"Okay," saad ko bago ulit pumangalumbaba.

"Ih, parang tanga toh," naiinis na saad ni Riza.

"Ano ang iyong want, my love?" tanong ko sa kanya.

"Nauntog ka ba or what?"

"Wala, kinilig lang beh," natawa ako nung nakangiwing tumingin sa akin si Riza.

"So ginawa ko yung sinabi mo, yung Japanese style na confession or something," saad ko sa kanya bago pinaglaruan ang dulo ng buhok ko.

Nasa canteen kami ngayon at kakatapos lang ng report namin sa research namin.

"Yung the moon is beautiful isn't it?" tumango ako bago uminom ng chocolate milk na binili ko. Nakakadalawa na ako baka bumili pa ako ng pangatlo.

"Anong sinabi niya matapos mong sabihin yun sa kanya?" excited na tanong ni Riza.

"Mamamatay daw siya ng masaya, anong connect nun?" napanganga si Riza sa sinabi ko habang nakanguso ako at tamad na inuubos ang chocolate milk ko.

"Anyways parang feel ko gusto ko ng i-reveal ang mukha ko,"

"Bat naman?"

"Sayang ganda ko kung hindi nila makita," humagikhik ako habang si Riza ay nakatingin lang sa akin.

"Musta na si Denise?" tanong ko kay Riza.

"Ayos lang daw medyo umaayos na ang lagay ni lola niya,"

"Hindi ko na siya masyadong natatawagan eh, baka mamayang gabi tawagan ko siya,"

Medyo nagiging busy na din kami sa mga school works lalo na dun sa mga minor subjects na feeling major.

"Balik na tayo sa room," yaya ni Riza kaya tumayo na kami at bumalik sa room.

"Guys, tara kain tayong lahat. Ambagan," napunta ang atensyon ko sa isang kaklase namin na nasa harapan.

"Ha?"

"Bakit hindi nalang tayo mag boodle fight dito sa room, tapos dala kayong alak," saad nung isang kaklase ko na lalaki.

"Sama natin si ma'am?"

"Kapag dumating siya, basta tubig bigay niyo tapos clear na alak dalhin niyo para kunwari tubig din iniinom natin," malademonyong ngumisi ang magsabi niyon.

"Mga demonyo," saad ni Reyna.

"Ako ng bahala sa dahon ng saging," saad ni Vergel.

"Oo siya na, madami siyang saging na tanim kase unggoy siya," napanganga ako sa pambabara ni Reyna kay Vergel.

"Wag ka sanang magkajowa," saad ni Vergel kay Reyna bago niya inirapan ang babae.

"Hindi ka sana accept sa FB ng crush mo!" mukhang nasaktan si Vergel sa sinabi ni Reyna kaya natawa kaming magkakaklase.

"Magdala kayong kalan, dito tayo mag-ihaw,"

"Edi haggard tayo lahat kase nausukan!"

"Sa labas kase,"

"Paano kung bawal?"

"Dun tayo sa harap mismo ng guard house mag-ihaw," napailing nalang ako sa mga pinag-uusapan ng mga kaklase ko.

Mukhang balak talaga nilang mag-boodle fight kase sa paparating na mga araw, magiging busy na kami.

Tapos balak ko pang sumali sa Tournament noh?

"Kelan gagawin?" tanong ni Riza.

"Bukas,"

"Bukas kaagad?!"

"Natural, alangan naman next year,"

Kagaya ng napag-usapan, naningil ng tig-iisang daan ang mga bibili ng uulamin namin bukas.

"Ano? Diretso palengke na kayo?" tanong ko sa mga kaklase kong bibili ng mga ulam.

"Oo,"

"Sama kami! Taga-look out kami kung may makakakita senyo na bibili ng alak," saad ni Vergel bago tumawa ng nakakaloko.

"Gago, paalam muna tayo kay ma'am na mag-bo-boodle fight tayo," saad ni Reyna kaya yung iba naming mga kaklase ay nilabas ang mga cellphone nila para ipaalam kay ma'am ang balak namin.

"Ano bang ulam?" tanong ko sa kanila. Nakakumpol pa din kami sa labas ng gate. Sabay-sabay kasi kaming lahat na lumabas tapos nandito pa kami sa labas ng gate at nakatambay.

"Hindi tayo gigilid? Ang dami ng lumalabas tapos ang dami natin dito sa labas ng gate," tanong ni Riza.

"Bakit tayo pa ang mag-a-adjust?" tanong ni Andrei.

"Edi don't," saad ni Riza kay Andrei.

"Lumpiang Shanghai gawa kayo," suggest nung isa kong kaklase na si Daniel, na kaibigan ni Vergel at Markhus.

"Liempo dapat," saad naman ni Renzo na isa din sa kaibigan ni Vergel at Markhus.

"Hindi ka nga nag-ambag," saad ni Vergel.

"Tara na mga kababayan, bili na tayo ng ating pagkain!" sigaw ni Vergel kaya ang mga kaklase namin na naghihintay ay lumapit na.

Hinanap ko si Markhus dahil gusto kong siya ang kasabay ko sa paglalakad.

"Nandito pala si Anna, nasaan si Kristoff mo?" tanong ko kay Anna nung makita ko siya.

"Tigilan mo ako," natawa ako bago tumango.

"Bye," saad ko bago lumapit kay Markhus na katabing maglakad si Aspen, na nakasuot ng black hoodie.

"Hi Markhus babes," saad ko bago naglakad sa tabi niya.

"Hi Aspen babes," nagsalubong ang kilay ni Markhus kaya natawa ako bago yumakap sa braso niya. Hinayaan niya naman ako.

"Markhus,"

"Oh?"

"Nood ka ng tournament kapag pinayagan na akong sumali,"

"Seryoso ka talaga na ikaw si ano,"

"Oo nga, kaya punta ka sa tournament para makita mo akong maglaro," ngumiti ako sa kanya.

"Gamer ka pala kaya marunong maglaro ng mga lalaki," napanganga ako sa sinabi ni Markhus bago siya hinampas sa braso.

"Magaling nga pero ikaw hindi kita paglalaruan, seryoso ako sayo," saad ko bago ngumiti.

Nabalot na kami ng katahimikan. Naramdaman ko naman ang mariin na titig ni Anna sa likod ng ulo ko.

Pa-seminar muna siya sakin kung paano magkaroon ng lakas ng loob.

Ako yung tipong hindi naghihintay. Baka kase may makakuha pa sa hinihintay ko eh.

Hindi lahat ng lalaki ang dapat maggalaw ng baso, dapat babae din.

Go, get your man sis.

"Imagine? Tayo ang couple na gamer at singer," kinindatan ko siya. Tumikhim siya bago ko napansin ang pamumula ng mukha niya.

"Hala ang cute, jojowain talaga kita sige ka!"

"Bakit hindi mo pa ako jowain?" napanganga ako sa tanong ni Markhus. Tapos nakita ko pa ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi niya.

Napakagat labi ako para pigilan ang sarili ko na ngumiti.

"Gago, don't tease me," saad ko bago pinag-krus ang mga braso ko.

"Teasing you? Baby, I'm serious. I'm always serious," napahawak ako sa dibdib ko nung makita ko ang ngiti ni Markhus.

"Nakakasilaw!" bulalas ko bago narinig ang tawa ni Markhus.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now