12

220 9 12
                                    

12 : Falling

"Ginagawa mo na naman dito?" bungad sa akin ni Markhus pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ng cabin nila.

"Samahan mo ako," nginitian ko siya ng matamis. Pangatlong araw na namin dito sa beach resort na ito at bukas na kami ulit babalik.

"Saan?"

"Sa puso ko, yieee," pagsasaraan na sana ako ni Markhus ng pinto buti napigilan ko siya.

"Bihis ka ng pampaligo, maliligo tayo ngayon," saad ko, tiningnan niya muna ako bago sinara ang pinto. Langyang lalaki iyon! Hindi man lang ako pinapasok kahit hihintayin ko siya!

Sumandal ako sa pinto at pinag-krus ang mga braso ko.

"Uy Ky! Maya, shot tayo!" tumango ako sa mga kaklase ko na nasa may katabing cabin lang.

Habang naghihintay ako biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad kong sinagot ang tawag ng magaling na captain namin sa Team Target. Muntikan ko ng makalimutan na pro-gamer pala ako.

"Hello, hello, telephone," saad ko pagkabukas ko ng tawag.

[Lapit na tournament, isang month nalang. Kalabanin mo etong sila Aeron para medyo mahirapan ang mga kumag,] saad ni Ythan.

"Hindi naman ko sasali sa tournament ha," saad ko bago tiningnan ang kuko ko.

[Pang tournament level ka kaya ma-cha-challenge etong mga bugok kapag nakalaban ka,]

"Bakit hindi pang-Worlds?" biro ko.

[Asa ka,]

"Walang stream?"

[Pustahan kahit isa sa mga stream natin ngayong buwan wala kang pinanood?]

"Correct ka cap,"

[Gege, kelan ka pwede? Baka Sabado pwede ka na noh?]

"Oo, pwede mo na akong maging jowa sa Sabado, joke lang," tumawa ako. Magaling nga palang mang-trashtalk ang isang eto kaya dapat hindi masyadong binibiro.

[Patayin ko na tong tawag, baka ikaw pa mapatay ko,] agad na pinatay ni Ythan ang tawag kaya natawa ako bago nilagay sa back pocket ng shorts ko ang phone ko.

Kagaya ng gusto kong mangyari, nag-swimming kami ni Markhus sa dagat kaso agad din siyang umahon at tumambay nalang sa tabing dagat habang naliligo pa din ako.

Hanggang sa dumating ang gabi, kagaya ng inaasahan ko. Niyaya kami ng iba naming mga kaklase na mag-inuman tutal last day na namin.

"Kylie, paalala lang ha. Mahirap maging karibal si Anna," saad nung isa kong kaklase. Medyo nakakarami na din kami.

"Kase kapatid niya si Elsa at kaya akong gawing yelo ni Elsa?" natawa ang iba naming kaklase pati na rin si Riza.

"Gaga hindi, tagal na din kaseng magkakaklase iyang si Anna at Markhus,"

"Pake ko?"

"Girl, mukhang palaban etong si Kylie ha," natawa ako bago lumagok ng isang shot glass ng Alfonso.

"Akala ko ba gusto mo si Ythan?" kahit medyo nahihilo, tumingin ako kay Riza bago ngumiwi.

"Si Ythan?"

"Oo, sineryoso mo yata yun eh,"

"Kagaya nung pagiging seryoso ko kay Markhus?" tanong ko bago kumuha ng isang hipon at agad na sinubo. Buti wala na iyong balat at ulo.

"Oo, gaga," saad ni Riza.

"Akala ko si Markhus lang sineryoso niya," saad nung isang kaklase ko.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now