05 : Bus Ride
"Yow! Jose Riza, wala pa si Denise?" tanong ko kay Riza bago nilapag ang bag ko sa upuan ko at umupo sa pwesto ni Denise na nasa gitna namin ni Riza.
"Nakikita mo ba siya?" tanong ni Riza pabalik sa akin.
"Hindi,"
"Oh edi wala pa siya," napabusangot ako kay Riza bago pinagkrus ang braso ko at sinilip kung ano ang binabasa niya.
"Oy! BL na naman yan noh?!"
"Wag ka ngang maingay! I-tape ko bibig mo eh," natawa ako sa reaksyon ni Riza kaya hinampas niya ang braso ko.
"Nga pala, wala tayong mga quiz?" tanong ko ulit kay Riza.
"Wala daw," tumango ako bago napunta ang atensyon ko kay Anna na kakapasok lang ng room, nakangiti siya ng maluwang habang may hawak-hawak na kulay pink na papel.
"Feynk feyfer,"
"Pinagsasabi mo?" tanong ni Riza sa akin kahit nakatutok ang mga mata niya sa phone niya.
"Sabi ko mahal kita," lumapit ako kay Riza para maglambing pero agad siyang lumayo kaya napanguso ako.
"Dun ka nga, guluhin mo si Mark," napanguso ako bago bahagyang nilingon si Markhus na tahimik na nag-s-strum ng gitara niya. Nag-iwas ako ng tingin bago kinuha ang phone ko sa bulsa ko.
Tatawagan ko si Denise.
"Beh, anyare? Di ka papasok?" tanong ko kay Denise nung sinagot niya na ang tawag ko.
[Hindi mare, pauwi ako ng Tinajero, bumalik na naman yung sakit ni lola kaya ako na muna ang mag-aalaga sa kanya kase sila papa may trabaho]
"Ganoon ba? Paano na pag-aaral mo?"
[Drop out muna siguro ako, kailangan ko muna bantayan si lola. Baka second semester na ako makabalik diyan]
"Kailangan mo ba ng tulong diyan? Pupuntahan ka namin diyan ni Riza,"
[Kahit isang Linggo lang?]
"Oo, siguro bukas pupuntahan ka na namin diyan. Sana maging okay na si lola,"
[Gege, magbayad lang ako ng pamasahe]
"Ge ingat ka, bye," matapos ng tawagan namin ni Denise pinag-usapan na namin ni Riza ang tungkol sa pagpunta namin kila Denise.
Napag-usapan din namin na ako nalang ang pupunta kila Denise kase walang makakapagsabi kay ma'am kung bakit mawawala ako ng isang Linggo.
"Paano niyan? Walang manggugulo kay Markhus," busangot ko.
"Babantayan ko sila ni Anna kaya huwag ka ng mag-alala," lumiwanag ang mukha ko sa sinabi ni Riza.
Kaya kagaya ng napagdesisyunan namin, ngayon na ako pupunta kila Denise. Hindi na ako nagdala ng damit dahil may mga damit naman doon si Denise at makakauwi ako sa bahay namin doon.
"Saan ka pupunta?"
"Ay putang puti!" napasapo ako sa bibig ko bago masamang tiningnan si Markhus na himalang nasa tabi ko at nakatayo sa waiting shed.
"Ginagawa mo here?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot kaya napabusangot ako.
"Pupuntahan mo din ba si Denise?" dahil sa tanong kong iyon, nakuha ko na ulit ang atensyon niya.
"Baka ikaw ang pupunta sa kanya," sagot niya kaya tumango ako.
"Tumpak ka! Markhus," nag-thumbs up pa ako sa kanya pero blanko lang ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin.
"Langya ka, lagi nalang blanko ekspresyon mo," reklamo ko bago pinag-krus ang dalawa kong braso.
"Pero ayos lang, gwapo ka pa din," humagikhik ako nang parang tanga.
"Okay," sagot niya kaya napangiti ako.
"Ngiti ka nga, hindi pa kita nakitang ngumiti," nagsalubong ang kilay niya kaya natawa ako.
"Edi wag, ngiti ka nalang pala kapag sinagot na kita," kinindatan ko siya bago nahagip ng mata ko ang paparating na bus na sasakyan ko.
"Bye babe, dito na bus ko," kumaway ako sa kanya bago inabangan ang bus.
Bago pa man dumating sa harapan ko ang bus biglang nag-ring ang selpon ko kaya agad ko iyong sinagot.
[Hindi ka makakasama sa stream?]
"Oo, aalis ako eh. Bawi nalang ako next week," sagot ko kay Ythan.
[Gege, next week ha? Dalawang oras na stream]
"Opo master, next week makakasama nako sa mga anak natin," napangisi ako habang iniisip ang naiinis na ekspresyon ni Ythan.
"Dito na bus ko kaya, stop bothering me," agad kong pinatayan ng tawag si Ythan bago umakyat sa bus at umupo sa tabi ng bintana.
"Ay putang puti! Ano ba? Sinusundan mo ba ako?!" tanong ko kay Markhus noong umupo siya sa tabi ko.
"Asa ka," sagot niya bago nilabas ang airpods niya. Inirapan ko siya bago tumingin sa labas ng bintana ng bus.
Pupunta ako kay Denise doon sa bahay nila sa Tinajero. Kakamustahin ko lang siya dahil siya lang ang mag-isang mag-aalaga sa lola niya.
"Tinajero ka din?" tanong ko kay Markhus kahit nakatingin ako sa bintana.
"Yeah," sagot niya kaya bahagya akong napangiti.
"Baka hindi ako makapasok bukas," saad ko bago siya tiningnan, nakatingin na siya sa akin ng may pagtataka noong nakatingin na ako sa kanya. Pakiramdam ko gusto niyang tanungin kung bakit.
"Samahan ko lang si Denise sa kanila," saad ko bago sumandal sa upuan ko.
"Kaya ba hindi siya pumasok kahapon kase nasa Tinajero siya?"
"Oo, hindi ko kasama si Riza kase siya na daw bahalang magsabi kay ma'am," mula sa gilid ng mata ko, kita ko ang pagtango ni Markhus.
"Buti sa Roundell kayo nag-aral ng third year," napangisi ako dahil nagiging madaldal na etong si Markhus.
"Sinundan ko lang yung dalawa," sagot ko bago pinag-krus ang dalawa kong braso.
"Ikaw bakit pupunta ka sa Tinajero?"
"Diba sa Tinajero nakatayo yung pinakasikat na bilihan ng mga music instruments?" tumango ako.
"Bakit? Doon ka bibili ng gitara mo?" tanong ko sa kanya.
"Magtitingin lang, kung may makita akong maganda edi bilhin ko," sagot niya kaya napangiti ako.
"You really love music," saad ko sa kanya.
"Yes, I love music,"
"May sabihin ako sa iyo," ngumisi ako dahil may naisip na naman ako na banat sa kanya.
"I'm music, you love music so it means you love me," kinindatan ko siya kaya napailing nalang siya bago tumango.
"If that's what you want. I love music," saad niya bago ko nakita ang isang napakaliit na ngiti sa labi niya.
"Oy! Oy! Oy! Ano yan ha?!"
"What?"
"Ngumiti ka!"
"So?"
"Hala bhie, kinikilig ako oy!" impit akong napatili habang nakatingin siya sa akin na para akong isang alien.
"Ang ingay mo, makinig ka na nga lang ng kanta," saad niya bago nilagay sa tenga ko ang isang airpod niya.
"Ganda ba?" tanong niya bago ngumisi. Natigilan ako nung marinig ang boses ng kumakanta. Si Markhus! Siya yung kumakanta sa kantang pinapakinggan namin! Parang covers niya yata eh!
"Sobra," sagot ko bago ngumiti, hindi na nakawala sa mata ko ang maliit na ngiti niya bago siya sumandal sa upuan niya.
That's the best bus ride I've ever had.
YOU ARE READING
Touch Your Heart (CRS #6)
Teen FictionCollege Romance Series #6 Kylie Samaniego, a girl who doesn't like to get serious. She's not used to being serious when it comes to things, especially to boys. But when she meet Mark Valeria, the guy who got her heart. She finally realized that it's...