Chapter 46: The War Begins

676 28 2
                                    

AN: Another chapter for you! Enjoy reading.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------

Chapter 46
The War Begins

Third person pov

Delhan Amarillo Alegre, An Italian mafia who ruled and supervised lots of illegal doings outside and inside of the country. He's own built empire was base in Europe after living his family in italy because of some issues.

Isa siya sa mga tinitingala at nais tularang negosyante mapa legal man o illegal. He owns one of the largest company in asia, The MVTC inc. manufacturer ng mga alak all over the world. He also owns an hectares of different seasonal fruits na pangunahing sangkap sa bawat alak that his company  produces ngunit ika nga nila, every good sides has its bad sides too.

Mafia Don Amarillo is very productive in underground society. Madalas din siyang nasa black list ng mga awtoridad dahil sa mga kaso ng sexual exploitation, child trafficking, may mga drug laboratories din siya na malimit matuklasan ng polisya ngunit dahil nga makapangyarihan ay madalas lamang nakakalusot sa batas ang kaniyang organisasyon, ang venom.

Kaya naman nais makausap ni rendred ang senyor dahil alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kaniya. The fact that Mr. Alegre is somehow connected to the current don of merciless, ang grupo ni Romualdez quantum.

Don Alegre and Don Quantum are actually half brothers, from the mother side. Anak ng pangalawang asawa ng ama ni Romualdez si Amarillo at ng mamatay ang ina ni amarillo dahil sa labis na kunsomesiyon dahil ang inuuwian nito ay ang unang pamilya. Dito na nagkaroon ng malaking lamat at naging mitsa upang kamuhian ni amarillo ang kapatid. Magmula ng labing dalawang taong gulang hanggang sa magbinata at ngayong may sari-sarili ng pamilya ay hindi parin tuluyang napapatid ang pagkamuhi ng dalawang magkapatid sa isa't isa. Amarillo ruined Romualdez business a couple of times but Romualdez itself always have  back up plan and still manage to ruined Amarillo too. Pag bumaba ang isa, dapat ding hilain pababa ang isa. Kaya naman sa tuwing may kinakaharap na krisis ang merciless, ganoon rin ang venom.



Lulan ng isang puting mustang si rendred. Pinasok nila ang isang ekslusibong subdibisyon upang tunguin ang nasa sentrong mansyon. Lumiko pa sila ng ilang beses hanggang sa tuluyan ng huminto ang sasakyan sa harap ng malaking tarangkahan.






Bahagyang niluwagan ni rendred ang suot na necktie kapagkuwan ay kinuha sa dashboard ng sasakyan ang isang tabacco. Napangisi siya. Sa pagkakataong ito ay ang tabacco lamang na kasalukuyan niyang hinihit-hit buga ang tanging makakapagpakalma sa kaniya kapag nakaharap na niya ang isa sa mga kinatatakutan at noturious sa loob ng underground society. Malaking tao ang pakikiusapan niya, matalino ito at batid niyang hindi basta-bastang madadala sa mga mabubulaklak na salita si Amarillo dahil kung tuso siya, mas tuso ito.






"Identification, sir." Iyon agad ang bungad ng unipormadong lalaki sa tapat ng gate.





Inilabas naman niya mula sa dalang atache case ang isang maliit na bagay na korteng parisukat. Nakaimprinta dito ang kaniyang pangalan. Isang silver card, nagsisilbing identification ID para mabigyan ng pahintulot sa pagpasok sa mansyon. What's more did he expect to this kind of bussinessman? Of course, kailangang Kalkulado lahat ng mga naglalabas-pasok sa mundo ni amarillo. Mabuti na nga lang kahit na busy itong masyado na tao ay pinaunlakan parin ang kaniyang alok na sandaling pag-uusap.





Pagkatapos ma-scan ang identification ID ay muling pinatakbo mg dahan-dahan ang sasakyan papasok sa mansyon. Bumaybay ang sasakyan sa makitid at konkretong kalsada kung saan rin ay sa magkabilaang gilid ay maayos na nakahilera ang mga palm tree dahilan para masangga ang matinding sikat ng araw.





Inferno High: School Of Gangsters✓COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon