Chapter 37: Truth Reveals

863 36 0
                                    

AN: 𝐀𝐧𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐜𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮! 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------

Chapter 37
Truth Reveals

Gwen's pov

Naalimpungatan ako ng makarinig ng lagaslas ng tubig. Babangon na sana ako ng mapansin ko si code na, mahimbing na natutulog sa tabi ko. Kumunot bigla ang noo ko. Aba't maduga talaga! Sabi ko sa lapag s'ya matulog.






Iwinaksi ko na lamang ang senaryong ito na naman ngayon. Dahan-dahan kong tinanggal ang nakapulupot n'yang braso sa bewang ko. Dahan-dahan, baka kasi magising s'ya bigla. Malakas pa naman pandamdam ng lalaking 'to.







Napabuga ako ng hangin. Busit! napasandal ako sa headboard ng kama. Ang bigat ng kamay hayop! nahihirapan akong tanggalin.








Bumuga ako ulit ng hangin kapagkuwan ay dahan-dahan ulit na tinanggal ang braso niyang nakayakap parin sa beywang ko. Maingat kong inilapag sa gilid ang kamay niya tsaka ako tuluyan ng bumangon sa kama.










Balak ko sanang lumabas ng kuwarto. Medyo nagugutom narin ako. I remember, wala pala ako nakakain kagabi kaya pala nagwawala na ang mga dragon ko sa tiyan kainis! muli kong nilingon si code over my shoulder. Tulog mantika parin, mukhang pagod na pagod s'ya ngayon kaya hindi man lang nagising tsk.
















So, 'yon nga at pipihitin ko na sana ang seradura ng pinto ng mapahinto ako. Lumikot ang mata ko kapagkuwana ay huminto ito sa connecting bathroom ng kuwarto ni code. Guni-guni ko lang ba 'yon o may kumakanta talaga?








Dahil sa kuryusidad ay lumapit ako sa nakasarang bathroom. Nakakunot ang noong idinikit ko ang tenga sa nakasarang pinto.






Lalalala~ mahal kita pero...

Lalalala~ mahal kita pero...

hmmm...





Agad akong napakagat ng labi. Pinigilan ko ang sariling hindi mapahagalpak ng tawa. Guess who? kumakanta si damzon sa loob ng banyo. Mukhang dito na naman s'ya naligo dahil baka tinanggalan na naman s'ya ng tubig ng sino pa ba? mga abnoramal n'yang kaibigan! mukhang napagtripan na naman s'ya.







Pakanta-kanta pa ang abnormal akala mo naman kung sinong singer. Pinilit pang kinulot-kulot ng gago ang boses n'ya pero boses palaka parin! lakas ng loob mag concert. Maya-maya lang ay narinig ko ng pinatay na n'ya ang shower. Napangisi ako.

Its payback time baby.










Humahagikgik akong lumabas ng kuwarto. Kanina pa sigaw ng sigaw si damzon, pinag-susuntok na n'ya ang pinto ng banyo kasi hindi n'ya mabuksan. HAHAHAHAHA sana pala nakikita ko ang mukha ng gagong 'yon! yan ang napapala! panay asar kayo sa'kin hah. Ngayon, matitikman ninyo ang batas ng aking paghihiganti BWAHAHAHAHAHA  Laughtrip ang hayop!





"Fvck uno! tyson! I will fvcking kill you! open this goddamn door!"








Panay hagikgik lang ako hanggang sa maisara ko na ang pinto ng silid. Nilockan ko ang gago sa loob ng banyo and knowing code, hahayaan n'ya lang 'yang siraulo n'yang kaibigan sa loob you know, we are devil 'yan ang isa sa mga pagkakapareho namin. Hilig ko mantrip tapos s'ya, walang paki.













Inferno High: School Of Gangsters✓COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon