Episode 2: 2009

556 13 0
                                    

Donny's POV

"Leina i told you to bring my coffee at exactly 9 am! Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo?! You are fired!" Umiiyak na umalis ang bagong sekretarya ko na nung isang linggo lang nagsimulang magtrabaho dito pero paulit ulit siyang nagkakamali! Ayoko ng nagkakamali,

"I need a new secretary" Tawag ko mula sa telecom sa pr office.

5 PM uuwi na ako kaya nagpunta ako sa parking pero lalapit palang ako sa kotse ko ay may malakas na pumukpok sa ulo ko.

Donny's POV in 2009

"Mr. Pangilinan!" Nagising ako sa lakas ng boses na iyon, pag mulat ko ay nasa loob na ako ng classroom. Classroom? Ano namang ginagawa ko rito?

"Masarap ba ang tulog mo, mr. Pangilinan?" ngiting tanong nung mukhang teacher.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa "Tch, kalokohan" bulong ko at tumayo para umalis.

*Boogsh*

May pumatid saakin! Pag tingin ko ay nakita ko ang isang babae na sobrang pamilyar. Nakangisi siya habang ngumunguya ng gum.

"Bat mo ko pinatid?!" sigaw ko sakaniya

"Bat ka aalis? Nagk-klase pa, diba?" nakangisi paring tanong niya

Tumayo ako at lumapit sakaniya pero tumayo rin siya. Hanggang leeg ko lang siya kaya nakayuko ako sakaniya at nakatingala naman siya saakin.

Maangas niyang dinura ang gum niya

"Ms. Mariano! Bawal ang littering dito!" Sita nung teacher.

Sinenyasan ng babae ang teacher na huminto at manahimik.

"Kita mo yan? pulitin mo" sabi niya saakin

"Ano?!"

"Ahh, sinisigawan mo ako?" Umakto siyang nasasaktan at naiiyak pero hinawi niya ang buhok niya at saka itinaas ang manggas.

"Kelan pa natutong lumaban si lampa?" mahinang bulong niya saakin.

"Gag-"

Doon ko naalala. Siya si Belinda Mariano, iyong babaeng siga namahilig magangas at mangbully noong highschool ako-

Highschool ako?! Pot-

"Pupulitin mo ba?" nangaasar na nagpuppy eyes pa siya.

Hinawi ko ang kamay niyang nasabalikat ko atsaka pinulit iyong gum na dinura niya. Pero bago ko iyon itapon ay binad finger ko sya.

"Mr. Panglinan!"

Dumaretso ako sa banyo. Ano ba ang nangyayari?! Sinampal sampal ko pa ang sarili ko dahil baka nananaginip lang ako.

"Ako nalang sasampal sayo baka nangangawit na yung kamay mo e" Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita sa likod ko!

"A-anong ginagawa ko dito?!" Tanong ko kay belinda na lollipop naman ngayon ang nasa bibig.

"Para sampalin ka,"

"Ano-" Sinampal niya ako! At sobrang lakas pa!

"Nakakailan ka na ah?!"

"Woah, kanina pang umiiyak ka dahil namimiss mo na yung pusa mo tapos ngayon brusko brusko kana? anong tinira mo?"

"Ano bang sinasabi mo?!" sigaw ko sakaniya

"Eh ikaw anong ginagawa mo?!"

Sa sobrang inis ay nilayasan ko siya at saka nag hanap ng lugar na tahimik at walang tao.

Ano bang nangyayari?! nananaginip ba ako?! bakit nandito ako?! letse naman may meeting pa ako!

Alam ko na, may feeling ko kung bakit ako nandito kasi may humamoas saakin sa parking lot, langhiya pag balik ko ay ipakukulong ko ang gumawa niyon saakin.

Naghanap ako ng poste ang ipinukpok doon ang ulo ko ng paulit ulit. Hindi ko na inaaalala ang sakit, gusto ko lang makaalis dito. Hanggang sa dumugo na ang ulo ko ay tila hindi pa rin ako nawawalan ng gana, pinagpatuloy ko lang prro may malakas na humil saakin.

Si belinda

"Ikaw na naman?!" hinawi ko ang kamay niya "Tantanan mo nga akong hambog ka!"

peto hindi siya umalis, kinuha niya ang panyo niya mula sa bulsa atsaka pinunasan ang dugo sa noo ko, sibrang daming dugo pero hindi ko iyon mapansin.

Sobrang lapit ng mukha niya saakin. Nakatali ang buhok niya, may butil ng pawis sa noo niya, mapupula ang kaniyang labi at napakaganda ng mata niya-

Ano ba donny, yan yung namahiya sayo kanina! Pero tinutulungan niya ako ngayon.

"A-anong ginagawa mo" hindi niya ako sinagot pero hinila niya ako at nagpahila naman ako.

Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa clinic.

"Jusmeyo! anong nangyari?!" sigaw nung nurse na dali dali naman akong nilapitan

"Nakita ko siyang inuuntog ang ulo sa poste hanggang sa dumugo. Baka ho mamatay kaya dinala ko na rito" Sabi niya saaka umalis.

"Iho ano ang number ng magulang mo? Kailangan ko kasing ipaalam na nandito ka at ang sitwasyon mo"
sabi nung nurse habang nilalagyan ng gauze pad ang noo ko.

"Wag na ho, makakauwi naman ako ng magisa."

Matapos niya ako gamutin ay lumabas na ako sa clinic.

Naiwan sa classrom ang bag ko, kinapa ko ang bulsa ko at nakitang may 50 pesos.

Ginamit ko ang pera nayon para mamasahe pauwi. Sa totoo lang ayoko nang bumalik dito pero ano bang magagawa ko.

Sa labas palang ay diniv na dinig na ang bangayan ni mama at papa. Kahit kailan ay hindi sila nagkasundo, bakit ba kasi hindi nalang sila mag hiwalay para matapos na to.

"Donny gabi ka nanamang naka uwi!" sigaw ni mama pero hindi ko siya pinansin.

Nagderederetso ako papunta sa kwarto ko at nag kuling doon.

Pano ba kasi ako makakabalik?!

Kakaisip ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Part 2 tomorrow!

DB MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon