26

222 13 16
                                    

26 : Goal

"San punta?" tanong ni Tayden nung nakita niya ako habang tinatali ko ang sintas ng sapatos ko.

"Sa puso mo," sagot ko.

"Di ako kasya," matabang na sagot ni Tayden bago ako nilagpasan.

"Tayden! San ka punta? Sama ako!" pasigaw na tanong ni Sandrex bago hinabol si Tayden.

"Sa puso mo," walang kwentang sagot ni Tayden.

"Gago, paano ka makakapasok sa puso ko," tanong ni Sandrex bago inakbayan si

"Gaya-gaya," nakangising saad ko habang nakatingin kay Tayden.

"Ayokong isama ang kumag na yan," nakangiwing saad ni Tayden.

"Edi don't, kay Kylie nalang ako sasama," agad na inalis ni Sandrex ang pagkakaakbay kay Tayden bago ako inakbayan.

"Gege, para may taga-bitbit ako," saad ko bago inakbayan din si Sandrex kaso sa tangkad niya, para akong tanga na inaakbayan siya.

"Huwag mo ng subukan, magmumukha ka lang tanga," biglang saad ni Aeron na dumaan sa likuran namin ni Sandrex.

"Anong diko susubukan?" magkasalubong ang kilay ko noong humarap ako kay Aeron.

"Akbayan ako," sagot ni Sandrex sa tabi ko kaya napangiwi ako bago inalis ang pagkakaakbay niya sa akin at lumapit kay Tayden.

"Ikaw nalang isasama ko," kumapit ako sa braso ni Tayden na blanko lang ang ekspresyon.

"May bibilhin kayo? Bili niyo ko nung---" agad na binuksan ni Tayden ang pinto bago ako hinila palabas. Kaya hindi na namin narinig ang gustong ipabili ni Ythan.

"Wait! yung credit card---"

"Dala ko yung aken," nagkibit-balikat na lang ako bago kami nagsimulang maglakad ni Tayden.

"Just so you know, I'll buy some merchandise of my idol," saad ko.

"Sino?"

"Markhus," sagot ko bago napangiti. Damn, nakaka-miss bigkasin ang pangalan niya.

"Markhus babes," saad ko ulit bago humagikhik.

"Sana ayos ka lang, bilhan na ba kita ng gamot?" sinamaan ko ng tingin si Tayden.

"San punta niyo? Sama ako," biglang tanong ni Sebastian na mukhang galing sa may tindahan.

"San ka galing?"

"Nagpa-load lang, san kayo punta?" tanong ni Sebastian.

"May bibilhin etong si Kylie, kailangan ng taga-bibit,"

"Ge sama ako, nagsasawa na ko sa mukha nung mga gago dun sa loob,"

"Okay," saad ko bago kumapit sa isang braso ni Sebastian. Bale nasa gitna ako ni Tayden at Sebastian at nakakapit ako sa braso nila.

"Ano bibilhin mo?" tanong ni Sebastian.

"Merchandise ni Markhus," sagot ko bago impit na tumili.

"Yung bagong singer?" tanong niya.

"Oo, yung kaka-debut lang yata last month," saad ni Tayden.

"Fan ka na agad nun?"

"Kaklase ko yun dati," naging jowa ko pa nga eh.

"Ah kaya pala," saad ni Tayden.

"San tayo?" tanong ni Sebastian.

"Mall," sagot ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mall, syempre may mga nakakilala sa aming tatlo.

"Hala! Si Chiller!"

"SilentWrath!"

"SalvageBruise my loves!"

"Saan ka bibili ng mga merch nung lalaking yun?" tanong ni Sebastian habang nakatingin sa mga nakakakilala sa amin.

"Diko knows, magtanong lang ako," tinanggal ko ang pagkakakapit ko sa mga braso nila bago lumapit sa dalawang babae.

"Alam niyo saan may nagbebenta ng merchandise nung bagong singer?"

"Si Markhus po?" tumango ako.

"Wala pa pong nalalabas na official merch kase kaka-debut lang ni Markhus sa industriya," sagot ng babae habang nagkakamot ng likod ng ulo niya.

"Ah ganun ba," saad ko bago ngumuso.

"Pero may nakuha kaming photocard ni Markhus! Sa inyo nalang po!" biglang lumiwanag ang mukha ko nung pinakita ng isang babae ang photocard, sa photocard na iyon nakatingin ng seryoso si Markhus sa kamera habang nakasabit sa likod niya ang gitara.

"Idol niyo po pala si Markhus, Chiller," saad ng babae bago ko kinuha sa kanya ang photocard.

Sabi niya, sa akin nalang daw edi kunin ko na. Hihihi.

"Thank you!" nginitian ko ang dalawang babae bago lumapit kila Sebastian.

"Ang cute niya dito noh?" pinakita ko sa kanila ang photocard ko.

"Mas cute ako," saad ni Tayden bago umirap.

"Ano nang bibitbitin namin? Iyan?" tanong ni Sebastian bago tinuro ang photocard na nasa kamay ko.

"Ako nalang bitbitin niyo," agad na umiwas ang dalawang kumag bago nagsimulang maglakad palayo sakin.

"Hoy! Hintayin niyo ako!"

"Vergel?" napatingin sa akin si Vergel matapos kong tawagin ang pangalan niya.

"Uy! Kylie!"

"Pa-picture---" agad ko siyang binatukan kaya napangiwi sa sakit si Vergel.

"Gago! Baka may makakilala sakin," nginitian ko si Vergel.

"Ky, tara na," tawag ni Sebastian kaya napatingin ako kay Vergel.

"Bye, Ver!" kinawayan ko si Vergel bago tumabi kay Sebastian at pinuntahan si Tayden.

"Kain nalang tayo," saad ni Tayden kaya pumunta kami sa isang restaurant na eat all you can.

"Wow, kumpleto na naman tayo," saad ni Jerick habang nakaupo sa sofa.

"Pinatawag tayo ni coach eh," saad naman ni Aeron. Biglang dumating si coach kaya napaayos ako ng upo.

"Announcement! Sinabi na ang labing isang teams na makakasali sa Worlds Championship," saad ni coach nung makita niyang kumpleto na kaming mga Team Target.

"At kasali tayo," napapalakpak ako.

"Ipanalo natin ito!" saad ni Aeron.

"Saan gaganapin, coach?" tanong ni Ythan.

"New York," nanlaki ang mata ko.

"Wow! New York! Pangarap mo makapunta doon diba Sandrex?" saad ko bago ngumusi kay Sandrex.

"In New York~" kanta ni Jerick.

"Kailan punta doon, coach?" tanong ni Sebastian.

"Next week," sagot ni coach bago pinag-krus ang mga braso niya.

"Rinig kong madaming malalakas ang makakalaban natin, kung nakaraang taon hindi tayo nanalo baka ngayon manalo tayo," napatango kami ng mga kasama ko.

"So Team Target, we'll conquer the World Championship, with our power," napangisi ako bago tumingin sa mga kasama ko na nakangisi din.

"I know it's not easy to win but it's just simple, we just need to win," saad ni Ythan.

"Kailangan lang natin manalo ganun lang kasimple, so tatanungin ko kayo. Kaya niyo ba? Kase ako kaya ko," ngumisi si Ythan bago kami tiningnan.

We only had one goal.

And that goal, is to win.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now