Chapter 24: Revenge Plan

1.1K 68 2
                                    

A/N: Another chapter for you happy reading!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------

Chapter 24
Revenge Plan

Third person pov

Matapos magkuwento ni gwen ng buong pangyayari ay napagdesisyonan ng DS na lumabas muna upang makapagpahinga ng maayos si gwen.








Tahimik na umupo sa sofa at stool ang bawat miyembro ng DS. Si code, na prenteng nakaupo sa stool. Si damzon na, nakahiga sa sofa habang nakaunan naman sa mga binti ni tyson na ganoon rin, malalim ang iniisip maski si uno ay nakikisama din sa mahabang katahimikan.










Pawang isang pelikula ang naganap kay gwen sa isip-isip ni damzon. Sino nga naman ang gagawa ng ganoong krimen sa isang walang kalaban-labang babae at dito pa mismo sa loob pa ng kanilang eskwelahan naganap.













Ang tungkol sa mga nakakakilabot na mensahe ng misteryosong Mr. P, ang mga naka-kulay itim na kalalakihan na sumusunod kay gwen at ang misteryoso ring lalaki na may mga asul na mga mata at si Milky Zaragosa, na sinasabing miyembro ng welcome committee na hindi naman magawang mapatunayan dahil ayon nga kina damzon at uno ay walang records ng pagkakakilanlan ang dalagita dahil wala ito sa listahan at maski sa registration form.




Ito tuloy ang nakabuo ng ano-anong haka-haka sa isipan ng bawat binata, sa loob ng quarters na okupado nila kasama ang isang dalagitang kanina lamang ay kamuntikan ng mamatay.

Nabasag ang katahimikan ng sabay-sabay na bumuntong hininga ang apat. Pasado Alas onse na, ngunit heto sila, nananatiling mulat ang mga mata at pare-parehong gising pa ang mga diwa.















May kung anong naglalaro sa kanilang mga isipan sa oras na ito.












Isang palaisipan.



Isang banta?




O mitsa na naman ng nalalapit na kaguluhan.











"Its making me insane!" Puno ng frustrasyon na sambit ni damzon, napatayo pa ito mula sa pagkakahiga kapagkuwan ay hindi mapakaling naglakad-lakad.










Doon naman kumunot ang noo ni tyson na kanina lamang ay nahulog din sa malalim na pag-iisip. Nakakatuwa lamang isipin na ang mga palabiro at akala mong hindi mag-se-seryoso sa buhay ay ngayon, pare-parehong nag-iisip ng maaaring dahilan ng mga kaganapan sa loob ng eskwelahan.





















Bigla namang napatigil sa pabalik-balik na paglalakad si damzon na tila may naisip.















"Boss! sa tingin ko....alam ko na ang dahilan." seryoso ang tono ng pananalita nito habang nakatutok ang atensyon kay code, tila presidente pang nakahawak ang hintuturo nito sa baba.





Taka naman siyang binalingan ni code ng tingin. Napukaw din ni damzon ang atensyon ng dalawa pang binata.








"What if....kalaban ng empire n'yo boss ang may gawa nito?" tanong ni damzon kay code.








Napapilig naman ng ulo si code na tila napaisip din sa sinabi ng kaibigan na kinasang-ayunan din ng dalawa.






Aminado naman siyang marami ngang nais mapabagsak ang kanilang emperyo ngunit ang hindi lang niya maintindihan kung bakit nasama si gwen sa gulo ng kaniyang pamilya.












Inferno High: School Of Gangsters✓COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon