A/N: 𝐀𝐧𝐨𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐜𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫! 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------Chapter 19
The Blue-eyed ManGwen's pov
Ito na nga ang pinakasabog na araw ko magmula ng pumasok ako sa inferno. Puro nalang dahilan ng sleepless nights ko ay ang mga kung anong mga nasasaksihan ko sa eskwelahang ito. Patayan tapos ka-weird-ohan ng mga estudyante.
Hayy jusko! stress life! isama mo pa 'yang busit na Code na 'yan! Magdamag akong nakatitig sa kisame kaaisip kong ano bang ka-weird-ohan ang nangyayari sa kan'ya at mukha pa atang nakakain ng magic sarap. Biglang change of heart lang? Pano...bigla-bigla nalang susulpot tapos susundan pa ako at bibigyan pang pagkain. Hindi naman ako mukhang pulubi diba? like ano ba talaga ang motibo n'ya.
Noong una talaga mortal na magkaaway kami e, madalas pa ngang bangayan pero ngayon...bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin? iba na, ibang iba na! nahulog na nga ata ako sa bitag? kumunoy? o ang puso ko ang nahulog? ay busit! animal! wala, walang nahulog. Akin parin ang puso ko.
Parang zombie na nag-sipilyo pagkatapos ay naligo at nagbihis.
Wala talaga ako sa mood punyeta! Walang tulog dahil napakaraming iniisip busit! alam mo bang kagabi feeling ko may dumadaang shadow sa loob ng silid.
Pero inisip ko na napapraning lang ako tapos putangina!
Aissssh! naaalala ko na naman ang punyetang panaginip ko.
Bakit kailangan kong mapanaginipan ang mortal kong kaaway? hah? why? bakit si code? of all people?
Aissshhhh! nakakabusit!
Marahas kong sinuklayan ang buhok ko pagkatapos isuot ang sapatos ko kapagkuwan ay muling inayos ang necktie at nag-spray ng kunting perfume.
Nagpapabango lang teh? para kanino?
Wala!
Weeeh? ngayon ka lang nagpabango e, dahil ba kay code?
Punyeta! Muntikan ko ng mabasag ang sariling ulo dahil sa sobrang pagkairita. Minsan talaga naiisip kong baliw ako, bakit nga ba kinokontra ako ng sarili ko din? aisssssh.
Ngunit para atang nagka-lindol at biglang umikot ang paningin ko ng pagbukas ko ng pinto ay isang demonyo ang bumungad sa akin.
Awtomatikong tumaas ang kilay kong nagtataka kung bakit ang infamous na Code Lacsamana ay nasa harapan ng kuwarto ko ngayon. Pa-cool na nakatayo ito sa harapan ko, nakapamulsa and the most annoying of all, his expressionless face. Tsk. As usual.
BINABASA MO ANG
Inferno High: School Of Gangsters✓COMPLETED
Novela Juvenil"Revenge is lethal, it destroys, manipulate and control you." Sa laro ng buhay, kailangan mong maging wais upang manalo but how can she control the game gayong hindi siya ang nagsimula nito? Because she needs to be the game changer first to lure her...