Chapter 23
Killed
"Halika na, JC," untag ni Lolo dahil nag-ugat pa rin ang mga paa ko sa sahig.
Ilang minuto na ang nakalilipas simula nang matapos ang trial. Kami na lang ang natitira sa loob ng korte. Hindi ko pa rin magawang humakbang palabas. Hindi ko pa rin magawang magpatuloy.
"JC, lumabas na tayo," marahang segunda naman ni Hope sabay hawak sa kamay ko.
"Dapat guilty 'yon," paos kong sinabi at pagkatapos ay binalingan ng tingin si Attorney Pelaez na tahimik lang sa aming likod. "Attorney, mali ang verdict. Si Mommy... Si Mommy... s-sabi niya... sabi niya ginawa niya ang krimen! Inamin niya!"
Puno ng awa ang tingin ni Attorney sa akin. Marahan siyang bumuntonghininga.
"Let's just respect the verdict, Jean."
"Lo." Tiningnan ko si Lolo para humingi ng kakampi. Binalingan ko rin ng tingin ang kaibigan. "Hope..."
Pareho silang dalawa na napayuko. Pakiramdam ko nabigo ulit ako sa ikalawang pagkakataon. Tingin ko ay sumuko na sila at ako na lang mag-isa ang natitirang lumalaban.
"Umuwi na tayo, JC. Kailangan mo nang magpahinga, apo," banayad na paalala ni Lolo.
Pahikbi ko siyang tinanguan at nagsimula ng humakbang. Bawat hakbang ko ay puno ng pagsisikap para makapagpatuloy sa paglalakad. At sa buhay.
Huminto ako nang nasa bukana na ng pintuan palabas. Huminto rin sina Lolo. Magkasabay naming pinagmasdan si Mommy na inaalalayan ni Lake papasok ng siguro ay sasakyan niya.
Pansamantala akong nawala sa rasyonalidad at mabilis na naglakad palapit sa deriksyon ng dalawa. Inignora ko ang boses ni Hope at Lolo na umaawat sa akin upang patigilin ako sa gagawin. Dere-deretso ang paglapit ko sa dalawang taong siyang nagturo sa akin kung paano magtanim ng galit.
"Are you happy now?" mapangahas kong tanong nang makalapit na sa kanila. "Paano kayo nakakatulog, huh?!"
Pahapyaw lang akong sinulyapan ni Mommy at yumuko na siya. Binuksan naman ni Lake ang pinto upang papasukin si Mommy sa loob ng sasakyan.
"Are you happy now?!" singhal ko ulit. Wala ng pakialam kung nagdudulot ng eskandalo. "Wala ba talaga kayong mga konsensiya?!"
"Jean, please your mother needs to rest," pakikiusap ni Lake na ngayon ay nagiging marahan na kung turingan ako.
Mas lalo lang na umusbong ang galit ko dahil sa concern na ipinapakita niya sa ina ko. Nagkampihan nga talaga silang dalawa. Malamig ko siyang binalingan ng pansin.
"Rest? Paano naman si Papa?! Paano naman... Paano naman..." Ako. Gusto ko sanang sabihin ngunit hindi na ginawa pa. Ayaw kong maging mahina ulit sa mga mata niya.
Tuluyan nang nakapasok sa loob ng kotse si Mommy. Nang isara ni Lake ang pinto nito ay parang pinagsarhan na rin ako ng pag-asa. Hindi ko matanggap ang pagbabago sa kanyang mga matang nagiging banayad na kung pagmasdan ang bawat sulok ng mukha ko. Nasusuka ako sa pagkukunwari niya.
"Please, go home and also rest, Jean," pag-aamo niya sa akin. "I will explain everything to you. I will—" Nag-angat siya ng kamay at umakto pa na hahawakan yata ako sa braso ngunit mabilis akong umatras para makaiwas. Kitang-kita ko ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata habang tinititigan ang distansiyang pinagitan ko sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Accused Mistress
Romance(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong depensahan ang sarili ko. I look at the few people who are seated inside the trial court. Sa mga mata nila ay nakikita kong hinuhusgahan na nil...