Chapter 35

35.8K 703 62
                                        

Chapter 35

Pamilya

It stuck on my mind. What my biological father said about how Lake sees me earlier stayed in me even when we arrived home. Hindi ko maintindihan ang ibig nitong sabihin. Nabubulag ba siya sa akin? Hindi niya ba ako kayang tingnan? Hindi ko alam.

Ibinaba ko ang hawak na suklay at tinitigan ang sarili sa harap ng salamin. Masyado pang basa ang buhok ko dahil kagagaling ko lang sa shower kanina. Kumpara dati na nagmumukha akong multo dahil sa pagiging masyadong maputla ay may nakikita na akong bahid ng pula sa mga pisngi ko. Hindi na rin masyadong malungkot ang kulay brown na mga mata ko.

My thoughts were interrupted by a phone call. Kinuha ko ang cellphone na nakalapag lang sa mesa at tiningnan ang numerong naka-display sa screen. An unknown number.

"Hello?" I asked softly.

"J-JC?" Batid ko ang pag-aalinlangan sa tono ng boses ng babaeng nasa kabilang linya. "S-Si Hope 'to..."

Panandalian akong nawalan ng kakayanang magsalita. Bumalik sa akin ang huli naming naging pag-uusap.

"May importante akong kailangang sabihin sa'yo—"

Hindi ko na siya pinatapos pa dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla ko na lamang ibinaba ang tawag. May takot na bumalot sa damdamin ko. May nakihalo rin na sakit at dismaya rito.

Dahan-dahan kong inilapag ang cellphone sa ibabaw ng cabinet. Matagal ko itong pinagmasdan at hindi nakita ang muling pagtawag ni Hope. Nawala ang pangamba ko na baka wala rin akong maisagot sa kanya.

I slowly stood up and went near the bed. Maski hindi pa gaanong natuyo ang buhok ay humiga ako sa kama. Sinubukan kong patulugin ang sarili sa kabila ng mga kumakatok na katanungan sa isipan. Kung tama man ang hinala ko ay ayaw kong maging isang sagabal sa kanila. Hindi na ako naging parte ng kanilang buhay. Ang dami ko na ring pasakit na idinulot sa kanila. Tama na iyon. I should stop hurting them.

Buo na ang loob, bumangon ako mula sa kama at muling kinuha ang cellphone. I called Alec and told him to book me a flight for Manila.

"Maynila? Bakit biglaan naman yata ang alis mo eh 'di ba one week ka pa rito?" si Manang.

Nagpaalam na ako sa kanya madaling araw pa nang madatnan ko siyang abala nang nagluluto sa kusina.

Ibinaba ko ang hawak na isang tasa ng kape para tingnan siya.

"Aasikasuhin ko na po ang mga naiwan ni Papa bago bumalik ng San Luis."

Napasulyap na muna siya sa pintuan papuntang sala bago ako muling tiningan.

"Paano ang Mommy mo?"

"Babalik din po ako rito, Manang," pagpapanatag ko ng kanyang loob.

Bumuntonghininga siya at malungkot akong nginitian. "Ikaw ang bahala, JC. Desisyon mo iyan. Kung ano man ang balak mo ay susuportahan ka namin."

"You're leaving?"

Sabay kaming napalinga ni Manang sa bandang pintuan nang marinig namin ang boses ni Lake. Lantad sa kanyang hitsura ang pagkalito at ang maraming katanungan.

The Accused MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon