Chapter 47: The Join Forces

651 26 2
                                    

AN: Another chapter for you guys! Happy reading.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------

Chapter 47
The Join Forces

Gwen's pov

Pasado alas otso na ng umaga ng maalimpungatan ako. Para kasing may marching band sa labas, may sumisigaw parang 'yung sa mga military o baka naman nananaginip lang ako?


"A-aray..." Napaigik ako ng maramdaman ang bigat ng kamay ko sa pisngi ko. Sakit ang hayop! This is reality nga, hindi ako nananaginip.





Marahas akong bumuga ng hangin kapagkuwan ay inaantok paring kinusot-kusot ang mata. I yawned at ilang minuto ring nag-unat muna bago tuluyang dumiretso sa banyo to do my morning rituals.





Mga trenta minutos din akong namalagi pa sa loob ng silid. Naligo, nagbihis before heading out. Pakanta-kanta pa akong naglakad pababa ng hagdan. Hindi naman halatang good mood ako no? Kagabi kasi, pagkatapos mag ala akyat-bahay gang ni code sa kuwarto ko at iyon nga, hanggang sa napunta kami sa walk in closet. Grabe pang banas ko kasi tinulugan ako ng hangal pero hindi ko naman namalayang nakatulog narin pala ako don kasama s'ya. Iyon nga lang pagkagising ko mga alas tres siguro ng madaling araw ay nakadeposito na ako sa kama. Alangan naman diba naglakad ako mag-isa? Syempre naman binuhat n'ya ko. Napahagikgik ako ng bahagya. Para kasing kinikilig ako oh damn! That was embarrassing akala ko talaga nananaginip lang ako na hinalikan niya ako sa noo pero hindi pala oh shocks! Nababaliw na ako.





Napapangiti parin ako hanggang sa makababa ng hagdan but then, the moment i saw the commotion downstairs ay kusang napawi ang ngiti sa labi ko ng madatnang nagtatakbuhan at tila natataranta ang mga butlers. Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari?


"Anong nangyayari?" Iyon agad ang bungad ko sa kanila.



Tila nasa freezing time naman bigla ang eksena ng mapahinto sa paghy-hysterical ang lahat. Nakita kong biglang napaayos ng tayo ang maids sa gilid. Napahilera pa ng makita akong dumating.




"Ano ngang nangyayari?" Medyo irritable ng tanong ko sa kanila. Tiningnan ko sila isa't isa pero lahat sila napaiwas ng tingin. Ano bang nangyayari? Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay walang kaalam-alam sa nangyayari!










Nasa ganoon akong kalagayan ng biglang pumasok sa sala si lolo. Wearing his usual attire. Ang mas pinagtataka ko lang ay kung bakit mukha siyang balisa ng balingan niya ako ng tingin. Nasan na iyong emotionless ko na lolo? Hindi ko alam kung bakit biglang dumagundong ang puso ko ng mamataang pumasok kasunod niya ang grupo ni shawn at kuya peirce. Lahat sila mukhang problemado.







"Sa office tayo, apo."

Agad akong napalingon kay lolo ng banggitin niya iyon. I sighed. Massaging my temples kapagkuwan ay sumunod na sa kanila papaakyat. I really don't know what's going on pero base sa kinikilos at reaksyon nilang lahat ay mukha ngang may malaking problema.

******

Pinanood ko lang si lolo na umupo sa swivel chair niya. Nandito kami ngayon sa opisina ni mama. Speaking of mama, kagabi ko pa s'ya hindi nakikita tapos ngayon, hindi rin niya kasama si lolo. I just shooked the thoughts in my mind. You are just being paranoid again gwen, stop that




Nakaupo ako sa visitor's chair sa harap ni lolo. Nasa kabilang sofa sina shawn. They looked serious and intimidating. Medyo humaba narin ang buhok ni Shawn tapos kapuwa sila vyl, kyxon at trevor mahaba naman ang balbas parang isang taong nawala ah, mas lumaki narin ang katawan nila kumpara dati siguro subsob din sa training.




Inferno High: School Of Gangsters✓COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon