11 : With him
"Oy! Tara date tayo,"
"Ay tangina! Sinong niyaya mo? Ako?" napangiwi ako nung ibang tao ang nagbukas ng pinto ng cabin nila Markhus.
"Gagong Vergel, tabi. Ako tinatanong niyan,"
"Markhus babes!" lumiwanag ang mukha ko nung makita ko si Markhus na naka tshirt na kulay itim at nakasuot ng swim trunks. His hair is messy and styled slicked back making him more attractive to my eyes!
"Wow, bebe time," saad nung kaibigan ni Markhus na si Vergel.
Nakita ko na dati ang lalaking ito eh, binigyan ko pa nga siya ng jelly beans noon.
"Gwapo mo kuya, hiramin ko muna si Markhus," agad kong kinuha ang pala-pulsuhan ni Markhus at hinila siya palabas ng cabin nila.
"Alam kong gwapo ako, hindi mo na kailangang sabihin," saad ni Vergel bago sinara ang pinto ng cabin nila. Kaya ngayon kaming dalawa nalang ni Markhus ang naiwan sa labas.
"Ginagawa mo dito?" tanong ni Markhus habang magkasalubong ang kilay niya.
"Sinusundo ka," sagot ko bago sinuot ang pink lens aviator sunglasses ko.
"Para saan na naman?"
"Jet ski tayo, ikaw magpaandar," ngumisi ako bago siya kinindatan.
"Weh? Merong jet ski?" napansin kong lumiwanag ang mukha niya kaya napangiti ako bago sinagot ang tanong niya.
"Nilibot namin ni Riza yung buong resort, tapos may rentahan ng jet ski kaya naisipan ko na i-try iyon kaso takot akong sumakay mag---"
"Oo na, wag ka ng madaldal. Dalhin mo na ako sa jet ski na yan para matapon na kita sa gitna ng dagat," blankong ekspresyon ang ibinigay ko kay Markhus kaya bahagya siyang umiling bago hinawakan ang pala-pulsuhan ko.
"Let's go," napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa pala-pulsuhan ko. Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Diba nararamdaman din yung pulso ko sa pala-pulsuhan ko?!
"Kaliwa o kanan?" tanong niya nung nasa may tabing dagat na kami.
"Sa puso mo---" napanguso ako nung nilingon ako ni Markhus gamit ang matatalim na tingin niya.
"Kanan po, hehe," para akong tuta na nakasunod lang sa kanya habang naglalakad kami.
Gusto kong sa tabi niya ako maglakad pero mas magandang nakasunod lang ako sa kanya habang hawak-hawak niya ang pala-pulsuhan ko. Baka kase makita niya yung matatalim kong tingin sa mga babaeng napapatingin sa kanya.
"Bakit kase ang gwapo mo?!" bulalas ko dahil sa inis. Ang dami kasing tumitingin sa kanya kahit alam nilang kasama niya ako!
"Ask my mom and dad,"
"Tanungin ko sila mama? Sige, hehe," napailing nalang si Markhus habang nakangisi ako.
"Pakasal na kase tayo," pangungulit ko sa kanya, pero hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa paglalakad. Hindi niya din pinapansin ang mga tingin sa kanya ng mga babae.
"Ayun! Doon!" agad kong tinuro sa kanya ang rentahan ng mga jet ski. Agad kaming lumapit doon at nagrenta ng isang jet ski. Aangkas lang ako kay Markhus.
"Hawak ka ng mahigpit baka mahulog ka," saad ni Markhus habang inaayos ko ang upo ko sa jet ski. Nakasakay na kami at nakasuot na din ng life vest.
"Ayos lang, hilahin din kita para mahulog ka din," sagot ko bago siya niyakap mula sa likuran.
"Baka hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo sakin," saad ni Markhus. Napairap ako bago sinandal ang pisngi ko sa likod niya.
"Bango mo," bulalas ko pero hindi siya umimik. Nahagip ng paningin ko ang mga babaeng kaklase namin ni Markhus na nakatingin sa amin.
"Mukhang may bagong pag-chi-chismisan ang mga kaklase natin ha," natatawang saad ko habang pinapaandar na ni Markhus ang jet ski.
"Ready ka na?" tanong ni Markhus.
"Wait, ayusin ko lang buhok--- ay taena!" agad akong yumakap ulit kay Markhus nung bigla niyang pinaandar ang jet ski. Narinig ko ang malalakas niyang halakhak habang unti-unti kaming lumalayo sa pinanggalingan namin.
"Ikaw! Kainis ka!" hinampas ko ang braso ni Markhus kaya agad niyang niliko ang jet ski at napakapit tuloy ako sa braso niya.
"Sabing hawak ng mahigpit, baka mahulog," saad ni Markhus.
"Diminyo ka talaga," nanggigigil kong saad. Pinagsisisihan ko na siya ang sinama ko para mag-jet ski.
"Gusto mo medyo lumayo tayo?" tanong niya kaya umiling ako.
"Okay, lalayo tayo," saad niya at ramdam ko na nakangisi siya ng nakakaloko habang sinasabi iyon sa akin.
"Tae ka talaga! Kababa natin dito sasakalin kita!" sigaw ko sa kanya.
"Didn't know you're that type, Kylie," saad niya.
"Liliko tayo, hawak ka," kagaya ng sinabi ni Markhus niliko niya ang jet ski.
"Isa pa nga," saad ko. Medyo nawala na ang takot ko kaya na-e-enjoy ko na.
"Hawak," saad niya bago niliko ang jet ski, may tubig na tumama pa sa amin kaya natawa ako.
"Isa pa nga, gawa kang tsunami," saad ko sa kanya, bahagya naman siyang natawa.
"Is that even possible?" tanong niya bago tumawa.
Matapos ng halos tatlumpung minuto na pagsakay sa jet ski. Bumaba na kami ni Markhus.
"Bili lang akong tubig," tumango si Markhus bago tinanggal ang vest niya at umupo sa isang lounge chair.
Agad akong pumunta sa isang tindahan at bumili ng dalawang bote ng tubig.
"Hi miss," agad na nagsalubong ang kilay nung may dalawang lalaki ang humarang sa harapan ko.
"What do you want?" tanong ko sa kanila.
Hinihintay na ako ni Markhus!
"Your time," napangiwi ako bago umiling.
"Sorry, but I can't," saad ko, kung hindi lang ako hinihintay ni Markhus baka kanina ko pa tinarayan ang mga ito.
"Bakit naman?" nanlaki ang mata ko nung unti-unti silang lumalapit sa akin.
"Mukhang mag-isa kalang, samahan ka na namin,"
"Can you just leave me alone?" naiinis na tanong ko sa kanila.
Gusto kong hampas etong mga bote ng tubig na dala ko sa kanila kaso ibibigay ko ito kay Markhus eh.
"Tabi! Hinihintay na ako---"
"Pa hard to get," lalagpasan ko na sana sila kaso humarang ulit ang isa sa kanila.
"Sama ka na kasi sa amin," hinawakan ng lalaki ang pala-pulsuhan ko.
"Ayaw ko nga!" hinila ko pabalik sakin ang pala-pulsuhan ko. Kulit din neto ha!
"Pre, ayaw oh. Makulit den," saad nung lalaki sa kasama niya bago ngumisi. Kayo kaya ang makulit!
"Huwag niyo akong hahawakan---"
"Sayang ka, ganda mo pa naman. Wala ka namang kasama kaya sama ka na samin---"
"Wrong," agad akong napalingon sa taong nagsalita.
"M-Markhus!"
"Get your hands off," seryosong utos ni Markhus sa lalaking humawak ulit sa pala-pulsuhan ko.
Agad na binitawan ng lalaki ang pala-pulsuhan ko bago hinarap si Markhus.
"Just stay behind me," saad ni Markhus bago ako itinago sa likod niya habang nakaharap pa din sa dalawang lalaki na nangungulit sa akin.
I don't usually feel this when I'm around with other boys.
But with him, I feel safe.
YOU ARE READING
Touch Your Heart (CRS #6)
Teen FictionCollege Romance Series #6 Kylie Samaniego, a girl who doesn't like to get serious. She's not used to being serious when it comes to things, especially to boys. But when she meet Mark Valeria, the guy who got her heart. She finally realized that it's...