19 : Tournament
"Finally, kumpleto na tayong pupunta sa isang tournament," saad ni Sandrex bago humikab.
"Nag toothbrush ka na ba?" tanong ko sa kanya habang sinusuot ang jacket namin.
"Syempre," sagot niya bago ako inirapan.
"Pupunta ba ako doon ng naka-mask o kapag tayo na ang lalaban doon ko tatanggalin?" tanong ko sa mga kasama ko na nakakalat lang sa may sala.
"Kapag lalaban na tayo dun mo tanggalin, yung kapag susuotin mo na yung headset," suggest ni Sebastian.
Kagaya ko, magaling din mag-isip ng strategies etong si Sebastian.
"Huwag na kayong magtaka kung madaming pupunta," saad ni Ythan habang inaayos ang sumbrerong suot niya.
"Parang mapapasayaw ako sa sobrang excitement," saad ni Aeron bago nag-stretching na parang tanga.
"Ayos na ba mukha ko? Like magugulat sila sa kagandahan ko kapag nakita nila ako?" tiningnan ako ng mga kasama ko at alam kong pare-parehas lang sila ng iniisip.
"Ayos lang, mukha ka pa ding unggoy," halos sabay-sabay nilang sabi sa akin kaya napangiwi ako.
"Huwag kayong sasama sa akin na kumain sa Mang Inasal karating natin doon sa tournament---"
"Wala ng mas gaganda kay Kylie, diba Ythan?" napairap ako kay Sandrex.
"Ikaw ang pinakamagandang unggoy," sinamaan ko ng tingin si Tayden.
"Anyways manonood ulit ang mga kuya ko," paalala ko sa kanila.
"Malakas din mang-cheer yung mga yun," saad ni Ythan bago ngumiti.
"Lakas din mang-hakot ng mga supporters," patuloy naman ni Jerick.
"Tara na," saad ni coach pagkapasok niya sa sala.
"Wow! Sosyal! Bus pala gamit niyo," saad ko sa kanila habang paakyat ako ng bus.
"First time?" panunuya ni Sandrex.
"Ang luwang,"
"Natural, bus eh," panunuya ulit ni Sandrex.
"Pakihulog nga sa tulay etong gagong to," inirapan ko si Sandrex bago humanap ng upuan. Hiwa-hiwalay kami ng upuan dahil ayaw naming makatabi ang isa't-isa.
"Saan tayo ilalaban? Sa mall?" tanong ko sa kanila nung umandar na ang bus.
"Hindi, sa isang Arena tayo,"
"Weh? Hindi na kayo sumasali sa mga tournament na sa mall nagaganap?" tanong ko sa kanila.
"Tapos na tayo sa level na iyon," saad ni Ythan.
"Ang daya, hindi ko naranasan yun," napabusangot ako.
"Sinasabi ko sayo, mahirap kapag sa mall ang tournament tapos madami pang tao," saad ni Aeron.
"Nasubsob pa nga si Sandrex noon habang papasok kami sa mall,"
"Nakakahiya!" natatawang saad ni Sebastian.
"Buti nalang hindi niyo ako kasama," saad ko sabay tawa.
"May Mang Inasal dun coach?"
"Meron,"
"Nice," saad ko bago tumingin sa labas ng bintana. Ngayon na ang araw ng tournament, hindi ko alam kung pupunta ba ang isang tao na gusto kong pumunta.
Bago kami makapunta sa Arena, kumain muna kami sa Mang Inasal, kagaya ng inaasahan namin may mga fans doon na kumakain.
"Hala! Totoo ngang kasama nila si Chiller!" rinig kong saad ng isang babae sa mga kasama niyang mga babae.
"Ang ga-gwapo!"
"Ay wow, gwapo daw ako," panunuya ko sa mga kasama ko habang umuupo kami.
Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming bumalik sa bus namin dahil ang dami ng lumalapit sa amin. Pagkahinto ng bus namin sa tabi ng ibang mga bus ng ibang team, hindi muna kami agad bumaba.
"Paligiran natin mamaya si Kylie para hindi siya masaktan lalo na't ito ang pinakaunang tournament niya," saad ni Ythan habang nakatayo.
"Tara na," agad na tumayo sila Aeron, ako ang pinakahuling bumaba at kagaya ng napag-usapan, wala pa kami sa entrance pero nakapaligid na sila sa akin.
"Suotin mo muna to," sinuot ni Ythan sa akin ang sumbrero niya bago ko narinig ang mga sigawan ng mga tao.
"Chiller!"
"She's here!"
"Hala beh! Si Chiller!"
"Ack!! Team Target!"
"Keep your head low," bulong ni Tayden sa akin habang naglalakad na kami papasok ng Arena habang naghihintay naman ang mga fans.
Matapos ang pangyayaring iyon, nakapasok na din kami ng Arena.
"Madami bang gwapong players dito?" tanong ko sa mga kasama ko habang nakaupo na kami.
"Sumbong kita sa mga kuya mo, kita ko na sila sa front seat," saad ni Sebastian kaya napatingin ako sa pwesto kung nasaan sila kuya. At nakita ko nga sila na nakatutok sa mga phones nila.
Sa likod nila nahagip ng mata ko si Vergel kasama si Daniel at Renzo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil naramdaman kong nakatingin na siya sa akin habang nasa tabi ni Vergel.
"Mga babes, mag-banyo lang ako,"
"Samahan na kita," napangiwi ako kay Sebastian bago umiling.
"Punta nalang muna tayo sa likod ng stage tapos doon mo ko hinatayin," tumango si Sebastian bago kami pumunta sa backstage.
"Hubarin ko muna," hinubad ko ang jacket ko pati ang mask ko bago naglakad pakayo para puntahan si Markhus.
"Uy! Kylie! Andito ka din pala!" saad ni Vergel nung nakita nila akong lumapit kay Markhus.
"Dito ka na sa tabi namin," yaya ni Daniel.
"Uhm kasama ko mga kuya ko and I'll just want to borrow Markhus for a minute," saad ko bago hinila si Markhus. Nagpahila naman siya bago ko siya dinala sa backstage.
"Sikat ka na pala," saad niya kaya napangiti ako.
"Hindi naman, pero kapag nakapunta na kami sa Worlds baka lalo pa kaming sumikat," hindi siya umimik at nakatingin lang sa akin. Naistorbo ko yata.
"S-Sorry kung dinala kita dito, gusto ko lang naman patunayan na ako nga si Chiller," saad ko sa kanya bago nag-iwas ng tingin.
Nabalot kami ng katahimikan bago niya iyon pinutol.
"This is the start of your journey," saad niya bago hinawakan ang mga pisngi ko.
"I'll support you," pagpapatuloy niya habang nakatingin lang ako sa kanya. I can feel my heart beats faster.
"I know it'll be hard but I know you can do it," ramdam ko ang unti-unting pangingilid ng luha ko. This is the first time someone said this precious words to me.
And the man in front of me is the one who said that. Damn, hinding-hindi ko na to papakawalan.
"So baby, good luck. I'll be your number one fan too," kasabay nun ay hinalikan niya ako sa noo. Napapikit ako nung maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.
"Mahal kita," he said and all I know is that, I felt all the greatest feelings in this world.
YOU ARE READING
Touch Your Heart (CRS #6)
JugendliteraturCollege Romance Series #6 Kylie Samaniego, a girl who doesn't like to get serious. She's not used to being serious when it comes to things, especially to boys. But when she meet Mark Valeria, the guy who got her heart. She finally realized that it's...