AN: 𝐀𝐧𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐜𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝐟𝐨𝐫 𝐲𝐨𝐮, 𝐞𝐧𝐣𝐨𝐲 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------Chapter 42
Guns And BulletsThird person pov
Namayani ang mahabang katahimikan sa kabuuan ng malawak na bermuda lawn sa mansyon ng mga lacsamana. Pigil-pigil ang hininga ng mag-asawa. Nakasalampak pa si carolina, ang ina ni code sa damuhan habang gulantang paring nakatayo mula sa likuran nito si timoteo, ang padre de pamilya.
Mababakas din ang lungkot sa mga mata ni uno habang tinatanaw ang ngayong nakabukas ng tarangkahan sa harap ng mansyon. Hindi niya lubos mabatid na ganoon pala ang magiging kakalabasan ng panlilinlang niyang nagawa sa itinuring niyang pinakamatalik na kaibigan at ngayo'y kapatid. Doon naman sa kabilang dako, mula sa nakabukas na babasaging pinto ay nakatunghay sina paris, france, damzon, tyson, theo at si vaugn. Pare-pareho silang nagulantang rin sa nalaman, nais pa nga nilang tumulong sa pag-awat kay code ngunit hindi na nila ibig pang makialam sa usapang pang-pamilya kaya nama'y nanatili na lamang silang nakikinig sa mainit at tila nagliliyab ng pagtatalo ng pamilya.
"Whooh! hindi ako nakahinga ng very light." mahinang litanya ni paris noong mahimasmasan na't sapo-sapo ang dibdib na, napakapit sa gilid ng pinto upang masuportahan ang sarili na agad namang napansin ni damzon na nasa gilid lang niya kaya naman agarang umagapay si damzon kay paris.
Nagitla naman si paris at gulat na napatingin kay damzon. Hawak nito ngayon ang kaniyang siko at noong magtama ang kanilang paningin ay napalunok na lamang siya. "A-ayos lang ako.." naiilang na sambit ni paris kapagkuwan ay piniglas ang pagkakahawak ng binata sa kaniyang siko. Doon naman biglang napatikhim si france at tyson kaya't agad niya itong pinanlakihan ng mata, agad naman bumungisngis ang dalawa na lalo naman niyang kinainis at napapapadyak na lamang na itinuon ang atensyon sa tarangkahang nilabasan kani-kanilang ni code.
Magpasa-hanggang ngayon ay hindi parin niya lubos maunawaan kung bakit naitago ito ng matagal na panahon sa mismong anak pa nila. Mabuti ang ama't ina ni code, madalas rin itong pumunta sa new york upang kamustahin sila ng kaniyang ama kaya't hindi din niya masisisi ang pinsan na magtanim ng galit sa ama nito dahil maski rin siya ay biglang siniklaban ng apoy pagkatapos malamang nagkaroon ng kerida ito sa ibang babae kung saan ang naging bunga pa si uno na simula't sapul pa lamang ay inakalang matalik lamang na kaibigan ngayon ay, kapatid pala sa ama ni code.
Naroon sila sa ganoong kalagayan ng biglang may nagtatakbuhang kalalakihan papasok ng mansyon. Napatigil ang lahat at agad na naalerto ang mga guwardiyang nakapalibot sa buong mansyon at agad na tinutukan ng baril ang mga estranghero.
"Sino kayo?!" tanong isang maskuladong lalaki sa mga estranghero. Sina paris naman ay panay silip sapagkat natatakpan ang puwesto nila ng malalaking halaman.
"Tulungan n'yo kami, hinahabol kami."
Dahil sa pamilyar na boses na iyon ay sabay na nagkatinginan sina damzon at tyson maski si uno na kanina lamang ay tulala parin ay biglang napaayos ng tindig.
BINABASA MO ANG
Inferno High: School Of Gangsters✓COMPLETED
Teen Fiction"Revenge is lethal, it destroys, manipulate and control you." Sa laro ng buhay, kailangan mong maging wais upang manalo but how can she control the game gayong hindi siya ang nagsimula nito? Because she needs to be the game changer first to lure her...