Donny's POV
Akala ko ay pag gising ko ay nasa normal na ang lahat, pero nagising ako sa malakas na sigaw ng nanay ko."Aba donato antonio, anong oras na?! Alas siete na di ka parin gising! bumangon ka na diyang kung ayaw mong kaladkarin pa kita papunta sa banyo!"
Inis akong bumangon at naligo. Pagtapod ay kumain na ako, ang ulam ay itlog at tuyo, hindi naman ako nagrereklamo pero wala talaga akong gana kumain kaya pumasok nalang ako agad kahit maaga pa.
Pagdating sa gate ng school nakita ko si belinda na nakaupo sa may waiting shed, Iwinawagay way ang mga paa na hindi abot sa sahig at may lollipop sa bibig, naka cross arms at naka tali ang buhok, sa tabi niya ay iyong itim niyang baga na sigirado akong walang laman.
Nilagpasan ko siya at saka pumasok.
"Hoy!" sigaw niya kaya lumingon ako
tumakbo siya palapit saakin, "Isang oras kitang hinihintay tapos lalagpasan mo lang ako?!"
"Tch, malay ko bang hinihintay mo ako. Saka bakit mo naman ako hinihintay?! para pagpulutin nanaman ng gum?! No way!" sigaw ko sakaniya
"Guk! Yung panyo ko na sayo diba?!"
ah oo nga no.
"W-wala di ko dala lalabhan ko palang" humina ang boses ko
"Tss, dalin mo bukas ah! kung hindi lagot ka saken!" mahina niya akong tinulak saka tumakbo paalis.
Kinahapunan ay naglalakad ako pauwi, hindi ko parin alam kung paano ako babalik.
Nagulat nalang ako nung may tunalon sa likod ko saka ako inakbayan pero nalaglag din ang braso niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay belinda.
"Edi susunduin yung panyo ko" Sabi niya. Tinignan ko lang siya na para bang walang nangyari kahapon.
"H-hindi pa malinis! dadalin ko nalang bukas!" Sabi ko para umalis na siya
"Ayos lang, ako na maglalaba"
"Ano bang meron sa panyo nayon?!"
"Binigay sakin yon nung ex ko"
Nagiba ang tono niya"Tch bibilan nalang kita ng bagong panyo kahit isang truck pa!" huminto siya at tumingin saakin
"Samahan mo ko!" sabi niya saka ako hinila.
Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa mapunta kami sa isang lugawan.
"Anong trip mo?" tanong ko sakanya
"lugaw" sagot niya saakin, sinenyasan niya iyong manong ng dalawang lugaw.
"Wag ka mag alala, libre ko" nginitian niya ako saka niya tinanggal ang tali ng buhok niya.
Parang nag slow motion ang mundo, ang ganda naman pala niya pero yung ugali nya parang bipolar! kahapon kala mo anak ni hitler tapos ngayon...
"Bakit ang bait mo ngayon?" kinuha ko iyong paminta at chili sa tabi niya kaya nagkalapit ng sobra yung mukha namin.
BINABASA MO ANG
DB Multiverse
Teen FictionA series of short stories combined in 1 book. This book consists of 10 Episodes. All stories will be about DonBelle and no one else. 31,635 Words Anyways, Happy Shipping!