Chapter 18

22.9K 702 112
                                    

Chapter 18

Back and Black

"He's coming back to the Philippines. Did you know that?" si Hope matapos mapirmahan ang kontrata na inilatag ko sa mesa sa harap niya. Nakaupo siya sa tapat ko.

Muli niya itong ibinalik sa akin. Ni-double check ko ang pirma niya at pagkatapos ay isinara na ang folder.

"Yes, I've heard of it," kalmante kong tugon at isinantabi na ang folder. Inabot ko ang baso ng in-order na mango juice.

"Dinig ko rin na may new girl na naman siyang kasalukuyang dini-date. An heiress of a renowned hotelier," pagpapatuloy niya.

Inikot ko ang straw na nasa loob ng baso ng mango juice na hindi ko naubos at bumaling sa tanawin sa labas ng café. Traffic dulot ng masyadong abalang mga tao makarating lang sa kanya-kanyang pupuntahan. Medyo madilim din ang hapon dahil sa masamang panahon.

"Hmm. Good for him."

"How long has it been, babe? Almost three years?"

Inilapag ko ang baso at mula rito ay nag-angat ako ng tingin. Mariin ko siyang tinitigan na may paghinala.

"Where is this conversation going?" halos inis kong sambit.

Tuso siyang ngumisi na parang nahuli ako sa isang patibong.

"Ha! I knew it! You haven't moved on from Attorney, yet."

Mataray ko siyang inirapan at inihanda na ang bitbit na bag kanina. Kinuha ko na rin ang folder mula sa mesa.

"It's wonderful doing business with you, Miss Calope." Plastik ko siyang nginitian.

Mahina siyang natawa sa tapat ko. "Ang KJ talaga nito! Hindi na nagbago. Wala man lang shake hands for formality's sake, President?"

Naglahad ako ng kamay sa gitna ng mesa namin. Tinanggap niya ito at nagkamayan kami.

"I will pray na hindi bumagsak ang club business mo," nakangising pang-aasar ko.

"Bwisit!" Humalakhak siya at tinampal ako sa braso. "Pupunta ka mamaya sa club ko, huh! Mamaya hindi ka na naman sumipot."

Tumayo na ako at kinuha ang bag. "Oo na. Wala na naman kaming late meeting mamaya kaya pwede ako."

Tinalikuran ko na siya at tinungo na ang pinto ng café para lumabas.

"May bago akong hunk na irereto sa'yo! Huwag mo akong ma-Indian, JC!" sigaw na pahabol niya dahil nakalayo na ako. Kinawayan ko lang siya at dere-deretso na sa pagtulak ng pinto papalabas.

Nang makalabas na ay umatake kaagad sa akin ang malamig na simoy na dala ng naghihinagpis na hangin. Tumingala ako sa kalangitan at nakita ang paglalangitngit ng langit. Nagpatuloy ako sa paglalakad at muntik pang matalisod sa heels na suot dahil sa plastic cup na nilipad ng hangin papunta sa paa ko.

Unti-unti ko nang naramdaman ang paisa-isang pagpatak ng ulan. Muntik ko pang magamit ang folder na hawak para gawing panlaban dito. Huminto ako at binuksan ang zipper ng bag. Kinuha ko mula sa loob ang payong na bagong bili ko lang kahapon.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at tinungo ang parking lot kung saan naghihintay ang sasakyan ko. Iniligpit ko muna ang payong at inilagay sa likod ng sasakyan. Pumasok na ako sa loob at pinaandar ang kotse.

Habang nasa daan na ay bumuhos ang malakas na ulan at hindi na ambon pa. Dahil dito ay nagsimula na naman ang traffic sa kalsada. Nahinto ako sa pagmamaneho habang hinihintay ang pagdaloy ulit ng mga sasakyan.

Bago pa man mabagot sa kahihintay ay kinuha ko ang cellphone at nilibang ang sarili sa social media. Habang nagso-scroll ay may nasagap ang mata ko. Mas mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagpindot sa link nang makita ang thumbnail na picture ng kanyang mukha.

The Accused MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon