30

293 14 33
                                    

30 : Dream

"What's your favorite color?" tanong sa akin ni Markhus habang kumakain kami sa Mang Inasal.

It's been a week since we saw each other at the beach.

Ang dating parang kulang sa buhay ko ay wala na. Cause he's here with me now. Four years and I'm still into him.

"Do you want to have rice?" nabaling ang atensyon ko kay Markhus. Nakasuot siya ng sumbrero kagaya ko at nakababa ang mask.

"Tawagin ko yung kanin girl," saad ko bago nagtaas ng kamay, agad naman lumapit ang nagbibigay ng kanin.

Pinanood ko kung paano lumapit sa pwesto namin ang babae na sobrang pamilyar sa akin.

"Shet si Anna yun diba?" nag-angat ng tingin sa akin si Markhus na may pagtataka sa mukha niya.

"Sino yun?" tanong niya bago itinagilid ang ulo niya.

"Karibal ko dati sayo," natigil ako sa pagsasalita nung binigyan na ako ni Anna ng kanin.

"Nice seeing you again," bulong ko kay Anna. Pagkatapos niya akong lagyan ng kanin ay napatingin siya sa akin.

"Kylie?" tumango ako.

"Yung bebe loves mo dati, ayun oh," tinuro ko gamit ang nguso ko si Markhus na nakatingin sa amin ni Anna.

"M-Markhus?" nabaling ang atensyon ni Markhus kay Anna bago tumango.

Gulat siguro etong si Anna dahil nasa harapan niya kami. Lalo na tong si Markhus.

"Kumusta?" tanong ko kay Anna.

"Ayos lang," saad niya bago bahagyang napayuko.

"Mas lalo kang gumanda," saad ko bago ngumisi.

"Hindi ka pa din nagbabago," saad niya kaya bahagya akong natawa.

"Hindi nga, kase mahal ko pa din yung isa dito," saad ko bago kinindatan si Markhus na biglang naubo.

"Oh Raniel kalma lang sa pagkain," saad ko pero inirapan lang ako ni Markhus.

"Rice pa po!" nabaling ang atensyon ni Anna sa isang kostumer bago siya tumingin sa amin ni Markhus.

"Alis na ako, nice to see you two again. Take care," saad ni Anna bago umalis sa lamesa namin.

"Na-cu-curious ako, anong itsura ng kumpanya niyo?" tanong ko kay Markhus pagkalabas namin ng Mang Inasal.

"Dadalhin kita ngayon doon," saad niya bago ni-unlock ang kotse niya.

"Weh?! Seryoso?!"

"Kung ayaw mo edi maiwan ka na diyan," saad niya bago binuksan ang pinto sa may driver's seat.

"Hoy! Aglet!" sigaw ko bago binuksan ang passenger seat.

"Gusto kitang ipakilala," saad niya kaya bahagya akong natigilan. Nasa parking lot na kami.

"Kanino?"

"Sa pamilya ko," agad niyang hinawakan ang pala-pulsuhan ko bago pumasok sa loob ng kumpanya nila.

"What?"

"Oh! Markhus!" isang lalaki ang lumapit sa amin na may malaking ngiti.

"Manager!" saad naman ni Markhus.

So this is his manager.

"Sino naman itong kasama mong napakagandang babae?" pinigilan kong ngumiti ng maluwang dahil mahahalata ako na isa akong tao na gustong-gusto na tinatawag na maganda.

Naalala ko nga dati, pumupunta ako palagi kasama si Denise at Riza sa palengke para lang matawag na maganda. Parang tanga lang noh?

"Ah, siya ba ang palagi mong kinukwento sa akin?" tanong ng manager niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Pansin ko ang pamumula ng tenga niya at ng pisngi.

"S-Siya nga," sagot ni Markhus dahilan para mas lalong lumaki ang ngiti ng manager niya.

"Masaya akong makilala ka, Kylie. Ako ang manager ni Markhus,"

"Ako din po, masaya po ako na makilala kayo," nginitian ko ang manager ni Markhus.

"Asan si Ate Lucy?"

"Nasa cafeteria, tara puntahan natin at ipakilala ang kasama mo," pumunta kami sa cafeteria at napapatingin nalang ako sa paligid dahil ang ganda ng kumpanyang ito.

"Chiller!" nabaling ang atensyon ko sa isang grupo na tumawag ng pangalan ko. I think they're staffs here.

Kumaway ako sa kanila bago kinindatan dahilan para mapahiyaw sila. Natawa nalang ako.

Masaya ako dahil mukhang masaya siya dito sa kumpanyang ito. They treat him right and they make him feel like they're family.

So sila pala ang sinasabi niyang pamilya niya.

Matapos niya akong ipakilala sa halos lahat ng empleyado sa kumpanya na iyon, niyaya niya akong pumunta sa rooftop ng kumpanya na iyon.

"Ayos lang ba na nandito tayo?" tanong ko sa kanya.

"Nagpaalam na ako," saad ni Markhus.

"Ang saya ko ngayon, dahil nalaman ko na nasa mabuting kumpanya ka napunta," saad ko.

"Isa din ito sa pangarap ko para sayo, ang makahanap ng mga taong matuturing mong pamilya."

"Kylie, you're my dream. Ang pangarap na gustong gusto kong makuha," napangiti ako sa sinabi ni Markhus.

"But guess what? You've finally reached that dream of yours," saad ko bago siya kinindatan.

"You know, you didn't just touched my heart. You also steal it," ngumisi ng nakakaloko si Markhus bago ako niyakap.

"Weh? Pa hard to get ka pa nga dati," panunuya ko sa kanya.

"Kase ang pagkakaalam ko, hindi ka seryoso pagdating sa mga lalaki. Eh ako naman seryoso sa lahat,"

"Baka mamaya hanggang ngayon, akala mo hindi pa din ako seryoso sayo," umiling si Markhus bago ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Kung hindi ka seryoso, hindi mo naman ako hahayaang pakasalan ka diba?" nanigas ako sa kinatatayuan ko kaya natawa si Markhus.

"Akala ko ba ako ang magtatanong niyan?"

"I changed my mind long time ago, I want to ask that question to you cause I'll only ask this just once," kahit alam ko na ang gagawin niya, hindi ko pa din mapigilang mapasinghap.

"Gago, wag mo naman akong paiyakin!" natawa si Markhus bago lumuhod sa harapan ko.

"Sayo ko lang ito itatanong at sana may sagot kana," ngumiti si Markhus and the familiar beat of my heart when he's around is showing again.

"Will you marry me and be mine forever?"

"Syempre, duh," saad ko bago pinag-krus ang mga braso ko.

"Ikaw talaga," naiiling na tumayo si Markhus para isuot sa akin ang engagement ring.

"Finally, my dream will come true," saad ni Markhus kaya agad ko siyang hinawakan sa mga balikat niya at niyugyog.

"What the---"

"Oh my gosh ka! Kilig ako! Shet ka!" impit akong napatili kaya napailing nalang si Markhus sa akin.

"Gusto kong sumigaw sa kilig!" saad ko bago niyakap ng mahigpit si Markhus. I can't describe how happy I am.

Finally, our dreams came true and now we're ready. I can't describe how happy I am.

Oo, matagal ngang matupad ang mga pangarap dahil ganoon naman talaga. Kahit matagal, ang importante maabot mo iyon.

Ang sarap kaya sa pakiramdam na sa lahat ng hirap mo may kapalit na saya. Kagaya ng nararamdaman ko.

"Ngayon tutuparin ko na ang isa ko pang pangarap," saad niya bago hinigpitan ang yakap sa akin.

"Anong pangarap?"

"Ang bumuo ng sariling kong pamilya kasama ka,"

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now