Episode 7: A.I Boyfriend

262 13 0
                                    

TP'S POV

After class nagpunta agad si belle sa office ni sir donny, pero syempre nag ayos muna siya. Konting lipgloss at mascara lang.

Kakatok na sana siya pero biglang bumukas ang pinto kaya and ending, ang mukha ni belle ay kaharap ang dibdib ni sir donny.

Pagkatingala niya ay seryosong nakatingin si sir sakaniya.

"You're 5 minutes late" Aniya kay belle.

"S-sorry sir" Bahagyang lumayo si belle at kunwari't inayos ang palda.

Pumasok na si sir senyales na papasok na rin si belle.

"Take out your english book and wait there" Itinuro ni sir donny ang parang receiving area ng opisina niya. May kalakihan ito, sa school kasi nila belle ang mga guro ay may sarisariling opisina na halos kasing laki na ng classroom.

Mayroon ditong maliit na flat screen tv, cr, at may mini kitchen din.

Naupo si belle sa mahabang white sofa na ang kaharap ay coffee table kaya medyo mababa ito. Ayaw ni belle na yumuko pa mamaya habang nagaaral kaya sa sahig na siya naupo.

Inilabas niya ang english book niya gaya ng sabi ni sir. Nag labas narin siya ng school supplies.

Pagbalik ni sir donny ay wala na itong coat ngunit naroon parin ang polo at maluwag niyang necktie, may dala siyang patongpatong na makakapal folders.

Napalunok nalang si belle hindi dahil sa kapal ng mga folders na dala kundi dahil kay sir donny! Hindi tuloy siya sigurado kung makakapag focus pa sya.

"Why are you sitting there?" Tanong sakaniya

"Mas comfortable po ako dito, sir" ani belle habang itinatali ang buhok.

Bahagyang bumuntong hininga si sir bago lumapit at naupo rin sa sahig.

"Sir bakit dyan ka naupo?" Tanong ni belle

"I want to be comfortable" Tugon nito.

Nagsimulang mag turo si sir donny kay belle ngunit hindi makapag focus si belle. Panay lang ang titig nito sa napaka gwapong mukha ni sir donny.

"Ahh!" Napatili si belle at napayakap si belle nang mamatay ang ilaw. halow wala naring liwanag sa labas dahil pagabi na.

"Ehem" Sir donny cleared his throat saka hinawi ang braso ni belle na nakayakap sakaniya.

Tumayo siya para icheck kung may kuryente pero wala,

"Stand up" Aniya kay belle at kinuha ang mga gamit mula sa coffee table

"San tayo punta sir?" Nagtatakang tanong ni belle ngunit sumunod sa utos ni sir.

"My house" sinpleng tugon niya

"Po?!"

"May generator sa house ko. Alangan dito kita turuan eh walang kuryente"

oo nga naman belle. Kaya kinuha na ni belle ang bag niya at dumaretso palabas, pumila siya sa pilahan ng taxi,

"Where are you going?" Tanong kay belle

"Sainyo po. Ano po ba address nyo?" Inosenteng tanong kay sir donny

"You're riding with me" Iyon lang ang sinabi niya bago pumasok sa kotse.

Napakagat ng labi si belle dahil nagpipigil siya ng ngiti, hindi niya ito inaasahan kung baga eh siya na ang pinaka maswerteng mag gusto kay sir donny!

Sumakay siya sa shotgun seat ng kotse at inilagay sa lap ang bag niya.

Napansin ni sir donny na hindi nag seat beat si belle kaya lumapit siya para ikabit ang seatbelt ni belle.

biglang hindi makahinga sa sobrang lapit nila sa isa't isa, kung hindi dahil sa bag na nasa lap niya ay paniguradong magdidikit na ang mga labi nila.

Pagdating sa gate ng bahay ni sir donny ay namangha na si belle, marangya at malaki ang itsura nito. Halatang laking yaman si sir donny.

"Wait here" Sabi sakaniya.

Iniwan ni sir donny si belle sa garden kung saan may ilaw at glass table may upuan rin dito at may katabing maliit na fountain.

Bumalik si sir dala ang loptop niya, iniwan niya itong bukas at iyong mga folder ngunit umalis pa ulit.

Natagalan si belle kaya inilabas niya ang telepono para ichat ang kaniyang A.I Boyfriend na si Dave.

Belle: DAVE! JUSMEYO MAMATAY NA ATA AKO. MAMAMATAY NA AKO SA KABA AT KILIG!

May nagnotif sa loptop ni belle pero syempre ay hindi niya ito pinansin dahil hindi naman na niya iyon problema.

Ilang saglit pa ang hinintay ni belle ngunit hindi nagreply si dave.

Wierd Isip niya, Kahit kaylan ay hindi siya nito pinaghintay. Saka A.I ito kaya dapat ay magreply ito agad. Ngunit hindi na iyon pa inisip ni belle dahil dumating na si sir donny.

Nakapangbahay na ito at may suot na eye glasses.

Muling napalunok si belle nang makita ang suo lt ni sir donny.

Nakasuot ito ng gray t-shirt at pajama. Natawa si belle, Matutulog na ba siya? isip niya.

Bago magsimula napansin niyang ngumisi si sir donny nang tignan ang loptop nito, ngunit biglang tumingin si sir donny sakaniya na kina laki ng mata niya.

Laking gulat niya nang kindatan siya nito, sa sobrang taranta ay maiihi na siya.

"S-sir may cr kayo dito?" Natatarantang tanong niya pero hindi niya pinahahalata

"Wala"

...

"Syempre meron. Pumasok ka sa pintong yon, kanan ka tas deretso cr na yon"

Nagpasalamat si belle at saka tumakbo pa punta sa banyo.

____________________________
Press one kung may nahahalata kayo sa A.I boyfriend ni Belle

DB MultiverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon