13

222 14 25
                                    

13 : Passion

"Good morning, Markhus!" nakangiting bungad ko kay Markhus pagkapasok na pagkapasok niya sa room. Maaga akong pumasok para lang batiin siya.

"Morning," bati niya pabalik kaya ngayon ay para akong tangang kinikilig habang nakatingin sa kanya na papunta sa upuan niya.

"Buti pa siya may pa good morning, ako wala," napatingin ako kay Vergel, na ngayon ko lang nakitang pumasok dito sa room.

"Excuse me, kaklase ka ba namin?" tanong ko sa kanya kaya napunta ang atensyon niya sa akin.

"Oo bakit?" napangiwi ako nung tinarayan ako ni Vergel na kaklase daw namin.

"Buti pa siya, kaklase namin eh ikaw?" tinuro ko ang isang lalaking kakapasok lang, napalingon naman si Vergel sa tinutukoy ko.

"Uy, Aspen diba kaklase niyo din ako?" ang lalaking nangangalang Aspen, ay tiningnan lang si Vergel bago niya ito inirapan at umalis.

"Samahan ka namin mamaya manguha ng white tulips sa garden?" tanong ni Vergel kay Aspen bago niya ito hinabol.

"Kahit kailan talaga," saad naman nung isa kong kaklase na babae.

"Paano niyan Reyna? Maingay na naman ang room natin," saad nung isang kaklase ko sa katabi niya.

Bumalik na ako sa pwesto ko at tiningnan si Riza na nag-do-drawing ng isang anime character.

"Sino yan boi? Gwapo naman, baka pwede kong jowain," panggugulo ko kay Riza.

"Gaga, hindi to nag-e-exist," saad ni Riza kaya natawa ako.

"Kumusta ang trip?" biglang pumasok si ma'am kaya napaupo ako ng maayos.

"Ayos lang ma'am!" sagot ng iba kong mga kaklase.

"Kung ganoon, feel free to relax and just rest for now," napahiyaw ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni ma'am. Napasandal ako sa upuan ko bago inunat ang mga braso ko.

Napunta ang atensyon ko kay Anna na nakatayo at inaayos ang buhok niya. Mukhang may balak ha.

At kagaya nga ng iniisip ko, naglakad na siya patungo kay Markhus. Inirapan niya ako nung napadaan siya sa gilid ko.

"Aba't---"

"Girl, hayaan mo na," saad ni Riza kaya napabusangot ako.

"Sarap hampasin ng gitara," saad ko bago lumingon kila Markhus.

Nanliit ang mga mata ko nung makita kong tumatawa ng bahagya si Anna habang si Markhus ay nakatingin sa kanya at kinakausap pa!

"Okay, see you later," malakas na sabi ni Anna kay Markhus na para bang pinaparinggan niya ako.

"Selos ka na niyan eh,"

"Ay pusang kinalbo!"

"Magugulatin din pala," sinamaan ko ng tingin si Vergel na nakangisi.

"Bakit naman ang magseselos?"

"Kase gusto mo si Mark?"

"Buti alam mo, bigay ka nga ng suggestions anong pwedeng gawin," saad ko.

"Sundan mo mamaya si Markhus," biglang lumiwanag ang mukha ko bago tumingin kay Vergel na nakangisi.

"Ano? Nice strategy ba?" tumango ako.

"Alis ka na, si Markhus lang pwedeng lumapit sa akin," saad ko.

"Pake ko kay Markhus, akala mo naman lalapitan ka niya? Buti nga tinutulungan pa kita sa kanya eh," inirapan ako ni Vergel bago siya naglakad papunta sa harapan.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now