AN: Another chapter mga mahal! Hope you enjoy
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------Chapter 45
The PastThird person pov
Saksi ang bawat sulok sa loob ng napakalaking arena kung papaano nilamon ng pagkamuhi ang dalawang emperyo. Unang-una na roon si Almara Viviene Quantum Futhermox, ang asawa ng namayapang si Luhence Amareous De Luca Futhermox ang dating katuwang at kahalili sa pamumuno sa pulang emperyo.
Ang estrangherong bigla na lamang pumasok sa arena ay walang iba kundi si Rendred Marquis Valdemort, looking so proud at the same time, ruthless sa suot nitong tuxedo. Ang postura at tindig ng ginoo ay sadyang punong-puno ng awtoridad. Mataman niyang tinitigan ang mga taong naging saksi sa kaniyang kasakiman habang nagbubunyi ang kalooban sa kadahilanang bakit nga ba sa paglipas ng maraming taon ay pawang daga lamang siyang magtatago kapagkuwan ay biglang susulpot upang bawian ng mas matinding pagdurusa ang mga taong dati lamang ay kasangga niya ngunit ngayo'y halos tapak-tapakan ang pagkatao niya kung hindi lamang siya natutong lumaban.
Paunti-unti, sumilay ang nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi. Tila naman tumaas ang temperatura sa nakakolob na arena at sa isang iglap lamang ay napuno na ng tensyon ang bawat isa.
"Oh? Bakit parang nakakita kayo ng multo?" saad ni rendred, umaalingasaw ang labis na pang-uuyam sa tono ng pananalita nito.
Hindi naman na mapigilang tumaas ang kilay ni almara, hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ng anak upang subukang pakalmahin ang sarili ay agad na binigyan ng ginang ng hudyat ang mga tauhan. Pumalibot ang mga reapers, assassins at maging ang mga malalakas na underlings ng pula at itim na emperyo upang maging handa kung saka-sakaling sumugod ang mga kalaban.
"Ang kapal din talaga ng pagmumukha mong pumunta dito, rendred." nagngingitngit ang ngiping saad ni almara, nakatitig ng matalim sa dating kasangga't kanang kamay pa ng kaniyang asawa.
Doon naman pagak na, natawa si rendred. "Talagang makapal ang mukha ko, bakit almara? Hindi mo man lang ba ako na-miss?" panunundyo nito kapagkuwan ay walang emosyong tinapunan ng tingin ang bawat isang naging parte ng laro nito. Si Maximou Villareal Mariano, isa sa pinakamalakas na underling ng red empire, si Shawn Mariano, ang anak nito. Si almara, luhence at si gwen quantum, ang pain at nag-iisang armas upang mapaikot ang mga kalaban sa mga kamay nito.
At syempre, ang black empire. Si timoteo, carolina at si code lacsamana. Lahat ng malapit sa pinakainuugatang pagkamuhi ay sinisigurado ni rendred na magdudusa at madudurog. Ang dating katiting na awa'y wala na sapagkat isa narin ito sa mga demonyong tila itinakwil narin ng kalangitan dahil sa labis na pangungulila, hinagpis na kung saan, napupuno na ng pait at poot ang kalooban. Wala na itong puso. Maiitim na ang budhi at kinakasaya na ang pagpatay, inosente man o hindi.
Habang inaanalisa ng matatalim na tingin ang bawat isa ay napadako ang tingin ni rendred sa isang pamilyar na bulto. Ang ngisi sa labi'y napalitan ng pagkayamot. Naroon si Peirce Thirteen Valdemort, nakatunghay ng matalim, nakakuyom ang mga kamao't anomang oras ay kakalabitin na ang gatilyo ng hawak-hawak na baril. Ang nag-iisang anak, naging lakas noon ngunit dahil sa isang pagtataksil, isa naring kalaban na dapat ng pabagsakin.
"Oh anak! I didn't know that you'll be here. Kamusta ka naman pagkatapos mong itakwil ang sarili mong ama?"
BINABASA MO ANG
Inferno High: School Of Gangsters✓COMPLETED
Teen Fiction"Revenge is lethal, it destroys, manipulate and control you." Sa laro ng buhay, kailangan mong maging wais upang manalo but how can she control the game gayong hindi siya ang nagsimula nito? Because she needs to be the game changer first to lure her...