20

225 13 29
                                    

20 : Bracelets

"Tagal niyo naman," saad ni Aeron pagkabalik namin ni Sebastian sa pwesto namin.

"Kinausap ko pa sila kuya ko," saad ko bago inayos ang mask ko.

"Eto na pala yung sumbrero mo," saad ko kay Ythan bago sinuot sa kanya ang sumbrero niya.

Ilang minuto lang ay napuno na ang Arena at nagsisidatingan na din ang ibang mga team.

"Dami ngang gwapo," bulong ko kay Sandrex bago napahagikhik.

"Nasa tabi mo na nga ako tapos sa iba ka pa tumitingin," saad ni Sandrex kaya napangiwi ako bago hinampas ang braso niya.

"Bobo ang pangit mo," ngayon ay nakangiwi na din si Sandrex.

"Kahit kailan talaga may mali sa mata mo," inirapan ako ni Sandrex kaya inirapan ko din siya.

Tiningnan ko ang pwesto nila kuya at nanlaki ang mata ko nung nakita ko si Denise at Riza!

"Ready na, tayo unang lalaban," saad ni Ythan bago tumayo, napatayo na din tuloy ako.

Lima kaming lalaban, ako, si Ythan, si Sebastian, si Tayden at si Jerick.

"Sino kalaban natin?"

"Ang mga Black Dragon,"

"Mga dragon sila?" panunuya ko bago sinundan sila Ythan.

"Pagkaka-alam ko may mga bago silang mga miyembro," saad ni Jerick.

"Malalakas?" tanong ni Sebastian habang nakangisi.

"Oo," seryosong saad ni Ythan bago tinanggal ang sumbrero niya at sinuklay ang buhok niya gamit ang isa niyang kamay.

"Musta Ythan?" isang matangkad na lalaki ang biglang kinausap si Ythan. Nakita ko ang logo ng dragon sa jacket niya kaya nasisiguro ko na miyembro siya ng Black Dragon.

"Eto yung babaeng player niyo?" tumaas ang isang kilay ko noong napunta sa akin ang atensyon ng lalaki.

"Tabi," saad ni Ythan kaya napanguso ang lalaki.

"Ang harsh mo sa kaibigan mo, bye na nga," halos mapanganga ako nung padabog na umalis ang lalaki.

"Kaibigan mo?" tanong ko kay Ythan.

"Hell no,"

"Is he an oversized puppy or what?" tanong ko.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago umakyat ng stage. Agad akong sinalubong ng sigawan ng mga tao.

"Ackk!! Chiller!"

"Team Target!"

"Ythan aylabyu!!"

"Jerick my labs!"

"Sebastian baby!"

"Tayden mahal!!"

"Get ready," saad ni Ythan kaya tumango ako. Kinuha ko muna ang headset na gagamitin ko bago tinanggal ang mask ko.

Kagaya ng inaasahan ko, lumakas lalo ang sigawan.

Yan, nakita niyo na din ang maganda kong mukha.

Tumingin ako sa mga tao bago walang sabi-sabing kumindat.

Sa huli ay napanalo namin ang laro, magaling din ang Black Dragon at nahirapan kami sa kanila.

At sa internet nagkalat ang mukha ko, tapos may iconic move na ako.

Ang pagkindat.

"Sikat ka na," saad ni Riza. Sabay kaming pumasok ngayon sa school.

Mas maaga pa yata kami sa guard nung dumating kami eh.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now