Chapter 31

39.5K 827 83
                                        

Chapter 31

Love

"Feeling ko po talaga buntis si Winona," Nadatnan kong sabi ni Lyn habang kinakausap si Ate Jelay sa kitchen. "Ano sa tingin mo, Ate?"

Dumaan ako sa gilid at dumeretso ng counter para gumawa ng kape. Nagkatinginan kami ni Ate Jelay. Pareho rin namain itong napapansin sa mga nagdaang araw. Tumalikod ako at hinarap na ang counter. Kumuha ako ng isang tasa mula sa cabinet sa ibaba.

Hindi ko narinig ang pagtugon ni Ate Jelay sa tanong sa kanya ni Lyn. Hindi ito naging balakid para magpatuloy si Lyn sa pagpapahayag ng suspetsa. Porque't maaga pa at wala pang customer ay tumatambay ito sa kusina.

"Wala naman po siyang ipinapakilalang boyfriend sa atin. Hmm. Puwera na lang noong nakaraang buwan na may napapansin akong magarang sasakyan sa labas. Nakita ko siyang lumabas mula do'n."

"Buhay ni Winona 'yan, Lyn. Hayaan mo na siya," sabad ko, hindi na napigilan pa ang sarili.

"Hehe. Curious lang po kasi ako. Wala rin po kasi siyang post sa facebook kaya..."

Dala-dala ang kape ay nagtungo ako sa mesa at naupo sa bakanteng silya sa kanilang tapat. Bago sumimsim sa kape ay sinulyapan ko siya at nakita ang kuryosong tingin niya sa akin.

"Speaking of facebook po, Ma'am. Wala po ba talaga kayong balak na gumawa? Ang weird lang isipin na wala kayong facebook o kahit anong social media account..."

"Wala akong oras para riyan," madulas kong palusot at muling binalingan ang tasa ng kape.

"May pinagtataguan ka po, Ma'am?" She leaned forward.

Nasamid ako sa iniinom na kape. Mahina naman siyang sinapak ni Ate Jelay sa likod.

"Ikaw talaga! Hindi ka na nahiya!" saway ni Ate.

Napangiwi si Lyn at napahaplos sa kanyang likod. Nilingon niya si Ate Jelay at ngumuso siya.

"Nagtatanong lang naman po! Kapag 'di kasi active sa facebook, it's either may itinatago o may pinagtataguan."

"Dahil lang walang facebook may pinagtataguan na?" puna ni Ate Jelay. "Eh ako, wala akong facebook. May pinagtataguan din ba ako?"

Marahan siyang tinapik sa balikat ni Lyn. "Iba po ang kondisyon niyo, Ate. Hindi naman uso sa edad mo ang pagpe-facebook."

Ngayon ay kinurot na siya ni Ate Jelay sa tagiliran na nagpahiyaw sa kanya. Tumayo si Lyn mula sa upuan, mabilis na tumalikod, at naglakad na paalis ng mesa.

"Baka may customer na!"

Nagkatinginan kami ni Ate Jelay at paglaon ng ilang segundo ay magkasabay na natawa.

Tatlong araw na ang lumipas matapos ang huli naming pag-uusap ni Lake sa gabing iyon. Nangako siya sa akin na walang ibang gagawing aksiyon si Attorney Pelaez sa kaalamang buhay pa ako na walang permiso ko. Sa totoo lang, hindi ako lubusang nagtiwala ngunit hindi rin naman ako nagdududa sa pangako niya.

"Good morning, Attorney!" magiliw na bati ni Lyn nang dumating si Lake nang maaga. Siya pa ang pinakaunang customer namin.

Deretso siyang nagtungo sa counter sabay sulyap sa akin. Inabala ko ang sarili sa pagsusuri ng mga naka-display naming pastries.

The Accused MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon