08 : His smile
"Geh ingat ka, alam kong malapit ng bumalik ang dating lakas ni lola," ngumiti ako kay Denise habang nandito kami sa waiting shed. Nasa may gilid naman si kuya Kyler at kuya Kyden.
"Tawagin mo lang ako kung may problema ha? Agad akong uuwi dito," tumango si Denise.
"Ge kausapin mo muna mga kuya mo, kanina pa nila ikaw hinihintay na lumapit sa kanila," tumango ako bago lumapit sa dalawa kong kuya.
"Bakit dadalhin mo ang gitara mo?" nagdududang tiningnan ako ni kuya Kyden.
"Doon ako mag-aaral," sagot ko kay kuya bago ngumuso.
"Duda din ako eh, tamad kang mag-aral ng mga ganyan pero ngayon," pinanliitan ako ni kuya Kyler ng mata habang bitbit pa din ang gitara.
"Nagbagong buhay na ako, ano ba," pinagtaasan lang nila ako ng kilay.
"Malapit na iyong tournament---"
"Ang ganda talaga ng prinsesa namin, diba kuya?" agad na niyakap ni kuya Kyler ang ulo ko
"Oo, atsaka mabait yan. Kase sa next tournament nasa front seat ulit tayo," halata sa boses ni kuya Kyden na nakangisi.
"Gago, baka hindi na yan makahinga," agad akong binitawan ni kuya Kyler bago hinimas-himas ang ulo ko.
"Pakabait ka doon ha? Galingan mo lang ang pagtatago mo na isa kang pro-gamer," tumango ako kay kuya Kyler.
"Call us if you have problem," saad naman ni kuya Kyden bago ako nginitian at hinalikan sa noo.
"Pawis ko yata nahalikan mo kuya," napangiwi si kuya Kyden habang pinupunasan ko ang noo ko dahil may pawis iyon. Ang inet eh!
"Ky! Yan na yung bus," sambit ni Denise kaya muli kong tinignan sila kuya bago sila nginitian.
"Mamimiss ko kayo, kita nalang sa tournament," dahil sa sinabi ko, napangiti sila kuya bago nag-thumbs up. Binigay na sa akin ni kuya Kyler ang gitara kaya kumaway na ako sa kanila bago lumapit kay Denise.
"Ingat," saad ni Denise bago niya ako niyakap.
"Gege ingat den," saad ko bago umakyat sa bus. Linggo ngayon at bukas ay papasok na ako sa Roundell University. Halatang madami akong kailangang habulin na lessons.
"Good morning! I'm back!" sigaw ko pagkapasok ko sa room habang nakasabit sa likod ko ang gitara.
"Welcome back," saad nung isa kong kaklase na nag-do-drawing sa white board.
"Thanks, may libre kang papel sa akin mamaya,"
"Salamat, sigurado akong mababago ang buhay ko dahil sa papel na iyon," sarkastikong ngumiti sa akin ang kaklase ko kaya nginitian ko din siya ng sarkastiko bago pumunta sa pwesto ko.
"Yow, na-miss kita," saad ko kay Riza bago nilagay ang gitara sa pwesto ni Denise.
"Same," saad niya bago nag-abot sa akin ng strawberry milk.
"Thanks," agad ko iyong kinuha bago binuksan at ininom.
"Hindi ako bumili niyan, nakita ko lang sa desk mo," tumango nalang ako bago lumingon sa may likuran para tingnan kung nandun na ba si Markhus.
Napangiti ako bago inubos ang strawberry milk at kinuha ang gitara bago pumunta kay Markhus.
"Markhus," nag-angat ng tingin sa akin si Markhus bago napunta ang atensyon niya sa bitbit kong gitara.
"Para sayo," nanlaki ang mata niya nung bigla kong nilahad sa kanya ang gitara.
"W-What?"
"May pirma ko pa yan," kinindatan ko siya bago binuksan ang lalagyan ng gitara at nilabas doon ang gitara at tinuro ko pa kung nasaan ang pirma ko.
"This is..."
"Binili ko para sayo," napangiti ako noong nakita ko ang reaksyon niya bago niya kinuha ang gitara.
"Inlab ka na niyan sa akin eh," panunuya ko sa kanya. Tumaas lang ang gilid ng labi niya bago umiling.
"Dahil binigyan kita ng ganyan, kantahan mo dapat ako!" nag-angat siya ng tingin sa akin bago ngumiti ng hindi kita ang mga ngipin niya.
Wait, did he just smile at me?!
"Wait! Ngumiti ka!" gulat kong sabi sa kanya, napalakas ang pagkakasabi ko nun kaya ang iba naming kaklase ay napalingon sa amin.
"I know," saad niya at halata sa labi niya ang ngiti niya.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Hoy! Kumalma ka nga! Pinapabilis mo ang tibok ng puso ko!" pasinghal kong sabi kay Markhus, pero nakangiti lang siya habang inaayos ang upuan niya at ang gitara sa kandungan niya.
"Ano na? Akala ko kakantahan kita?" tanong niya kaya napatango ako bago umupo sa isang upuan na katabi ng upuan niya.
"Harap mo sa akin ang upuan mo," napalingon ako kay Markhus, ilang segundo pa akong napatitig sa kanya kaya itinagilid niya ang ulo niya bago nagsalita.
"Mamaya mo nalang ako titigan kapag haharanahin na kita," agad na namula ang pisngi ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin bago tumayo para iharap sa kanya ang upuan kung saan ako nakaupo.
"Parang gusto kitang i-record for remembrance lang," ngumisi ako kay Markhus na nagkibit ng balikat. Pinanood ko kung paano siya nag-de-kwatro at hinagod ang buhok niya gamit ang kamay niya.
"Malabo ba talaga ang mata mo?" tanong ko sa kanya nung tinanggal niya ang salamin niya.
"Hindi,"
"Peram," agad kong kinuha ang salamin niya na pinatong niya sa desk ng isang upuan. Hinayaan niya akong kunin ang salamin niya na sinuot ko pa bago tumingin sa kanya.
"Ayos ba?" tanong ko sa kanya bago ngumiti ng maluwang at halos nakapikit na ang mata ko.
"Please just focus on me," saad niya sa nakaka-attract na malalim na boses niya.
"You don't need to say please, cause I'll really focus on you," saad ko habang kinukuha sa bulsa ko ang phone ko.
"Sure," saad niya bago nag-strum.
Ano kayang kakantahin niya.
"Go Markhu---"
"Mark!" agad akong lumingon sa epal na tumawag kay Markhus. Sumama ang timpla ng mukha ko nung makita ko si Anna na todo ngiti habang may hawak na kulay pink na sobre.
"Ano yan? Invitation sa 7th birthday mo?" pambabara ko kay Anna kaya gulat siyang napatingin sa akin.
"What?" tanong ni Markhus habang nakatingin sa gitara at bahagyang nag-s-strum.
"Para sayo," agad na nilahad ni Anna ang sobre kay Markhus, nag-angat naman ng tingin si Markhus bago tiningnan ang sobre na hawak ni Anna.
"Nasa loob siguro ng sobre na yan yung lyrics ng kakantahin mo para sa akin," ngumisi ako nung makita ko ang reaksyon ni Anna. Halatang naiinis na siya sa akin. Kasalanan niya kase epal siya.
"Dapat kase huwag umepal," pagpaparinig ko bago tumayo at tiningnan si Markhus.
"Mamaya nalang, mukhang may importanteng sasabihin si Anna eh," tiningnan ko muna si Anna bago bumalik sa pwesto ko.
YOU ARE READING
Touch Your Heart (CRS #6)
Teen FictionCollege Romance Series #6 Kylie Samaniego, a girl who doesn't like to get serious. She's not used to being serious when it comes to things, especially to boys. But when she meet Mark Valeria, the guy who got her heart. She finally realized that it's...