21

218 11 25
                                    

21 : Us

"Markhus babes!"

"Yes baby?" napahawak ako sa dibdib ko bago ngumuso.

"Yung heart ko, mabilis na naman ang tibok," saad ko kay Markhus kaya natawa siya.

It's been five months since we dated. Infairness going strong pa din.

"Inumin mo na to, para naman kahit kaunti tumangkad ka," inabot ni Markhus sa akin ang strawberry milk kaya nakanguso ko iyong kinuha sa kanya.

"Matangkad ka lang kaya akala mo sobrang liit ko na," saad ko. Agad kong ininom ang gatas na binigay niya, kanina niya pa kasi binuksan iyon eh at ang gagawin ko nalang ay inumin.

"Tara dito ka muna, parinig ko lang sayo yung paborito mong kanta," nakangiti akong umupo sa harapan ni Markhus bago niya nilagay sa kandungan niya ang gitara na binigay ko sa kanya.

"Ano ba yung paborito kong kanta?"

"Life goes on," nakangiting sabi niya bago nag-simulang mag-strum ng gitara.

"Markhus!" napabuntong hininga ako nung tinawag ni Anna si Markhus. Habang si Markhus ay patuloy lang sa pagtugtog.

"What's the problem?" tanong ni Markhus noong napansin niya na hindi na ako nakatingin sa kanya.

"Markhus, pwedeng magtanong?" tanong ni Anna kaya napunta na sa kanya ang atensyon ni Markhus.

"Nagtatanong ka na," sagot ni Markhus bago ibinalik ang atensyon sa akin na pinapanood silang dalawa.

Noong nalaman netong si Anna na kaming dalawa na ni Markhus, hindi na siya tumigil magpapansin kay Markhus. Kung sana dati niya pa ginawa iyon noong wala pa ako dito edi sana baka sila na ngayon.

Kaso hindi eh.

Kaming dalawa talaga ni Markhus sa isa't isa. Hehe.

"Anong kailangan mo sa bebe ko?" pinandilatan ko ng mata si Anna, napunta ang atensyon niya sa akin.

"Uhm," tumaas ang isang kilay ko noong natutop ang bibig niya at basta nalang umalis sa harapan namin.

"Feel ko talaga aagawin ka niya sa akin," wala sa sariling bulalas ko, naramdaman ko ang mainit na kamay ni Markhus sa pisngi ko bago hinarap sa kanya ang mukha ko.

"Hindi ako magpapa-agaw," saad ni Markhus bago ngumiti.

"Parinig nga nung life goes on," saad ko bago umayos ng upo at pumangalumbaba habang nakaharap sa kanya. He started to strum while slightly humming.

I love the way he smiles, the way he walks, the way he plays guitar, the way he looks at me, the way he sings, the way he talks.

Hindi ko siya nagustuhan dahil sa gwapo siya.

I love him because he's him.

I admire how he loves his passion for singing and playing guitar.

Hindi ko alam na may ganito pa palang klase ng lalaki.

Minsan naiisip ko siguro nagligtas ako ng isang bansa sa past life ko, kaya binigyan ako sa buhay kong ito ng lalaking kagaya ng isang Markhus Raniel Valeria.

Sana ganito nalang lagi kami.

But we don't know what will happen tomorrow or upcoming days.

Baka isang araw, ang masasayang araw namin ay matapos.

"Ayos ba?" napabalikawas ako bago tumingin kay Markhus na nakatingin sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata. Y'all! That's my favorite view!

"Tugtugin mo yan sa kasal natin ha?" kinindatan ko siya.

"Bakit hindi nalang ang kantang sinulat ko?" napasinghap ako nung may nilabas siya na nakatuping papel sa bulsa niya.

"Tingin,"

"Wait, I told you. I'll sing this when we get married," napanguso ako tapos siya naman ay nag-angat ng gilid ng labi.

"Akala mo naman sigurado kang tayo hanggang sa huli---" napatigil ako sa pagsasalita ko nung napansin kong bahagyang natigilan si Markhus sa sinabi ko.

"Lagi mo bang iniisip yan?" umiling ako sa tanong ni Markhus. Ngayon ay seryoso na naman siya.

"Let's go see the sunset later," saad niya kaya tumango ako, sakto namang dumating na ang adviser namin kaya bumalik na ako sa pwesto ko.

Kagaya ng sinabi ni Markhus, nasa rooftop na kami ngayon.

The sunset in front of us, is so beautiful. The air around us is peaceful.

Pero ang nasa isip ko, ibang-iba sa mga nakikita ko na mapayapa at nakaka-relax.

Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Markhus tungkol sa audition niya sa isang Entertainment Company.

Masaya ako dahil sa nalaman ko iyon dahil pangarap niya iyon. Mas magiging masaya ako kapag natanggap siya at naging trainee.

Pero kapag naiisip ko na malalayo siya sa akin dahil sa pangarap niya, hindi ko maiwasang malungkot.

But it's his dream. Ang pangarap niyang iyon ang maaaring mag-angat sa kanya lalo na't wala na ang magulang niya sa paligid niya.

His parents died when they were about to go home after their business trip. Imbes na sa bahay sila mapunta, diretso sila sa langit.

"Don't give up," saad ko bago tiningnan ang sunset na nasa harapan namin. From my peripheral view I can see him looking at me.

Simula noong naging kami, ang dami kong nalaman tungkol sa kanya.

"On us?" tanong niya. I smiled softly before looking at him. Hindi lang naman sa akin umiikot ang mundo niya, hindi lahat ay tungkol sa akin, pwede ding tungkol naman sa kanya diba?

"No, on your dreams... even without me," napansin kong bahagyang dumaan sa mata niya ang pangamba. I smiled widely before hugging him.

"Kailangan matupad ang pangarap mo, dahil alam kong doon ka aangat," saad ko sa kanya.

"What if you're my dream?" natigilan ako sa tanong niya bago nag-angat ng tingin sa kanya.

"Ano ka ba? Dati mo pa ako naabot," ngumisi ako kaya napangiti siya bago pinisil ang kaliwang pisngi ko.

"I love you," saad niya bago hinalikan ang noo ko.

"Kailan mo ako hahalikan sa lips ko?" ngumuso ako sa kanya bago siya tumawa.

"Kapag nasa harapan na tayo ng altar," hindi ko alam na may ganito palang klase ng saya.

Hindi ko expect na kasama na din ako sa future niya. Pero hindi natin sigurado kung makikisama ba ang tadhana sa mga gusto nating mangyari.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now