Chapter 48: The Sacrifice

711 28 0
                                    

AN: Another chapter for you! Happy reading mga mahal.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------

Chapter 48
The Sacrifice

Third person pov

Magdadapit hapon na noong lumapag ang private plane ni Don Romualdez sa isang private property nito sa greece. Imbes na dumiretso sa livion ay napadpad ang senyor sa arvagedon, isa itong training complex para sa lahat ng nais makapasok sa merciless.

Malawak ang lugar, napapalibutan ng mga pine trees ang paligid. Tila isang soccer field ang matatanaw sa tuluyang pagpasok sa mataas na tarangkahan ng lugar. May mga bleachers at upuan palibot habang may napakalawak na bermuda lawn kung saan nakalagay ang napakaraming obstacles na magagamit sa pag-ensayo para sa mga future mercillians, mga magiging miyembro ng merciless.

Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng white house ay awtomatikong bumukas lahat ng ilaw sa hallway. Ang white house ay isa rin sa mga property ni Don Romualdez, nakatirik ito sa loob mismo mg premises ng training complex. Simple lamang ang mansyon, bukod sa pulos puti ang kulay ng mga wall at ceiling ay pulos puti rin ang mga kagamitan sa loob ng mansyon.

"Greetings for the don." His underboss automatically bowed ng makita siya sa harapan ng mansyon.

He just remain his stoic face instead itinukod na niya ang mga paa sa konkretong floor. Pinapasok niya lahat ng butlers sa loob ng mansyon bago kumilos ang kaniyang mga bodyguards na kusang nahati sa dalawang linya bilang pagbibigay daan sa kaniya papasok sa loob ng mansyon.

Nothing special, iyan ang mabubungaran sa tuluyang pagpasok sa loob ng mansyon. Walang kadesi-desinyo ang mga pader at tanging pa-arkong kisame lamang ang tanging kamangha-manghang makikita sa loob. Dalawang palapag ang mansyon. Sa unang palapag ay sala at dining area, sa ikalawa naman ay iilang guest room at ang nag-iisang silid sa dulo kung saan madalas maglagi siya at ang tanging ipinunta niya dito. Ang torture room pangalan pa lamang ay marahil mayroon na agad ideya ang lahat.




White house is not just an ordinary mansion kung saan sa tuwing buryo o kaya't walang mapuntahan ang don ay dito agad ito didiretso. The mansion is exclusively built para sa bawat kalaban at espiya ng merciless. Naisip niyang malayo dapat ang lugar kung saan papahirapan at papatayin ang mga kalaban ay upang hindi makahalata lahat ng kasama sa kaniyang organisasyon. Walang nakakaalam sa white house tanging siya lamang, ang underboss at consigliere ang may alam para bawas narin intriga and he hate attentions from coward media and press. Sa tuwing may nakikita pa namang butas sa grupo niya ay agad ng mga itong binabalandra ang lahat ng tungkol sa kaniya sa buong mundo well, wala namang kaso iyon sa kaniya actually, he can immediately slit their throats if he wants too pero syempre, hindi niya iyon gagawin dahil wala naman iyong kuwenta.


"12 men is delivered to the torture room. The interrogation is on you, Don." Paliwanag ng kaniyang underboss. Tumango siya bilang tugon.

After his breakfast kasama ang kaniyang mga apo ay agad siyang nakatanggap ng tawag mula sa kaniyang underboss. Sinugod ang livion, marami sa kaniyang capo at associates ang namatay at isa pa, ilan sa mga drug laboratory niya sa bansa ang isa-isang pinasabog. Merciless is too precious for him para baliwalain kahit pa naiayos na ng kaniyang underboss ang problema ay hindi parin niyon napipigil ang bumubulusok niyang ilong sa labis na poot and he knows kung sino ang may pakana ng lahat ng ito, si rendred.



Pagkatapak ng kaniyang mga paa sa pangalawang palapag ay agad rin niyang pinaalis ang mga tauhan. Kailangan ng mga itong magbantay sa baba mahirap na at baka mapasok na naman sila ng kalaban.


Inferno High: School Of Gangsters✓COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon