10 : Really strange
"Girl, punta lang akong banyo," paalam ko kay Riza pagkabalik ko sa lamesa namin.
"Kung kelan si Mark na yung kakanta?" nakangiwing tanong ni Riza kaya nagkibit balikat ako, naiihi na talaga ako eh.
"Dalian ko nalang," tumango si Riza kaya tumayo na ako bago tinanong sa waiter kung saan ang banyo nila.
Pagkatapos kong magbanyo, babalik na sana ako sa restaurant kung nasaan si Riza kaso nakita ko si Anna na nakamasid sa dagat habang may kasama siyang dalawang babae na taga-ibang section yata.
"Nabigay mo na diba?" rinig kong tanong ng isang babae sa kanya. Parang kawali tuloy ang tenga ko nung mabagal akong dumaan sa likuran nila.
"Oo, may nag-akala pa nga na invitation card yun," tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako tumawa. Kilala ko kung sino ang nag-akala na invitation card ang binigay niya kay Markhus. It's me. Lmao.
Sabi na nga ba eh, it's a love letter. Girl, hindi na uso love letter.
"Diba sabi mo dun, na ngayon mo na malalaman kung payag ba si Mark?" mas lalong lumaki ang tenga ko nung marinig ko na si Markhus.
"Oo, mamaya. Kapag tapos na siyang kumain kasama sila Vergel," kumunot ang noo ko.
"Yieee! Finally magiging kayo na," rinig kong sabi nung isa pang kasama niya kaya napangiwi ako. Kainis, makaalis na nga.
"Sorry for making you guys wait, I'll start now," saad ni Markhus kaya agad akong umupo sa upuan ko bago hinarap si Riza.
"Buti nalang hindi pa tapos si Markhus babes kumanta, nakipagchismisan pa ang ate niyo eh," saad ko kay Riza bago uminom ng pineapple juice.
"Anong hindi pa tapos? Gaga, hindi pa nga nagsisimula,"
"Weh? Swerte ko naman," saad ko bago humarap sa mini stage para panoorin si Markhus.
Nagulat ako nung biglang nagtama ang mga mata namin ni Markhus bago ako nag-iwas ng tingin.
"Sabi mo gusto mo na kantahan kita, kaya eto na gagawin ko na. Kung sino ka man, kilala mo na ang sarili mo," nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Markhus bago siya nagsimulang mag-strum.
Gamit niya ang gitara na binigay ko sa kanya at kitang kita pa ang pirma ko doon sa gitara.
Atsaka sino ang tinutukoy ni Markhus? Don't tell me si Anna yun?!
Binibini, alam mo ba kung paano nahulog sayo?
Naramdaman lang bigla ang puso
Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sa akin
Ang tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba akoIsayaw mo ako,
Sa gitna ng ulan mahal ko
Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo
Alam kong mahal mo na rin ako"Puta, ang ganda ng boses bhie," wala sa sariling bulalas ko.
"Gaga, kalma ka lang," natatawang saad ni Riza.
Kung si Anna niyaya si Markhus na maging sila, ako naman yayayain ko si Markhus na pakasalan ako. Hihi.
Pagkatapos kumanta ni Markhus agad akong tumayo para palakpakan siya. Kung magiging singer ang lalaking ito, sigurado akong magiging sikat na sikat siya. Ang galing na ngang kumanta, ang gwapo pa.
If that happens, then I'll be his number one fan!
"That's Mark for you all, ang swerte naman ng kinantahan niya. Kung sino ka man, isayaw mo na siya sa ulan," agad na bumaba si Markhus sa mini stage at dumiretso sa mga kaibigan niya.
Katapos niyang kumain hindi ako sigurado kung pupuntahan niya si Anna para sagutin ang tanong ni Anna sa kanya.
"Sa last day nalang tayo uminom, niyaya tayo kanina nung isa nating kaklase nung nasa banyo ka, nag-iinuman daw sila ngayon pero sabi ko sa last day nalang tayo sasama, pumayag naman sila," saad ni Riza nung inayos ko na ang upuan ko paharap sa kanya.
"Bukas ligo tayo sa dagat," sambit ko kay Riza bago namin naisipan na i-video call si Denise.
[Anong kailangan niyo?]
"Ikaw, yieee," sagot ko sa tanong ni Denise pagkasagot niya sa tawag ko.
[Riza, sapakin mo nga siya para sa akin, thanks,]
"Ay wow grabe ka naman---Aray!"
"You're welcome," nakangising saad ni Riza kay Denise kaya napanguso ako.
Kinamusta namin si Denise at tinanong kung ayos lang si lola. Masaya ako dahil bumubuti na ang kalagayan ni lola at mukhang makakabalik na ulit si Denise sa Roundell.
Mula sa peripheral view ko, nakita ko si Markhus na tumayo sa kinauupuan niya habang bitbit ang gitara niya. Tapos na yata siyang kumain.
"Beh, mag-banyo lang ako," paalam ko kay Riza bago binigay sa kanya ang phone ko para magkausap pa din sila ni Denise.
"Markhus babes!" hinabol ko si Markhus na naglalakad na palayo. Papunta na siguro sa tabing dagat.
Huminto siya bago humarap sa akin kaya napangiti ako bago tumigil sa harapan niya.
"Markhus, I have question for yah,"
"What?"
"Ako ba yung kinantahan mo kanina?"
"Paano mo nasabi?" tanong niya pabalik sa akin kaya napanguso ako.
"Ako lang naman yung taong nagsabi sayo na kantahan mo ako, tapos hindi mo ako nakantahan kase umepal si Anna para ibigay sayo ang love letter niya,"
"Paano mo nalaman na love letter yun?"
"Secret," nagsalubong ang kilay niya kaya natawa ako bago ngumisi ng nakakaloko.
"Tapos may tanong doon na sasagutin mo sana ngayon kaso nilapitan kita," napatanga si Markhus kaya natawa ako.
"Kung si Anna iyon ang tanong sayo, ako eto naman ang tanong ko sayo," ngumisi ako bago hinila pababa ang batok niya at nilapit ang mukha ko sa kanya.
Isang dangkal na lang tuloy ang layo ng mukha namin.
"Will you marry me?" nanlaki ang mata ko nung tinitigan ako ni Markhus, na para bang binabasa niya ako ng maigi.
Dahil sa gulat ko, nawala ang pagkakahawak ko sa batok niya kaya napatayo na siya ng maayos.
"A-Anong sagot mo?" tanong ko sa kanya bago ngumisi.
"Ask that question again after years, maybe I can answer it," parang bigla akong nakaramdam ng kiliti sa tiyan ko nung ngumiti si Markhus sa akin.
"Talaga? Pero paano kung hindi na tayo magkita nun?" tanong ko dahil kung makita ko ulit siya pagkalipas ng ilang taon tatanungin ko ulit iyon sa kanya.
Tiningnan niya lang ako bago niya ako tinalikuran. Napahawak ako sa dibdib ko, what's happening to me these days is really strange. Ngayon ko lang naramdaman ito.
YOU ARE READING
Touch Your Heart (CRS #6)
Teen FictionCollege Romance Series #6 Kylie Samaniego, a girl who doesn't like to get serious. She's not used to being serious when it comes to things, especially to boys. But when she meet Mark Valeria, the guy who got her heart. She finally realized that it's...