Chapter 13

33.5K 771 48
                                        

Chapter 13

Isla

"Are you nervous?"

"Of course not," mariing sagot ni Lake sabay paulit-ulit na pagpipisil sa kanyang daliri.

Ngumisi ako sa pagtanggi niya at tinanaw ang mahabang hagdanan ng mansiyon namin.

"Pwede naman na hindi ka na magpakilala. Tumakas na lang tayo at sa apartment mo na kumain ng dinner," mapanuksong suhestiyon ko.

Sinipat niya lang ako ng tingin at muli na namang humugot ng malalim na hininga. Ang pormal niyang tingnan sa suot niyang kulay itim na long sleeve neck stand na nakatupi sa bandang siko at suot na chino pants. Semi-formal naman ang suot kong white v-neck long sleeve retro chiffon blouse at kulay gray na skater skirt.

Sabay kaming napalingon sa hagdanan nang marinig ang yabag ng mga paa. Deretso ang ginawa niyang pagtayo nang makita namin sina Mommy at Papa na bumababa na ng hagdanan.

Malapad ang ngiting ipinakikita ni Papa samantalang mapanuri naman ang tingin ni Mommy sa boyfriend ko.

"Good evening, Sir," magalang na pagbati ni Lake kay Papa nang makahinto na sila sa harap namin. Binalingan niya rin si Mommy at magalang na tinanguan, "Ma'am."

Naglahad ng kamay si Papa na agad namang tinanggap ni Lake.

"Finally, it's good to formally meet my daughter's first ever boyfriend," si Papa sabay tawa.

"I think dinner's ready," anunsiyo naman ni Mommy nang masulyapan ang katulong namin.

Ang balak talaga namin ay sa labas na mag-dinner pero dahil medyo may pagka-tradisyunal si Papa, sa mansiyon na lang.

Nagtungo na kami sa dining area at tahimik na naupo. Magkatabi kami ni Lake samantalang nasa tapat naman namin nakaupo ang mga magulang ko.

"So, Lake, I heard that you are a law student? Final year, is it?" panimula ni Mommy matapos sumimsim sa kanyang wineglass.

"Yes, Ma'am," magalang na sagot naman ng boyfriend ko.

"Your parents have a really wonderful reputation," malamyos na dagdag pa ng ina ko.

"Uh, they're doing well on the field po."

"Hmm." tugon ni Mommy at hindi na nagdagdag pa. Paglipas ng ilang segundo ay nagsalita na naman siya. "Hindi ka na pala nagtuturo sa university?"

Napasulyap na muna si Lake sa akin bago sumagot sa tanong.

"Uh. Hindi na po. I am now focusing on my last year in law school."

"I agree with that decision of yours," si Papa naman. "Ang hirap pa naman ng law school. I can definitely relate."

"So, what are your plans after graduation?" usisa na naman ni Mommy bago tuonan ng pansin ang kanyang steak.

"Maybe take the bar exam po, Ma'am."

"That's good. That's great. And maybe, you can join your parents and do wonders!" anas niya sabay plaster ng kanyang artistahing ngiti.

Pinilit kong huwang pumikit sa bawat sensitibong paksa na nababanggit ni Mommy lalong-lalo na patungkol sa mga magulang ni Lake. Ganito pala talaga kapag ipinapakilala ang boyfriend sa mga magulang? Para kang naglalakad sa land mine at nag-iingat na walang sumabog?

Siguro ay napuna ni Lake ang pagiging tensiyonado ko kahit na hindi naman ako ang ginigisa ng mga magulang kundi siya. Pasimple niyang pinisil ang kamay ko at tila ba ipinaparating sa akin na hindi na mangamba sa sitwasyon.

The Accused MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon