Episode 8: Sharing is caring

314 10 0
                                    

Belle's POV

MATURE STUFF! READ AT YOUR OWN RISK!

"Salamat po" Nagpasalamat ako kay Madam Y. Na land lady ko.

Bagong lipat ako dito sa maynila, galing ako sa nueva ecija kaya sobrang naninibago ako. Swetihan na nga lang ang makahanap ng murang apartment sa maynila dahil indemand ito ngayon lalo pa't maraming bagong graduate na gaya ko.

I am an accountant graduate at dito ko sa maynila naisipang mag trabaho dahil mas maraming opportunities dito.

Isa pa, gusto ko rin malayo saamin. I caught my boyfriend cheating on me, well ex boyfriend ko na sya dahil hindi naman ako tanga para bigyan pa sya ng isa pang pag kakataon. Pero hindi ko maikakaila na sobrang mahal ko pa rin siya.

Kahapon lang ay panay ang tawag at text niya pero pinili kong hindi iyon pansinin dahil baka ma buksan ang inner karupukan ko at mabalikan ko pa sya.

I was in the shower nung mawalan ng kuryente pero hinayaan ko nalang muna dahil malapit narin naman akong matapos maligo,

Naramdaman kong may humawak saaking bewang, tsk hanggang sa pag ligo ko ay naiisip ko parin ang tarantado kong boyfriend na mahal na mahal ko naman.

Pero nagtaka na ako nang may humalik sa aking leeg! Humarap ako at sakto namang bumalik ang kuryente.

"AHHHHH!" pinaghahampas ko ng tabo iyong matangkad na lalaki na naka boxer shorts lang!

"What the hell?! who tf are you?!" sigaw niya habang hinahampas ko siya.

"Who am i?! Ikaw sino kang manyak ka!! AHHH rapist! tulong tulong!" nagmadali na akong kuhanin ang twalya ko pero hindi ko patan binibitawan iyong tabo!

"Babe what is going on- Sino ka?!" Sigaw na tanong nuong babaeng kilang kinapos ang tela ng damit.

"What the- magkakampi kayo no?! AHHH tulong!!! Tatawag ako ng pulis!" iniaamba ko pa sakanila ang trusty blue tabo ko as if naman nakakatakot iyon!!

"Miss teka nga! Apartment namin to! Baka ikaw ang akyat bahay!" Sigaw nung lalaking hindi parin nagtatapil!

tinakpan ko ang mata ko nang lingunin ko siya at dinuro

"Hoy! May akyat bahay bang maganda at nakikiligo?! saka mag damit ka nga, manyak!"

Agaran akong lumabas pero nagulat ako nang makitang puno ng kahon ang buong apartment!

Ano bang nangyayari?!

Pumasok ako sa sa kwarto ko at kinuha iyong cellphone ko at tinawagan ang pulis!

"Hello?! tulungan nyo po ako may akyat bahay po sa apartment ko!- ano ba?!" Sigaw ko doon sa lalaki

"Hello officer? this must be a misunderstanding, apartment ko ho ito siya nga itong hindi ko naman kilala pero naliligo sa apartment ko!"

Matagal pa na pag uusap ang nangyari bago niya ibalik ang cellphone ko

"Call your landlady, i'll call mine" maangas na sabi niya

Marahas kong kinuha mula sakaniya ang cellphone ko at dinial ang number ni madam Y

"Bakit cannot be reached?" nagtaka pa ako pero onti onti kong narealize...

Kinuha ko iyong mga documents na ibinigay saakin ni madam y para sa apartment.

"A sharing apartment agreement..."

"A sharing apartment agreement..."

"A sharing apartment agreement..."

"ANO?!"

___________________________
Long episode!! sana kayanin hehe

Sorry at sobrang natagalan ang ud TT__TT Pero im sure eto talaga yung punaka fave episode ko sana kayo rin hehe.

Happy shipping!

DB MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon