Chapter 15
Promise
Nilapitan ko siya at parang bata siyang niyapos. Malamyos kong hinaplos ang kanyang likod.
"That's okay. Pwede ka pa naman na mag-take ulit. Let's not give up," alu ko.
"I'm sorry I disappointed you," malungkot niyang sinabi.
Hinagkan ko ang kanyang buhok. "You didn't. I know that you did your best and I'm still proud of you. Siguro hindi mo pa time ngayon pero may next try pa naman. Sabi mo sa'kin tatlong beses pwedeng mag-try, 'di ba?"
Tumango siya at alam kong magiging okay rin ang lahat. Magkasabay na nakuha ang aming atensiyon dahil sa katok na narinig mula sa pinto. Awtomatikong sumilay ang ngiti sa mga labi ko nang makitang si Nanay Celia ito. Sa kanyang suot ay napansin kong mukhang kararating lang din niya.
Sumenyas siya na sa pagkakabasa ko ay nagtatanong siya kung sa apartment ba ako maghahapunan. Sinulyapan ko muna si Lake na bagsak pa rin ang balikat at nagsasara na ng kanyang laptop. Maski hindi pa nagpapaalam sa mga magulang ay tinanguan ko si Nanay Celia. Alam kong mas pinakakailangan ako ng boyfriend ko ngayon.
Late na akong umuwi ng mansiyon. Sinigurado ko munang okay si Lake bago siya iwan. Paakyat na ako ng hagdanan nang matigilan dahil sa boses na narinig.
"You are super late. Akala ko nga roon ka na matutulog," sabi nito.
Nilingon ko si Mommy na nakaupo sa sofa. Hawak niya sa isang kamay ang wine glass. Dumapo ang tingin ko sa center table kung saan nakalapag ang isang bote ng wine na malapit ng maubos.
"I just made sure that Lake was fine before coming home," sagot ko.
Inilapag niya sa mesa ang wineglass at tiningnan ako gamit ang mapanuring tingin.
"Don't ever make the same mistake I did, Jean," makahulugan niyang sinabi.
Imbes na depensahan ang sarili at sabihan siyang wala naman kaming ginagawang milagro ni Lake ay nagtimpi ako. Sa halip ay iba ang sinabi ko.
"Lake is a decent man, Mommy."
"That's what they all seem to be, at first," pasaring na naman niya at saka muling kinuha ang wineglass at sumimsim dito.
"He isn't like my biological father," matigas kong sinabi.
"Oh well... I heard he did not pass the bar," pagpapatuloy niya. Tiningnan ko lang siya at hindi na nagkomento pa. "Your Papa told me. Naging curious din kasi siya sa resulta," dugtong niya.
"Lake will try again. I will help him," sabi ko at nagpaalam na. "Aakyat na po ako at matutulog."
Sa sumunod na buwan ay naging abala na ako dahil sa pagtatapos ng school year. Habang nasa school break ay nagtrabaho rin ako sa negosyo ni Papa. Nag-handle ako sa ibang paperworks para masanay na rin sa pamamalakad ng negosyo.
"Ako na ang magtatapos niyan, JC! 'Di ba early out ka ngayon dahil anniversary celebration niyo ni bf?" si Miss Tam, ang head supervisor ng kompanya ni Papa.
"Opo. I-si-save ko lang ang file at aalis na rin po ako," sabi ko habang nasa harap pa rin ng computer kung saan naka-display ang financial report.
"Baka naghihintay na 'yong bf mo roon sa lobby," paalala niya.
Pinangalanan ko na ang file, ni-save at pinatay na ang computer.
"Yes po. Aalis na!" sabi ko sabay pulot sa bag na nasa kabilang swivel chair. "Bye po! See you on Monday!"
"Sige! Enjoy!"
Nadatnan ko si Lake na nasa lobby at nakaupo sa may lounge. Nakita ko na abala siya sa kakatitig sa kanyang cellphone kaya siguro hindi niya napansin ang paghinto ko sa gilid niya.
BINABASA MO ANG
The Accused Mistress
Romantiek(Delilah Series # 2) "Is it true that you were your own stepfather's mistress?" Alam ko na kailangan kong depensahan ang sarili ko. I look at the few people who are seated inside the trial court. Sa mga mata nila ay nakikita kong hinuhusgahan na nil...
