Belle's POV
"Don't leave"
huminto ako saglit para lingonin sya, i clicked my tongue bago pumihit ulit para tuluyan nang umalis.
Hindi naman kami close para icomfort ko pa sya.
Pumunta muna ako sa 7/13 para bumili ng slurpee at hotdog. Pero biglang tumawag si mama
"Hello ma?"
"Kamusta ka dyan? Kumain ka na ba? Wag kalimutan uminom ng gamot ha?"
"Tsk mama naman, hindi naman na ho ako bata. Syempre inaalagaan ko ang sarili ko and opo iniinom ko po iyong mga gamot pero wala parin akong naaalala"
Bago ko makilala ang ex boyfriend ko, ang sabi ni mama naaksidente ako noon. Nabangga daw ako ng truck habang tumatakbo ako, ang hirap ko daw habulin noon dahil malakas pa ang ulan. Ayaw niya sabihin saakin kung bakit ako tumatakbo sa ulanan noon at nabangga ng truck.
Pero ang totoo, may lalaki lagi sa panaginip ko, Mahal na mahal daw namin ang isa't isa at lagi daw kaming pumupunta sa palayan sa nueva ecija para manood ng sunset.
Gabi-gabi ay siya iyong napapanaginipan ko, hindi ko alam kung may kinalaman sya sa nakaraan ko.
"oh sya sige na. Mag iingat ka palagi ha? kung may nararamdaman kang kakaiba tawagan mo agad ako"
"Opo ma sige na babay love you!"
Binaba ko na ang tawag.
So in short may amnesia ako. Ang sabi maaring hindi na bumalik pa yung mga ala-ala ko pero may chance din na bumalik wag nga lang pipilitin dahil baka hindi raw kayanin ng utak ko.
"Belinda" agad akong lumingon, si donny pala.
Pero teka....
"Pano mo nalaman pangalan ko?" Tanong ko sakaniya
"Tch naka lagay sa kontrata. Belinda A. Mariano" sabi niya at walang ano-anong naupo sa tabi ko.
"Tch whatever donato antonio" Nagpatuloy ako sa pag kain ng hotdog at pag inom ng slurpee.
Sa totoo lang kinakabahan na ako dahil kanina ko pa nararamdaman ang mga titig niya saakin. Ano bang problema nito?
"Tutuch" Mahinang saad niya pero rinig ko parin.
Tutuch sobrang pamilyar nun ah. San ko ba narinig yun?
I shook my head. Keysa mag isip ng kung ano-ano kakamistahin ko nalang siya, hindi naman ako ganon kasama para hindi maramdaman na nasasaktan sya.
"Umm... Kamusta ka? Ayos na ba kayo?"
"Ayos lang ako. Faye.... She and i just broke up and she's packing her things na. Turns out that yung gagong yon at si faye ay matagal na palang may relasyon." Ramdam mo talaga yung lungkot sa tono ng boses nya
"True? ayos ka lang? Parang hindi... hmm wait ka lang dyan" Tumayo ako at bumuli ng ice cream, isang banana flavor at isang chocolate.
"Oh" inabot ko sakanya yung ice cream pero hindi ko alam kung bakit ganon yung reaksyon nya
Donny's POV
"Oh" Pagbalik ni belle ay may dala na syang ice cream at inabot nya saakin yon.
i looked at the flavors..... Banana and chocolate.
Parang may isang pinto sa puso ko na hindi mabuksan kasi nawawala ang susi, Alam ko kung ano ang naging pagkakamali ko noon at pinagsisisihan ko iyon. Alam kong hindi na niya ako naaalala kaya hindi na ako aasa pa.
"I'm sorry. I am so sorry belle" Nangingilid ang mga luha kong tinitigan siya.
"Bakit ka nag sosorry?" Nagtatakang tanong niya.
Kinuha ko iyong dalawang ice cream at binuksan iyon, hinati kong pareho iyong kalahati ng banana ice cream ay inilagay ko sa kalahati ng chocolate ice cream.
This is how we used to do it....
I know i liked faye, pero alam ko sa sarili ko na mula noon hanggang ngayon si belinda parin ang mahal ko.
Sa totoo pang hindi ako malungkot na niliko ako ni faye, malungkot ako dahil hindi ako nakilala ni belle, dahil tinalikuran niya lang ako kanina.
I know i deserve this dahil ako naman ang sanhi nito...
"Here..." Inabot ko sakaniya iyong isang half banana half chocolate ice cream.
I know for a fact that it reminded her of something.
Something that we used to do together....
___________________________
Hakdog bukas ulet hehe.

BINABASA MO ANG
DB Multiverse
Ficção AdolescenteA series of short stories combined in 1 book. This book consists of 10 Episodes. All stories will be about DonBelle and no one else. 31,635 Words Anyways, Happy Shipping!