Episode 7: A.I Boyfriend

362 13 0
                                    

TP's POV

8:32 na nang umalis si belle sakanilang bahay pero kanina pang 7:30 AM ang pasok niya. Paniguradong hindi na siya papapasukin ng guard kaya naman dumaretso na sya sa secret passageway nya.

Humakbang siya sa sirang sementong bakura na nasa likod lang ng school nila, pagpasok mo doon sa sirang sementong bakuran ay malaking locker, doon sya lumabas.

Kaya hindi rin nahuhuli kung saan oumapasok si belle ay dahil naka disguised ang daan niya as a locker.

Pinagpag ni belle ang alikabok na kumapit sakaniya nang dumaan siya sa locker at inayos muli ang pagkaksukbit sakaniyang bag. Swerte naman na breaktime nila kaya nakapasok ng malaya sa classroom si belle ng walang taga ivang section na nakakapansin.

"Late ka na naman, belbel!" Tukso ng kaibigan niyang si jeremiah. "Saan ka ba kasi pumapasok? Bakit hindi ka nahuhuli?"

"Secret walang clue!" Ngisi ni belle.

Nagring na ang bell senyales na tapos na ang break time. Itong subject na ito talaga ang hindi malampasan ni belle, kahit pa may sakit siya ay punapasukan niya.

Paano ba naman kasi ay sobrang gwapo ng english teacher niya! Matangkad, moreno, sophisticated at syempre gwapo!

"Good morning class" Pagpasok palang ay bumati agad si Sir donny, ang english teacher ni belle.

"Good morning sir!!" Masiglang bati ng mga babaeng studiyante kabilang na roon si belle.

"I've already checked your papers, fortunately isa lang ang hindi nakapasa." Ani ni sir

Nagsimulang mangamba at magbulungan ang mga studiyante, alam kasi nila na ipapatutor ni sir ang babagsak ngunit hindi niya sinasabi kung kaynino, kaya porsigido talaga ang mga studiyante niya na makapasa sa takot na baka mas mahigpit pa kay sir donny ang mag tutor sakanila.

"Sir sino po yung bumagsak?" Tanong ng isang estudiyante

"Mariano, Belinda" Binasa ni sir ang nasa recording book niya, napanganga si belle sa sobrang gulat at napatayo pa

"Po?!" Lahat ay napatingin sakaniya

"Why yes. you got 49. Ang passing ay 50" Seryosong tugon ni sir

"Pero sir one point lang naman!" Pilit ni belle

"50 is the passing score Ms. mariano. Meet me in my office after class for para mapagusapan ang tutoring saiyo"

Dismayadong naupo si belle. Nuong bumagsak ang dati niyang classmate ay ipinatutir ni sir donny sa isa ding guro na sobrang higpit at strikto. Paminsan ay masakit magsalita kaya napadrop out ang classmate niya.

Matapos ang klase ay dumaretso na si belle sa office ni sir donny.

Nasa pinto palang siya ang kinakabahan na siya.

"Good afternoon, sir donny" pag bati ni belle

"Sit down"

Tumango lang si belle at inilagay ang bag sa sahig bago maupo.

"Here's your tutoring schedule, hindi pwedeng hindi ka magtutor kung hindi ay 60 ang ibibigay ko saiyong grades." Magkadikit ang kamay ni sir donny ng banggitin niya iyon,

DB MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon