Chapter 19

30.8K 724 51
                                        

Chapter 19

Order

Sa halip na sa matigas na sahig matumba ay isang malambot na bagay ang naramdaman ko sa likod. Ngunit hindi pa rin naibsan nito ang sakit ng ulo ko na mistulang pinukpok ng martilyo.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Ang napansin ko lang ay nang unti-unti akong dumilat, isang pamilyar na kuwarto at isang nakakasilaw na sikat ng araw ang bumati sa akin. Kaya naman pala malambot, nasa kama pala ako ng mismong kuwarto ko!

Napadaing ako at nasapo ang noo. Hinilot ko ito para maibsan man lang ang sakit. Sinubukan ko rin na suriin sa memorya ang nangyari kagabi. Wala akong masyadong naalala sa nangyari. Ang huling naalala ko lang ay ang pagtayo ko para sumayaw at pagkatumba  sa sahig. Ang ibang natitirang detalye ay naging malabo na.

Hindi na dapat ako nagtataka pa na naging black out ang memorya dahil ganito naman talaga ako kapag nakakainom. Nakasisiguro naman ako na babalik din sa akin ang mga alaala kalaunan.

Sinulyapan ko ang maliit na orasan sa bedside table at nakitang alas nuwebe na ng umaga. Nakita ko rin sa tabi nito ang isang baso ng gatas at maliit na tableta.

Sa naniningkit na mga mata ay tinitigan ko ang maliit na papel na idikit sa labas ng baso. Umusog ako malapit sa mesa at inabot ang papel. Binasa ko ang nakasulat dito.

Wala ka mang jowa na mag-aalaga

May bestfriend ka naman na dakila!

And I, thank you!

PS. Drink drink.

-H

Napangiti ako nang mabasa ang mensaheng iniwan ng kaibigan. Bumangon na ako at sinunod ang utos niya para kahit papaano ay maging maayos ang pakiramdam.

Kumain na muna ako ng agahan at pananghalian sa condo bago naghanda sa pagpunta sa opisina. Naalala ko na may importanteng dokumento pala akong kailangan na asikasuhin at hindi dapat ipagpabukas pa. Maski may kaonti pang hangover ay pumasok pa rin ako ng opisina.

Iilang dokumento na lamang ang kailangan kong i-review bago pirmahan. Habang pumipirma ay unti-unti nang bumabalik ang mga alaala ko sa nangyari kagabi sa club. Ang walang pakundangan kong pag-inom maski inawat na ni Hope. Ang pagpupumilit kong sumayaw sa gitna ng dance floor. Ang pagdaan ko sa mesa ng...

"M-Miss Villarejas, uh... sa client's name niyo po nailagay ang signature niyo..." puna ng sekretarya ko.

"H-Huh?" Napakurap ako at nahinto sa pagsusulat. Tulala akong nag-angat ng tingin sa kanya.

Nahihiya siyang ngumiti sa akin at itinuro ang dokumentong hawak ko sa kabilang kamay.

"Iyong kay Mr. Alfonso po ang nalagyan niyo ng... signature," saad niya.

Napasinghap ako at kaagad na tiningnan ang tinutukoy niya. Nakita ko nga ang pirma ko sa itaas ng pangalan ng kliyente.

"Oh shit," mura ko at natampal ang noo.

"I can just make another copy for it, Miss," agap ng sekretarya ko.

"Can you do that?" wala pa rin sa sariling tanong ko. Nang mapagtanto kung gaano ka tunog ignorante ang  tanong ay muli ko na namang natampal ang noo. "Of course, you can... Of course! Silly me. Thank you, Patty."

The Accused MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon