09

228 11 17
                                    

09 : Trip

"Kagaya ng nakasanayan niyo, may trip kayo, at kayong mga third years ang destinasyon niyo ay beach din kagaya noong second years, kayo ng bahala kung sasama kayo o hindi," interesado akong ngumiti kay Riza matapos i-announce ng adviser namin ang tungkol sa trip.

"Sama ka?"

"Kung libre, edi game!" tumango si Riza. Nakaupo na siya ngayon sa pwesto ni Denise dahil sinabi na din ng adviser namin na nag-drop out muna pansamantala si Denise.

"Buti nalang may trip tayo, naiinis pa din ako sa Anna dun sa harap," natawa ng bahagya si Riza.

"Sa isang cabin, apat na estudyante ang mananatili," paliwanag ng adviser namin.

"Ma'am kelan po yung trip?"

"Friday, bale tatlong araw ang trip na iyon kaya I suggest you to go so that you can relax for three days," saad ni ma'am bago ngumiti sa amin. Mas lalo tuloy akong naging interesado na sumama.

"Sama tayo," saad ko kay Riza.

Sayang wala si Denise edi sana bonding-bonding kami. Tawagan ko nga mamaya para kamustahin.

"Kagaya ng dati, libre ang trip na ito kaya siguradong magugustuhan niyo," saad ni ma'am bago siya umalis para pag-usapan ang sa trip.

"Infairness sa Tinajero walang ganito, kaagad na simula ng first sem tapos first subject pa yung math, langya," saad ko bago pinag krus ang mga braso ko.

Sa buong araw na iyon, hindi ko ginulo si Markhus, dahil masyado akong excited para sa trip dahil magagamit ko na yung pang-swimming na binili ko last year.

Dumating ang Thursday, ngayon ko palang guguluhin si Markhus para tanungin kung sasama siya. Bahagya akong napangiti nung makita ko siya na naggigitara at ang gamit niya pang gitara ay iyong binigay ko sa kanya.

Kita ko din yung pirma ko sa gitara.

"Swerte mo, kapag sikat na ako may pirma na ako sa gitara mo," saad ko sa kanya bago umupo sa tabi niya.

"Talaga?" tanong niya kahit nakatuon sa gitara niya ang atensyon niya, tumango naman ako.

"Ikaw? Kelan mo pipirmahan yung marriage contract natin?" natawa ako nung nakita kong kumunot ang noo niya sa tanong ko.

"Sama ka sa trip?" tanong ko, tumango naman siya bilang sagot.

"Bonding tayo noh? Naiinis ako kay Anna, pagselosin natin? Game ka?" ngayon ay tumigil na siya sa paggigitara at nakatingin na sa akin.

"So you just want me to be with you just to make that girl jealous?" seryosong tanong ni Markhus.

"Bakit? Ayaw mo? Edi don't," inirapan ko si Markhus.

"Ano pala yung sobre na binigay niya sayo? Invitation?" natawa ako sa reaksyon ni Markhus.

"Yeah, invitation," sagot ni Markhus kaya tumango ako kahit duda pa din ako.

"Gege, di na kita guguluhin," saad ko bago tumayo at bumalik sa pwesto ko at nakipag-usap nalang kay Riza.

"Ano ayos na ba kayo?" tanong ni ma'am pagkapasok niya sa bus na sinasakyan naming mga kaklase ko.

"Yes ma'am!" sigaw ng iba kong mga kaklase.

"Good, aalis na tayo," saad ni ma'am bago umupo sa upuan niya at ilang minuto nga ay nagsimula ng umandar ang bus.

Buong biyahe ay tulog ako at ginising nalang ako ni Riza noong nasa labas na kami ng isang resort.

"Punta na kayo sa mga cabin niyo," parehas kami ng cabin na pagtutuluyan ni Riza kaya happy ako.

"Ano ba yan?! Kamalasan naman natin, kasama natin yung kapatid ni Elsa," pagkapasok na pagkapasok ko nakita ko si Anna na nag-aayos ng gamit niya habang nakaupo sa pinakadulong kama.

"You and your mouth," saad ni Riza bago umiling-iling at umupo sa isang kama.

"Pwede ba? Tigilan mo ako," nanlaki ang mata ko nung marinig kong nagsalita si Anna habang sinusuklay na ang buhok niya.

"Sinong kausap mo?" pabirong tanong ko kay Anna habang inaayos na ang mga gamit ko sa napili kong kama.

"Obviously, it's you," seryosong saad ni Anna, pero hindi pa din siya nakatingin sa akin.

"Ah ganun ba," walang interes na saad ko bago kinuha ang wallet ko at phone ko.

"Bakit ka ba ganyan sa akin?!" namamangha akong lumingon kay Anna noong bigla siyang tumayo pero hindi pa din nakatingin sa akin kahit ako ang kinakausap niya.

Parang tanga, multo yata kausap niya.

"Tanong mo sa multo baka alam niya," natawa ako bago niyaya si Riza na lumabas para gumala sa buong resort.

"Just to remind you Kylie, ako ang nauna sa kanya," rinig kong sabi ni Anna bago sinara ni Riza ang pinto ng cabin.

"Nauna, pero bat ngayon hindi pa din sila?" natawa si Riza bago hinampas ang braso ko.

"Sama talaga ng ugali mong babae ka," nagkibit balikat lang ako kay Riza bago kami pumasok sa isang restaurant na walang mga pader kaya kitang-kita ang mga tao doon.

"Tuwing gabi siguro may mga banda dito," saad ni Riza kaya napatingin ako sa maliit na stage na tinitingnan niya.

"Pwede kaya akong kumanta mamaya?" tanong ko bago kami naghanap ng isang lamesa.

"Pwede siguro, kapag tapos ng kumanta yung banda na kakanta," tumango ako bago nagtaas ng kamay para tawagin yung waiter.

"Naiinis ka talaga sa Anna na yun noh?"

"May Kristoff at Olaf na nga siya tapos aagawin niya pa si Markhus,"

"Gaga," saad ni Riza bago tumawa.

"Akala mo seryoso na noh?" napanguso ako sa sinabi ni Riza.

Bakit ba akala nila hindi ako seryoso?

Kagaya ng gusto kong mangyari, bumalik kami ni Riza sa resto na iyon para sana kumanta ako dahil tagal na din simula nung huli akong kumanta sa harap ng ibang tao.

Flex ko naman dapat yung maganda kong boses kahit minsan.

"Today we have a costumer who wants to sing for you all," saad nung singer ng banda, tapos na silang kumanta kaya lumapit ako sa kanila para sabihin na gusto kong kumanta.

Buti pinayagan ako. I close my eyes before opening my mouth to sing.

They all hit the town, get to getting around
Find a body that can hold them tight
You know it's true what they say,
Nobody can fall in love in LA on a Saturday night

God, I hate this fucked up city
People flip on a charm like a lights on the boulevard
They get dressed up just to lay down
With a guy, with a girl, with whoever's got a broken heart

"Go! Ky!" while singing, I can't help but smile when Riza cheers for me.

Minsan lang akong kumanta sa harap ng iba kaya masaya ako na sinusuportahan ako ng kaibigan ko. Kung hindi ako magiging pro-gamer baka maging singer ako. Hihihi.

"That's Kylie for y'all! What a beautiful girl and voice," papuri sa akin ng singer ng banda.

"Thank you po!" bahagya akong yumuko bago bumaba ng stage. Bahagya akong natigilan nung nakasalubong ko si Markhus na mukhang paakyat ng mini stage.

"I love your voice," bulong niya nung nilagpasan niya ako kaya napanganga ako bago lumingon sa kanya na nag-request ng upuan dahil gagamitin niya ang gitara na binigay ko sa kanya.

Napahawak ako sa may bandang kaliwa ng dibdib ko dahil bumibilis na naman yung tibok ng aking puso.

"Kalma ka lang puso, baka madala ako sa ospital tapos diko na marinig ang kanta ni Markhus babes," bulong ko bago bumalik sa lamesa namin ni Riza.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now