18 : Goodluck
"Seryoso ka?!"
"Oo nga! Kulet," inirapan ko si Ythan na kanina pa tanong ng tanong kung sasali na ba ako sa tournament.
"Kung ganoon puro pagkain niyan tayo," saad ni Aeron.
"Busog everyday," saad naman ni Sebastian bago tamad na humikab.
"Anong nakain mo at naisipan mong i-reveal ang mukha mo?" nagdududang tanong ni Jerick habang pinaglalaruan ang panyo niya at pinapaikot ikot sa daliri niya.
"Paano mo nagagawa yan?" namamanghang tanong ko kay Jerick.
"Iniiba ang usapan oh," sinamaan ko ng tingin si Sandrex.
"Kelan tayo mag-start?" humihikab na tanong ni Tayden.
"Alam na ba ng mga magulang mo na balak mo ng ipakilala ang sarili mo bilang Team Target?" hindi ko pa nasasabi pero sigurado ako na payag si kuya Kyden at kuya Kyler. Hindi ko lang sigurado kay mama at papa.
"Sa mukha mo, halatang hindi mo pa nasasabi," pinag-krus ni Ythan ang mga braso niya bago mariin na tumingin sa akin.
"A-Ah kase, wala akong load," napailing ang mga kasama ko habang nakatingin lang sa akin si Ythan.
"Utot mo blue, ipaalam mo sa kanila ang balak mo," tumango ako bago kinuha ang phone ko na ginagamit ni Aeron.
"Wallpaper mo pala si Bruno," saad ni Aeron matapos niyang maabot sa akin ang phone ko.
"Yeah," saad ko bago tinawagan ang magagaling kong kuya.
"I have to tell y'all something,"
[Ano?]
"Tatanggalin ko na yung mask ko,"
[Okay,] saad ni kuya Kyler.
"Okay, bye" agad kong pinatay ang tawag bago ngumisi kila Ythan.
"Ano na---" natigil ako sa pagsasalita nung tumunog na naman ang phone ko.
"Sagutin ko lang," tumango sila sa akin bago ko sinagot ang tawag ni kuya Kyler.
[Langya ka! Bakit mo ako pinatayan ng tawag?!]
"Pakisabi nalang kila kuya Kyden ang balak ko,"
[Seryoso ka?! Baka pagkaguluhan din ako kase kapatid ko pala si Chiller,]
"Chill ka lang kuya,"
[Gege, sabihin ko na kila kuya, sisiguraduhin kong mapapapayag ko sila,]
"Gege, bye," pinatay na ni kuya ang tawag bago ako humarap sa mga kasama ko. Sigurado akong narinig nila ang pinag-uusapan namin.
"So ano na?"
"Sunugin mo na mask mo, di mo na gagamitin eh," ngumisi si Jerick sa akin.
"Coach! Sama na daw si Kylie sa tournament!" nanlaki ang mata ni coach pagkapasok niya ng sala.
"Seryoso?" tumango ako.
Ang sabi ni coach magaling daw ako sa paggawa ng mga strategies.
"Kung ganoon iibahin natin ang strategy na gagawin natin sa tournament," saad ni coach bago umupo sa tabi ni Tayden.
Biglang tumunog ang phone ko kaya agad kong sinagot ang tawag nung makitang si mama iyon.
[Oh ano? Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Kakayanin mo ba?]
"Kayang-kaya ma, ano ma? Payag kayo?"
[Oo na, ano pa bang magagawa namin,] napangiti ako sa sinabi ni mama. Matapos ng tawag namin ni mama humarap ako kay coach.
"Stream?"
"Game!" saad ni Aeron.
Agad nag-stream sila Ythan pero hindi dahil sa maglalaro sila. Ang stream ngayon ay sasabihin sa mga fans ng Team Target na isasali na ang nag-iisang babaeng miyembro, sa tournament.
"Suotin mo muna mask mo, sa tournament mo nalang ipakita mukha mo," bulong ni Sebastian sa tabi ko habang hinihintay namin si Ythan na nagsasalita sa harap ng camera.
"Para gulat sila noh?" nakangising tanong ko kay Sebastian.
"You're right," saad niya bago na kami tinawag ni Ythan para magpakita sa camera.
"Wow ang daming viewers ha, anong nilagay mo na title?" tanong ko kay Ythan pagkaupo ko sa tabi niya.
"Chiller niyo mag-chi-chill na din sa tournament," napangiwi ako sa sinabi ni Ythan.
"Ang panget," nakangiwing saad ko, hindi naman niya mapapansin ang ekspresyon ko dahil naka-mask ako.
"That's right, hindi lang dito sa sala na ito mag-chi-chill si Chiller, aariba na din siya sa tournament," nakangiting sabi ni Aeron.
"Baka pagkaguluhan ang mukha ko," saad ko kaya napatingin sa akin ang mga kasama ko.
"Asa ka," saad ni Sandrex.
"Anyways, nag-stream kami para sabihin na ire-reveal ko na ang sarili ko sa tournament," saad ko bago ngumiti kahit hindi naman kita ang ngiti ko.
"Yun lang. Kakain na kami kaya papatayin na namin bye," saad ni Jerick bago tinakpan ang camera.
"Nakita ko yung stream! Grabe seryoso ka?!"
"Oo nga," saad ko kay Riza.
"Kung ganoon, kailangan kong pumunta sa tournament na iyon. Dahil nandoon ka na,"
"Yieee, kinikilig ako dahil sayo,"
"Grabe ang malas ko, hindi ko alam saan ko napatong wallet ko kaya wala ako pamasahe papuntang tournament ng LOL," rinig kong reklamo ni Vergel sa mga kasama niya.
"Magpapakilala na daw si Chiller!" saad ni Renzo.
"Punta tayo sa tournament?"
Parang bigla akong nakaramdam ng kaba, paano kung madaming taga-Roundell ang pumunta sa tournament tapos nakilala nila ako?
Nawala sa isip ko ang kaisipang iyon nung nakita ko si Markhus na papasok ng room.
"Punta ka tournament?" tanong ni Vergel kay Markhus, nanlaki ang mata ko nung biglang nagtama ang mga mata namin ni Markhus.
"Anong gagawin ko dun?" tanong niya kay Vergel habang nasa akin pa din ang mga mata niya.
"Makikilala mo si Chiller," bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Markhus. Iniisip niya siguro na ang pinag-uusapan ng mga kaibigan niya ay kilala niya na pala. At ako yun.
"Sikat na pala siya," saad niya bago naglakad papunta sa pwesto niya. Sinundan ko siya ng tingin bago tumayo at lumapit sa kanya.
"Good morning," malambing na bati ko sa kanya.
"Morning," saad niya.
"Pupunta ka sa tournament?"
"Hindi ako sigurado,"
"Punta ka para mapanood mo ako," bulong ko sa kanya.
"Lalaban ka sa tournament?" tumango ako.
"Kung ganoon..." ngumiti ako sa kanya ng matamis bago ulit nagsalita.
"Isang goodluck nga diyan," saad ko kay Markhus. Pero nawala ang ngisi ko nung walang sabi-sabi bigla niyang hinalikan ang pisngi ko sabay sabing...
"Goodluck," ani Markhus
Okay so, I felt butterflies in my stomach.
Boom! tiklop ang ate niyo.
YOU ARE READING
Touch Your Heart (CRS #6)
Teen FictionCollege Romance Series #6 Kylie Samaniego, a girl who doesn't like to get serious. She's not used to being serious when it comes to things, especially to boys. But when she meet Mark Valeria, the guy who got her heart. She finally realized that it's...